CHAPTER 8

1307 Words
THISA IRENE “Do you like it?” tanong ni Kuya sa akin nang tuluyan na kaming nakaakyat dito sa tree house niya. “Sakto lang,” sagot ko sa kanya. “‘Yun lang?” “Yes,” mabilis na sagot ko sa kanya. “Akala ko pa naman matutuwa ka pero hindi ka naman yata masaya,” sabi niya sa akin. “Bakit ka gumawa nito?” tanong ko sa kanya. “Para maging tambayan,” sagot niya sa akin. “With who?” tanong ko sa kanya. “Tambayan nating dalawa, kung gusto mo. Pero mukhang tambayan ko lang ito dahil hindi ka naman yata natutuwa sa ginawa ko,” he’s making drama pa para maawa ako sa kanya. “Okay, maganda. Nagustuhan ko, happy ka na?” tanong ko sa kanya. “Halatang napilitan ka lang,” sabi niya sa akin. “Ayaw mo ba, ‘di ‘wag.” sabi ko sa kanya. “Kumain ka na lang,” sabi niya sa akin at binuksan niya ang pagkain na binili namin. “Busog pa ako,” sagot ko sa kanya. “Nagtatampo ka pa rin ba sa akin?” tanong niya sa akin. “Medyo,” sagot ko sa kanya at kumain ako ng strawberry chocolate. “Sorry na,” sabi niya sa akin at binigay niya sa akin ang strawberry milk. “Bati na tayo kapag hindi mo na ako tinawag na tabachingching,” sabi ko sa kanya. “Pero hindi ko yata kaya ‘yan. Iba na lang ang hilingin mo,” sabi niya sa akin. “Ikaw pa talaga namimili eh ikaw itong gusto na patawarin ko,” sabi ko sa kanya. “Kasi naman alam mo na sanay na ako na tawagin kang tabachingching ko,” sabi niya sa akin. “Ayaw ko nga kas—” “Eh ako gusto ko ‘yon. Ang ganda kaya ng tabachingching, bagay na bagay sa ‘yo.” Sabi niya sa akin. “Tsk!” Naiinis ako sa kanya kaya ang mga binili namin kanina ay kinakain ko na ngayon. Ewan ko ba sa kanya nakakainis talaga siya lalo pa panay ang ngiti niya sa akin. “Kuya, stop smiling para kang dog.” saway ko sa kanya. “Ako ang pinakagwapong dog na nakita mo,” sabi pa niya sa akin kaya naman sinubuan ko na lang siya ng kinakain kong stick-o. “Kumain ka na nga lang, dami mong sinasabi.” “Sabi mo busog ka pa pero mauubos mo na ang pagkain,” sabi niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. “Bumili ka pa kung ‘di naman pala kakainin.” “May sinabi ba ako na hindi kakainin. Sa ‘yo nga ‘yan lahat eh,” sabi pa niya sa akin at binuksan pa niya ang mga binili niya. “Kumain ka rin, baka sabihin mo madamot ako.” sabi ko sa kanya. “Subuan mo ako,” utos niya sa akin. “Ayaw ko nga! Wala ka bang hands.” “Mayroon pero kasi ako na nga bumili niyan eh—” “Oo na, so tamad.” sabi ko sa kanya at sinubuan ko na siya. Magkatabi kaming nakaupo dito sa loob ng tree house niya na walang hagdan. “Kuya, sino ba gumawa nitong tree house mo na walang stair?” tanong ko sa kanya. “Ako tapos nagpatulong lang ako,” sagot niya sa akin. “Kaya naman pala, pero next time lagyan mo na ng stairs ha. Para naman makaakyat ako kahit wala ka,” sabi ko sa kanya. “Opo, kapag magaling na itong paa ko.” nakangiti na sagot niya sa akin. Minsan talaga ay okay naman si kuya. May times naman na hindi niya ako inaasar kaya gusto ko siya pero mas marami talaga ang mga times na inaasar niya ako. Kaya naiinis ako sa kanya. Kasi naman ayaw niyang tumigil lalo na kapag may special occasions. Doon talaga siya bida-bida. “Kuya, uwi na ako,” sabi ko sa kanya. “Agad?” tanong niya sa akin. “Wala ng foods eh, ubos ko na.” sagot ko sa kanya na naging dahilan para tumawa na naman siya. “Bibili pa ako,” sabi niya sa akin. “Huwag na, may mga assignments akong dapat tapusin,” sabi ko sa kanya. “Okay, sige. Ihatid na kita,” sabi niya sa akin. “Kaya ko ng umuwi mag-isa. Hindi naman ako baby para lagi mo na lang akong ihatid–” “Ikaw ang baby ko,” sabi niya sa akin. “Kung baby mo ako hindi mo dapat ako laging nilalait.” sabi ko sa kanya. “Nilalait ba kita?” tanong pa niya sa akin. “Ewan ko sa ‘yo.” Bumaba na siya at binuhat niya ako pababa sa tree house niya. Kahit pa sinabi ko sa kanya na bababa na ako ay ayaw niya. Paika-ika siya maglakad pero nasa likod niya ako nakasakay. “Sure ka ba talaga na okay lang sa ‘yo na nasa likod mo ako?” tanong ko sa kanya. “Oo naman,” mabilis pa niyang sagot. “Pero kasi masakit ang paa mo diba?” I’m not devil naman para hindi ako mag-alala sa kanya. “Magaan ka ngayon,” sagot niya sa akin. “Ibig ba sabihin pumayat na ako?” tanong ko sa kanya. “Hindi, hindi ka naman pumayat eh. Kahit naman siguro gumaan ka ng kaunti pero sure ako na hindi ka papayat,” sagot niya sa akin na dahilan para mainis na naman ako sa kanya. “Alam mo, minsan talaga alam na alam mo kung paano ako galitin?” “‘Yun nga gusto ko, ‘yung nagagalit ka. Kasi ang cute mo kapag ganun ka,” sagot niya sa akin. “Hindi ba ako cute kapag hindi ako galit?” “Hindi,” mabilis niyang sagot kaya sumimangot ako. “Ewan ko sa ‘yo, kuya. Bakit ka ba ganyan? Para kang may saltik sa utak. Normal ka naman pero bakit ka ganyan,” sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya. Nakarating na kami sa bahay at saka lang niya ako ibinaba. “Baby, bakit ka pa nagpabuhat kay kuya mo?” tanong ni mommy. “Ako po ang may gusto, tita.” sagot niya. “Pinapahirapan mo pa ang sarili mo kaya naman ni Thisa maglakad.” “Okay lang po, walang problema, tita.” “Salamat sa paghatid sa kanya.” “Alis na po ako, tita.” paalam niya. “Mag-thank you ka sa kuya mo,” sabi sa akin ni mommy. Hindi ko siya pinansin at pumasok na ako sa loob ng bahay. Ayaw ko mag-thank you dahil baka matuwa pa si kuya at baka hindi na niya ako ihatid ulit. Mas okay na hindi mag-thank you para maulit pa ang paghatid niya sa akin. Kahit kasi inaasar niya ako ay pabor naman sa akin dahil hindi ako nahihirapan na maglakad. “Baby, mag-thank you ka naman kay Raleigh kapag hinahatid ka niya. Sige ka kapag siya nagkaroon na ng girlfriend wala na talagang maghahatid sa ‘yo dito sa bahay,” sabi sa akin ni mommy. “Edi magpapahatid rin ako sa boyfriend ko,” sagot ko sa kanya. Tumawa naman ang mommy ko sa narinig niya. “Kapag narinig ka na naman ng kuya mo aasarin ka na naman niya,” sabi ni mommy. “Araw-araw naman po niya ako inaasar, mommy. Wala naman po bago,” sabi ko sa kanya bago ako umakyat papunta sa room ko. Pagpasok ko sa room ko ay naalala ko na naman ang sinabi ni mommy. Hindi ko alam pero parang bigla akong naging sad. Dahil siguro sanay na ako na laging nasa tabi ko si kuya kahit pa nakakainis siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD