JADE'S POVS "You looks fresh, anong nangyari? Nagkaayos na kayo ng asawa mo?" Bungad sa akin ni Paulo pagkaupo ko sa pinupwestuhan namin sa pantry. Nahuli akong dumating sa amin dahil madami akong ginagawang trabaho. "Sana lang talaga magkaayos pa kami," sagot ko saka naupo. Inilapag ko na din sa lamesa ang binili kong pagkain. "Eh bakit parang ang fresh mo?" Tanong pa niyang muli. Napakibit balikat ako. "Baka masaya na siyang wala sila," kumento ni Melai na kumakain ng spaghetti. As if naman sasaya ako ng wala kami. "Yan ang hindi mangyayari Melai," tugon ko. "Pero medyo hindi na ako stress ngayon." "At bakit naman?" Pagtataka ni Paulo. "Bawal ba siyang maging masaya? Bakit ganyan kayo magtanong?" Singit ni Raquel na bahagya kong ikinatawa. Sa totoo niya, hindi pa din ako ok sa na

