Pagpasok pa lang sa engrandeng bulwagan ay awtomatikong inilibot ni Grant ang mga mata sa paligid. Tinanguan niya ang usherette na sumalubong sa kanya saka sumunod dito hanggang sa upuan na naka-reserba para sa kanya. He instructed his assistant to reserve a seat which is not likely visible to everyone. Narito siya ngayon sa isang Thanksgiving party ng Espere Foundation na mayroon din branch sa Pilipinas na nakabase sa Ilocos. Espere Foundation is one of the biggest and famous orphanages in Italy which is known as a successful individual producer for decades. Dahil halos lahat ng mga batang kinukupkop at inilagaan ng foundation na iyon ay hindi lang nagiging matagumpay sa kani-kanilang propesyon kung hindi nagkakaroon din ng malaking bahagi sa pagbibigay karangalan sa bansa. Ipinirmi

