Tahimik na pinahid ni Vera ang luha habang ibinabalik ang mga gamit niya sa loob ng bag. Umasa pa naman siya na magtatagal siya roon kahit papaano at makakasama pa ang anak sa loob ng ilang araw pero hindi niya inaasahan ang maagang pag-uwi ni Savannah. Wala naman siyang magagawa kung hindi ang sumunod dito . Nobya ito ni Grant at ito ang kinikilalang Ina ng anak niya. Sa batas, si Savannah ang legal na magulang nito. Mabigat ang loob na napaupo siya sa gilid ng kama habang hindi mapigilan ang pag-agos ng luha niya. Napakabilis naman ng pagkakataon na ibinigay sa kanya para makasama ang anak. Inaasahan naman na niya ang araw na iiwan niya na ito nang tuluyan pagkatapos pagbigyan ang kahilingan ng ina pero hindi niya inaasahan ang matinding sakit at inggit na naramdaman niya nang marinig

