Maya’t maya siyang napapatingin sa suot niyang relo habang hinihintay si Myrna. Inutusan niya itong dalhin kay Grant ang monthly summary report na itinuloy niyang gawin mula sa naiwang trabaho ng pansamantalang pinalitan niya. Lampasan ang tingin na nakatitig siya sa labas ng salaming dingding ng opisina. Kung anu-ano na ang iniisip niya sakaling malaman niya kung nasaan ang anak niya. Kanina pa siya hindi mapakali sa sobrang kaba nang sabihin ni Lexi na alam na nito kung nasaan si Dos. Kung hindi nga lang niya natanggap ang tawag ni Myrna kanina at sabihing nagkaroon ng emergency meeting ang board at kailangan ang financial report na katatapos niya lang gawin ng nagdaang araw ay baka nakausap na niya ito ngayon. Gustong gusto niya nang umalis pero kabilin-bilinan sa kanya ng manager

