THISA IRENE
Hindi ko alam kung ano ang mayroon at everyday na akong isinasabay ni Kuya Raleigh sa pagpasok sa school. Araw-araw na talaga siyang dumadaan dito sa house namin at hinihintay niya ako. Kaya naman lagi na akong maaga gumising. Buong week akong maaga lagi pumasok sa school.
“Mommy, tell me naghihirap na po ba tayo?” hindi ko mapigilan na hindi mag-asked sa kaniya.
“What are you saying, baby?” tanong niya sa akin.
“Magiging poor na ba tayo?”
“Baby, bakit mo naman na tanong ang bagay na ‘yan?” tanong sa akin ni daddy.
“Kasi po, daddy lagi po akong isinasabay ni Kuya Raleigh papasok sa school. Nagtitipid na po ba tayo? Kailangan ko na po bang bawasan ang pagiging matakaw ko sa food? Hindi na po ba ako puwedeng kumain ng masarap?” sunod-sunod na tanong ko kasi worried na ako.
Pero ang daddy at mommy ko bigla na lang tumawa kaya naman napa-simangot ako.
“Baby, hindi ibig sabihing sumasabay ka sa kuya mo ay naghihirap na tayo.” sabi ni daddy.
“Eh bakit po hinahayaan niyo na sumabay ako sa kanya?”
“Kasi po, mas okay ‘yon. Wala naman siyang kasabay kaya kayo na lang dalawa. Ayaw mo bang sumabay sa kanya?” tanong sa akin ni mommy.
“Hindi naman po, nagtataka lang ako.” nakayuko na sagot ko sa kanya.
“If ever na ayaw mo talaga na sumabay sa kuya mo ay okay lang. Sabihan mo lang si daddy, okay?”
“Opo, daddy. Pero okay naman po ako,” sagot ko sa kanya.
“Hindi ko hahayaan na maging poor tayo. Paano na ang babies ko na mahilig sa strawberry at sa pomegranate?” nakangiti na tanong ni daddy sa aming dalawa ni Kristjan.
“Dapat lang po, daddy. Huwag mo po kami hayaan na maging hungry,” sabi ko sa kanya.
“Ate, you’re so OA na naman,” sabi sa akin ng kapatid ko.
“Nonchalant,” pang-aasar ko sa kanya.
“It’s okay to be nonchalant than being OA,” sabi pa niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“That’s enough na, kumain na kayong dalawa.” sabi sa amin ni daddy.
Kumain na lang ako at hindi ko na lang siya pinansin. Ganito talaga kaming dalawa mag-asaran. Hindi rin naman kasi siya mahilig makipagtalo. Minsan nagsasalita siya pero ganito lang. After nito ay tahimik na siya. Sanay na ako sa baby brother ko at ganun rin ang parents namin. Bata pa lang siya ay tahimik na siya. Siguro baka mas tahimik pa siya kapag lumaki na siya.
Walang pasok ngayon dahil weekend. Pupunta kami mamaya sa house ng parents ng daddy ko. May party doon kaya hanggang bukas kami doon.
After breakfast namin ay umakyat na kami para maghanda sa pag-alis.
“Mommy!” katok ko sa door nila.
“Yes, b-baby?!”
“Mommy, ano po ang isusuot ko?” tanong ko sa kanya.
“W–Wait lang, baby. Balik ka na sa room mo. S–Susunod na lang ako!”
“Okay, mom.” sagot ko sa kanya.
Bumalik nama ako sa room ko at napa-simangot ako dahil hindi ko alam kung ano ba ang isusuot ko. Wala na kasing magkasya na damit sa akin. They are all masikip na, and I don’t like masikip na dress because I can’t breathe. Napaupo na lang ako dito sa may floor dahil napapagod na ako to choose. Napapagod na rin ako to make hubad this damit.
“Baby, bakit po?” nakangiti na tanong sa akin ni mommy.
“Mommy, wala na po akong dress.”
“Anong wala? Marami ka pang dress, marami akong biniling bag–”
“They all masikip na,” sagot ko sa kanya.
“Masikip na? Hindi mo pa naman na suot ang mga ito.”
“Opo, pero hindi po ako makahinga. Nahihirapan na nga po akong hubarin ang isang ito. I think I’m gonna die na,” sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya.
“Ang bilis mong lumaki, baby. Sa tingin ko ay kailangan na–”
“Magdiet na po ba ako?” tanong ko sa kanya.
“No po, baby ka pa para mag-diet. Ang ibig kong sabihin ay kailangan na nating mag-shopping to buy your new dresses,” nakangiti na sabi niya sa akin.
“Hindi ka po ba naiinis sa akin?”
“Bakit naman po ako maiinis?” malambing pa rin na tanong niya sa akin. Nakangiti pa nga siya eh.
“Kasi po, mommy magastos po ako. Bibili na naman ako ng mga damit kahit kakabili lang natin last month–”
“I have a lot of money, baby.” ang daddy ko na ang narinig ko na nagsalita na nasa may door ko na pala nakatayo.
“Your dad is right,” sabi naman ni mommy.
“Donate na lang po natin sa orphanage ni Mama Rachel ang mga damit ko, mommy. Para naman po magamit doon ng mga kids,” sabi ko sa kanya.
“Sure ako na matutuwa sila kapag nalaman nila na sa ‘yo galing,” sabi niya sa akin.
Ngumiti na lang ako dahil gusto ko rin talaga bumalik ulit doon. Ang daming kids doon at mabait silang lahat. Ang mommy ko at si Mama Rachel ay laging pumupunta doon. Actually super dami ng mga orphanage na mayroon si mama. She’s helping the street children to have a shelter.
Mabuti na lang at may kumasya pa sa akin na damit kaya ito na ang sinuot ko. Before kami pumunta sa house nila grandma ay dumaan na muna kami sa mall para bumili ng mga damit ko. Marami na namang binili si mommy. This time ay sure na kami na malaki na talaga.
Dahil bukas rin ang school ko tuwing weekend ay dumaan na rin kami to buy my new uniform. Marami kaming dinaanan bago kami nakarating sa bahay nila grandma. Ang buong akala ko ay kami lang ang pupunta dito pero nandito rin pala sila Mama Rachel.
“Hi, Ate Alliyah.”
“Ang ganda mo sa damit mo,” nakangiti na sabi niya sa akin.
“Thank you po, ate.”
“Ang cute naman ng tabachingching,” pang-aasar na naman sa akin ni kuya kaya naman hindi ko siya pinansin.
Pumunta na lang ako sa mga pinsan ko at sa iba pang mga bata. Nagsasawa na ako sa pagmumukha ni Kuya Raleigh. Kung puwede lang na hindi ko na siya kausapin ay gagawin ko. Naiinis lang ako sa kanya. He’s so nakakairita na talaga. Nakipaglaro na lang ako sa mga kilala ko here.
Kahit pa alam ko na nagpapansin na naman ang kuya ko ay hindi ko siya pinapansin. Ewan ko ba sa kanya, bakit siya ganito? Kapag sa ibang tao ay ayaw niyang makipag-usap pero kapag ako ang kasama niya ay ang ingay at ang kulit niya. Like na lang ngayon na hindi ko siya pinapansin ay nakaupo lang siya ng tahimik sa may sulok.
“Hayaan mo na si kuya. Ganyan lang talaga siya. Maingay siya kapag komportable siya sa tao pero kapag hindi ay ganyan lang siya ka tahimik. Sa ‘yo lang naman ‘yan makulit,” sabi sa akin ni Ate Alliyah dahil napansin niya yata na nakatingin ako kay kuya ngayon.
“Para siyang nakakaawa,” wala sa sarili na sabi ko.
“Naawa ka sa kanya?” natatawa na tanong niya sa akin.
“Hindi,” sagot ko sa kanya at naglakad na ako para pumunta sa may catering dahil nagugutom na ako.
Habang pumipili ako ng food na gusto ko ay may biglang humarang sa akin.
“Hi,” nakangiti na bati sa akin ng isang kid. Hindi ko alam kung bata pa ba siya. Para kasing magkasing-edad sila ni Kuya Raleigh.
“Hi,” bati ko rin sa kanya dahil ayaw kong maging rude sa kanya.
“I’m Ken,” nakangiti pa rin siya sa akin.
“I’m Thisa,” pakilala ko sa kanya.
“Ang cute mo,” sabi niya sa akin.
“Alam ko,” sagot ko sa kanya.
“Lalo kang naging cute,” sabi niya sa akin.
Ako naman itong hindi alam ang gagawin ko dahil hindi ako sanay na may ibang nagsasabi sa akin na cute ako. O baka naman naninibago lang ako?
“Thisa,” napalingon ako dahil narinig ko ang boses ni Kuya Raleigh.
“K–Kuya,” tawag ko sa kanya dahil nakakunot ang noo niya.