LAUREN'S POVS Matapos akong sunduin ni Fizz sa malaKdrama kong eksena sa may parke, dinala niya ako sa isang ice cream parlor. "Wag ka na umiyak, oh, pakasasa ka sa ice cream," sabi niya matapos naming makaupo sa isang bakanteng pwesto't maabit sa akin ang menu. Ayoko sanang kumain dahil sa bigat ng pakiramdam ko pero paborito ko ang ice cream, mahirap tumanggi. Matapos kong makapamili, agad siyang umorder. Nagmuni muni muna ako sa pwesto namin habang wala siya. Bakit mo ba ako ginaganito Joshua? Bakit paulit ulit mo ako ginagawang tanga? Napabuntong hininga ako. "Ang lalim ah," rinig kong sabi ni Fizz. Agad akong napatingin sa kanya na may dala dalang tray. Umupo siya kaharap ko saka sakin binigay ang inorder kong ice cream. "Gusto mong magkwento?" Umiling ako saka nagsimulang kuma

