“Kaiden, kanina pa tayo paikot-ikot dito. Ano bang klaseng robot ang hinahanap mo?” Halos tatlong oras na yata sila sa loob ng mall pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong mapili na robot. Nangangalay na ang mga binti niya sa kasusunod dito pero wala siyang magawa kung hindi ang sundan ito. “Of course, the one that ugly thief stole from me,” masungit na sagot nito na sandaling lumingon sa kanya saka muling lumakad habang nakatingin sa iba’t ibang klase ng robot na naka-display. Kanina pa siya pinagsusungitan nito at itinataboy na umalis pero paano niya gagawin iyon? Wala itong kasama at hindi niya maaatim na iwan ito mag-isa. Hindi rin naman niya ito makausap nang maayos dahil masyado itong abala sa pagbusisi ng mga robot na nakikita nito. “Ganito na lang… Why not, we call your Dad

