bc

Ruthless Cruelty (COMPLETED)

book_age16+
1.4K
FOLLOW
5.9K
READ
fated
second chance
manipulative
badboy
like
intro-logo
Blurb

Inakala niyang hindi siya nagbago pero maling mali pala.

Dahil ibang iba na siya. Akala niya matino ito pero balat-kayo lng pala. Isang prinsipeng hinangad...

Pero tinubuan na ata ng sungay at buntot na kinahuhumalingan pa rin ng maraming kababaihan dahil sa taglay na kakisigan.

Dangerous yet undeniably Hot and Handsome.

"I am a Prince. A Ruthless Kind of Prince. Would you mind having me?" -Jasper Creth Lozano

Lahat ng gusto niya nakukuha. Napapaikot niya ang utak ng ibang tao para lang sa kagustuhan. Kaya niya rin kayang manipulahin ang PUSO?

Can they all bear his RUTHLESS CRUELTY?

chap-preview
Free preview
Ruthless 1
Inakala niyang hindi siya nagbago pero maling mali pala. Dahil ibang iba na siya. Akala niya matino ito pero balat-kayo lng pala. Isang prinsipeng hinangad... Pero tinubuan na ata ng sungay at buntot na kinahuhumalingan pa rin ng maraming kababaihan dahil sa taglay na kakisigan. Dangerous yet undeniably Hot and Handsome.   "I am a Prince. A Ruthless Kind of Prince. Would you mind having me?" -Jasper Creth Lozano Lahat ng gusto niya nakukuha. Napapaikot niya ang utak ng ibang tao para lang sa kagustuhan. Kaya niya rin kayang manipulahin ang PUSO?   Can they all bear his RUTHLESS CRUELTY? *****   7 YEARS LATER... JC's POV "Seirra!!" "Creth! Heeyy!" kumaway sakin si Seirra at ganun din naman ang ginawa ko pabalik. Nags-skype kasi kami. Ganun pa rin ang mukha niya. Simple pero maganda at may pagka-nerdy. "Kamusta yung first day of school mo?" tanong niya sakin. "Okay naman. As usual wala akong ka-close talaga! Hahaha!" "Ikaw naman kasi! Libro lang ata gusto mong maka-bonding tapos pa mysterious effect at parang galit palagi sa mundo tsaka ang arte. Tch." "Sus. Mas gusto kong ganun eh. Tsaka running for Valedictorian pa rin naman ako kahit anong pintas nila sa akin." "Hambog mo!" sabay irap niya sakin. Natawa lang ako. "Ano ka ba Sei, 2 years na lang at graduate na ako sa High School kaya bahala na yung mga taong maghusga. Basta pag college natin, sabay tayo mag-aral sa Red Woods University ah?? Uwi ka na dito ah???" "Oo na oo na. Promise 'yan." Patuloy lang kami sa pag-uusap hanggang sa kinailangan ko na ring matulog. Iba kasi ang time zone namin pero okay lang. Nasasanay na rin kami. Tumalon na ako sa malambot kong kama para makatulog. *** Seirra's POV I combed my silky black hair na shoulder level ang haba at isinuot ang eye glasses ko. I'm wearing a simple sweat shirt and skinny jeans tsaka vans. Simple as that and I'm ready to go. Sinabit ko na sa balikat ko ang bagpack ko. "Evan let's go!" I called out my little brother, knocking lightly on his door. "Here I come Sissy!" the door swung open. First grader pa pero medyo may kaartehan na 'tong kapatid ko. I ruffled his hair. "No! Not my hair!" See? Arte na noh? Tinawanan ko lang siya. "Angel! Evan!! You two will be late for school!" Mommy shouted from downstairs. "Coming!" sabay naming sigaw dalawa at mabilis ng bumaba. Nagpaalam na rin kami kay Mommy bago sumakay sa kotse ni Dad. "Be good kids. Evan, wag kang masyadong malikot sa school okay?" "Yes Daddy!" "And Angel, you take care too. I'll fetch you both later." "Bye bye Daddy!" sabay halik ni Evan sa cheek ni Dad. Ganun rin naman ang ginawa ko and after that, lumabas na kami ng kotse para pumasok sa school namin. *** 1 WEEK LATER... JC's POV Maaga na naman ako dito sa school. Yung 30 minutes bago magsimula ang klase. Ganun kaaga. Bakit? Hobby ko na kasing tumambay dito sa maliit ng tree house sa likuran ng school na parang secret haven ko na para magbasa. Kakabasa ko nga, nagsasalamin na rin ako. With the help of my parents, napapayag ang school na ipaayos namin 'to para sakin. KRINGGG... Bell na 'yun. Nag-inat ako bago inayos yung mga gamit ko at bumaba na. Deretso naman ang lakad ko sa building namin. "Gosh! Ang gwapo niya talaga! Kyaaahh!" "Ang talino pa! Haaayyysstt.." "Angas naman ng 'sang 'to mga pare." "Weirdo." Talk all they want pero wala na akong pakialam basta may sarili akong buhay and I'm controlling it on my own because it's mine. Sanay na rin lang ako simula elementary pa. *** Hours pass by, natapos rin ang morning classes ko. May gustong makipag sabay sakin na mga kaklase pero tumanggi ako. Introvert? Sort of. Anti-social? Medyo. Okay na kasi sakin na nakakausap ko sila for important matters only but other than that, ayokong makipag-close masyado sa mga tao dito. Less hassle. Easier way of living. I was about to start eating ng may biglang umupo sa harapan ko. "Hi." Kilala ko siya. Si Raquel Dane Sanchez, 3rd year high school student, one of the popular girls in school. "Hello." simpleng bati ko. I'm civilized and not that rude. "Umm.. can I join you for lunch Jasper?" Jasper. Everyone else here calls me JC. Seirra calls me Creth. "Call me JC." it was a statement. "U-Uh sorry.. JC. So can I?" "Bakit?" "Because I..." tinitigan ko siya sa mga mata daring her to tell me the truth, not wanting any lies. I can clearly sense her nervousness. "I like you.. please date me!" Psh. She's one of those girls. Ayaw ko sa mga kagaya niya. "No. I won't." tsaka ako tumayo pero hindi ko inakala ang biglaan niyang paghatak sakin at hinalikan ako sa labi. Third Person's POV Lahat ng estudyante, nagulat. Natahimik rin ang buong canteen at nakatutok sa scenario. Itinulak siya ni JC palayo tsaka nagpunas ito ng labi. "Desperate girl. Kissing me doesn't make me like you. How pathetic." tsaka ito naglakad palabas ng canteen na parang siya ng ang tanging tao at balewala ang nangyari. Lalong nagulat ang lahat. Na statwa rin si Raquel sa kinatatayuan. Masakit 'yun panigurado. "First kiss ni Prince JC yun!! How dare you!" sigaw ng isang babaeng may fans club ni JC. Galit at inggit mula sa mga babae at iba-iba pang reaksyon. Kumalat rin agad ang balita sa buong campus. Habang si JC... "Sht lang nakakabanas! Hinalikan ako ng babaeng 'yun Sei! Sa labi pa ah! Ang aga ko atang na molestiya!! Mas matanda pa sakin!" reklamo pa ni JC habang nakaupo sa sofa niya sa tree house. Tatawa-tawa naman si Seirra sa kabilang linya. Walang ibang nakakaalam sa side niyang ito kundi siya at ang pamilya lang ni JC. "You rant like a girl. Hahaha!" "And you're not helping at all. Psshh. Pambihirang bestfriend. Uwi ka nga dito at suntukin mo 'yung babaeng molester." lalong natawa si Seirra sa tono ng boses niya. "You'll get over it Creth. Pero sayang nga 'yun noh? First time eh tsaka yuukk. Ang pedo nung babae. Poor you." Todo asaran lang ang dalawa sa phone hanggang sa kinailangan ng ibaba ni JC dahil may klase pa nga siya. He's really comfortable with her at ganun rin naman si Seirra sa kanya. *** Raquel's POV I really like JC simula pa Elementary kahit pa he's a year younger than me pero kanina lang ako nagkalakas loob at ganun pa ang nangyari. I've expected na aayawan niya ako but no, I didn't expect him to talk to me like that. Masakit. "Raq, wag kang mag-aalala, bibigay rin sa'yo 'yun."  "I'm not giving up Kar. I swear, I won't." pangako ko sa sarili ko. Hindi talaga. You will be mine JC. Soon enough. *** ~~~6:25pm..~~~ JC's POV Hindi na ako nagpasundo sa driver namin dahil matagal nga akong nakauwi at si Kirstine, yung kapatid ko, siya yung pinasigurado kong ipasundo. Ngayon, naglalakad na ako sa hallway habang iniikot-ikot yung libro sa kamay ko.  Hindi ko na kinailangang lumingon pa para siguraduhing may nakasunod sakin at nakamasid dahil alam ko na. Nararamdaman ko. Huminto ako sa paglalakad. "Anong kailangan niyo?" deretsahang tanong ko.  Nagsulputan naman ang apat na lalaki sa harapan ko. Mga seniors.  "Eto yung maangas na nagpahiya sa kapatid mo pare." sabi ng isa.  "Lakas ng loob mo ah. Ako nga hindi makaamin kay Raquel, binastos mo lang sa tapat ng maraming tao!" sigaw sakin ng isa pa. Napailing ako.  "Sinasayang niyo oras ko. Ano ba kasing kailangan niyo??" tanong ko ulit. Bakas sa mga mukha nila ang inis.  "Ginagalit moko ah!!" duro sakin nung kapatid ni Raquel. Mabilis kong hinawakan ang kamay niya at inikot. "Arrgghh!!"  "Wag mokong dinuduro."  Hinila ako ng dalawa pa pero nagpumiglas ako kaya nakawala ako sa kanila. "Gago 'tong batang 'to ah! Ang sakit nun! Bugbugin niyo nga!" utos nung dumuro sakin at yung tatlong tagasunod, nagsilapitan sakin.  Hindi ako gumalaw at tinitigan ng maigi ang gagawin nilang pagsugod at sa kaonting segundo na pag-obserba ko, tinanggal ko agad ang salamin ko at umilag sa suntok ng umatake tsaka tinuhod ko sa mukha. Sunod ay sinipa ko yung nasa likuran ng hindi nakatingin at panghuli ay hinarang ko ang kamao nung isa sa unahan at ako ang sumuntok sa mukha.  Nasa sahig agad sila. Tinignan ko yung kuya ni Raquel pero nakatingin lang rin siya sakin. Gulat. Tss. Parang wala na naman akong mapapala sa kanya, sinuot ko ulit ang salamin ko tsaka siya nilampasan. Nakailang hakbang na ako ng narinig ko siyang gumalaw. Agad akong umilag at sinangga yung sapatos na tinapon niya sa direksyon ko.  "Gusto mo ba talagang maglaro?" tanong ko bago tumalikod at tumingin sa mga mata niya ng seryoso. Nanlaki naman ang mga mata niya.  "H-Hindi.. pasensya na.. sorry."  Ngumisi ako. "Nah-ah. Mali ka kasi ng binangga. Now, let's play."    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Married to a Hot Magnate

read
356.9K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.1K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.6K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

A night with Mr. CEO

read
175.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook