THISA IRENE
“Thisa,” napalingon ako dahil narinig ko ang boses ni Kuya Raleigh.
“K–Kuya,” tawag ko sa kanya dahil nakakunot ang noo niya.
“Tulungan na kitang kumuha ng food mo,” sabi niya sa akin.
“Kaya ko na po, kuya.”
“Alin ang gusto mo dito?” tanong niya pa rin sa akin.
“O–Ok–”
“Excuse me, bro. Sabi niya naman sa ‘yo na kaya na niya diba? Bakit para–”
“Ano ba ang pakialam mo?” seryoso na tanong sa kanya ni Kuya Raleigh kay Ken kaya bigla akong kinabahan. Ang sungit kasi ni kuya na para bang makikipag-away siya.
“Excuse me, Ken. He’s my kuya at lagi naman siyang kumukuha ng food ko. Excuse us,” sabi ko sa kanya at hinila ko na si kuya palayo doon sa lalaki dahil feeling ko mag-aaway lang silang dalawa.
“Kuya, makikipag-away ka ba sa kanya?” tanong ko sa kanya.
“Hindi ah,” sagot niya sa akin pero seryoso pa rin ang mukha niya.
Nakakunot kasi na parang matanda ang mga kilay niya. Para siyang si papa gov kapag naiinis ito. Tapos nakasimangot rin siya. Manang-mana talaga siya sa daddy niya.
“Alin dito ang gusto mo?” tanong niya sa akin at medyo nagbago na ang tono ng boses niya.
“Ako na lang po ang kuku–”
“Ako na,” sabi niya sa akin.
“I want lumpia, fried chicken, spaghetti, cupcake, macaroons, lasagna and strawberry.” sagot ko sa kanya pero bigla na lang siyang ngumiti sa akin.
“Why are you smiling?” tanong ko sa kanya.
“Hindi kasi halata na gutom ka,” sagot niya sa akin kaya napa-simangot naman ako.
“Nagtatanong ka tapos ganyan ka. Dapat hinayaan ko na lang na tulungan ako ni Ken–”
“Nandito na nga ako, ako na nga kukuha ng mga foods. Kung sinong pangalan pa sinasabi mo,” sabi niya sa akin at sumimangot na naman siya.
Ako naman itong napanguso na lang. Hindi na ako nagsalita at hinayaan ko na lang siya na kunin ang mga gusto kong pagkain. Siya na rin ang nagbitbit para sa akin. Iisang table lang kami at katabi ko siya kaya naman nilagay na muna niya sa harap ko ang pagkain ko.
“Kukuha lang ako ng akin,” sabi niya sa akin.
Hinayaan ko na lang siya at nagsimula na akong kumain. Habang kumakain ako ay may naglagay ng drinks sa harap ko.
“Thank you,” sabi ko na lang kay Ken.
Ngumiti lang siya at umalis rin agad. Ako naman itong nakatingin lang sa binigay niya. Hanggang sa nagulat ako dahil bigla na lang ininom ni kuya ang drinks na nasa harap ko. Ako naman ay nakatingin sa kanya na puno ng pagtataka.
“Ayaw mo sa lemonade diba?” tanong niya sa akin kaya naman tumango ako sa kanya.
“Kumain ka na,” sabi niya sa akin kaya naman kumain na rin ako.
“Excuse me,” sabi niya at naglakad na siya palayo sa akin, nilapag lang niya sa tabi ko ang plate niya.
“Baka sa banyo ‘yon pupunta. Ayaw ni kuya ng lemonade,” nakangiti na sabi ni Ate Alliyah.
“Bakit naman niya ininom kung ayaw niya?” tanong ko kay ate.
“Ang cute mo talaga, Thisa. Kumain ka na lang,” sabi niya sa akin.
Kahit na nagtataka ako ay kumain na lang ako. Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit niya ginawa ang bagay na ‘yon. Nang makabalik na siya ay namumula siya.
“Okay ka lang ba, kuya?” tanong ko sa kanya.
“I’m fine,” sagot niya at umupo na siya sa tabi ko.
“Kumain ka na,” sabi niya sa akin kaya kumain naman ako.
Tahimik kaming dalawa habang kumakain habang ang iba naming kasama sa table ay maingay dahil nagkukwentuhan.
“Okay ka lang ba, bal?” tanong ni Kuya Adler sa kakambal niya.
“I’m okay,” sagot niya sa kakambal niya.
“Kuya, namumula ka pa rin.” sabi ko sa kanya.
“Okay lang ako, don’t mind me.” sagot niya sa akin at nagsisimula na siyang magkamot sa neck niya.
“Sure ka bang okay ka lang talaga, kuya?” tanong ko pa rin sa kanya.
“Okay lang ako, kumain ka na d’yan.” nakangiti pa na sabi niya sa akin.
Inubos ko ang nasa plate ko. After ko kumain ay pumasok muna ako sa loob ng house dahil may kukunin lang ako sa bag ko sa may room namin. Dahil sa tinatamad pa akong bumaba ay tumambay na muna ako dito saglit. Lumabas ako sa may balcony at sumilip ako sa may garden kung saan ang party. Pero kaagad rin na kumunot ang noo ko dahil nakita ko na may kakaiba sa table namin kanina.
Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinakabahan. Kaya naman mabilis akong lumabas sa room namin para pumunta ulit sa garden. Habang palabas ako ay palabas na rin sa may gate sila Mama Rachel kaya naman tumakbo ako palapit sa kanila.
“Mama, what happened po?” tanong ko sa kanya.
“Aalis na kami, baby.” nakangiti na sagot niya sa akin.
“Po? Ang aga naman po?”
“May pupuntahan pa kasi kami. Sige mauna na kami,” sabi niya sa akin bago siya pumasok sa loob ng van nila.
Hindi ko man lang nakita si Kuya Raleigh. Dati kasi kapag ganito ay siya ang unang nagpapaalam sa akin. Pero ngayon ay hindi na kaya naman nagtataka na ako.
“Mommy, may problem po ba? What’s going on po?” tanong ko sa kanya.
“Wala, baby.” sagot niya sa akin.
“Mommy, you’re lying po,” sabi ko pa dahil ramdam ko na may mali. I feel it, malakas ang pakiramdam ko.
“Nauna na sila dahil dadalhin nila sa hospital si kuya mo. Nangangati kasi siya, mukhang nakakain ng bawal sa kanya.” sagot sa akin ni mommy.
“Ayaw niyo pong sabihin sa akin dahil ako ang dahilan?” malungkot na tanong ko sa kanya.
“No, baby. Ayaw lang namin na mag-alala ka. Alam mo naman ang kuya mo, kahit na makulit siya ay ayaw niya na mag-alala ka sa kanya. Magiging okay rin siy–”
“Sumunod po tayo sa hospital. Sumunod po tayo sa kanila, gusto ko po talaga malaman kung okay lang ba siya.”
“Baby, hindi tayo–”
“Ipahatid niyo na lang po ako sa driver if hindi niyo ako puwedeng ihatid, kaya ko naman po ang sarili ko,” sabi ko sa kanya.
“Baby–”
“Please po, mommy.” sabi ko sa kanya.
“Okay, ipapahatid kita sa daddy mo doon.” sabi niya sa akin.
“Thank you po, mommy.”
“Behave ka lang doon ha,” sabi niya sa akin.
“I will, mom.” nakangiti na sagot ko sa kanya.
Kaagad rin kaming sumunod ni daddy sa hospital kung saan nila dinala si Kuya. Alam ko naman na dahil sa akin kaya siya dinala sa hospital. Sure ako na dahil ‘yon sa lemonade na ininom niya kanina.
“Daddy, can I borrow your phone?” tanong ko sa daddy ko.
“Here, baby.” sagot niya sa akin at binigay na niya ito.
Mabilis naman akong nag-search ng tungkol sa lemonade kung naging cause din ba ng allergy ang lemon at nakita ko na posibble nga siya pero rare case lang. Dahil sa mga nabasa ko ay lalo akong nag-alala kay kuya. Naiinis rin ako sa kanya dahil ayaw pala niya ng lemon pero ininom niya pa rin ito. Nakakainis rin talaga siya.
Pagdating namin sa hospital ay kaagad kaming dumiretso sa room number kung nasaan si kuya.
“Kuya!” tawag ko sa kanya.
“Why are you here?” tanong niya sa akin na halatang nagulat siya sa pagdating ko.
“Are you okay? May masakit ba sa ‘yo?” tanong ko sa kanya.
“I’m okay, tabachingching.” sagot niya sa akin.
“You’re so nakakairita talaga at nakakainis! Alam mo naman na ayaw mo ng lemonade ininom mo pa rin–”
“Sermon ka ngayon,” natatawa na sabi ni Kuya Adler at lumabas sila. Kaming dalawa na lang ang naiwan dito.
“Ang ingay mo na naman,” sabi niya sa akin.
“Bakit mo kasi ginawa ‘yun?” tanong ko sa kanya.
“Ang alin?” tanong niya sa akin.
“‘Yun, bakit mo ginawa? Alam mo na ayaw mo ginawa mo pa rin. Gusto mo talaga na nag-aalala kami sa ‘yo,” naiinis na sabi ko sa kanya.
“Nag-aalala ka ba sa akin? Are you worried?” tanong niya sa akin.
“Sa tingin mo?” tanong ko rin sa kanya.
“Huwag ka ng nag-alala sa akin dahil okay lang naman ako. Dapat hindi ka na pumunta dito,” sabi niya sa ‘kin.
“Nakakainis ka talaga! Alam mo ba ‘yon!”
“Alam ko, lagi ka ngang galit sa akin. Lagi ka mamang naiinis tapos kanina hindi mo ako pinapansin. Mas gusto mo pa na kasama at kausap ang ibang tao kaysa sa akin,” sabi niya sa akin kaya naman napakunot ako ng noo ko.
“Ano bang sinasabi mo d’yan?”
“Wala po,” sagot niya sa akin.
“Nagseselos ka ba sa kanila? Hindi naman tayo puwedeng maglaro dahil big ka na at ayaw mo naman sa mga laro ng babae. Hindi rin tayo magka-edad, baka po nakalimutan mo na mas matanda ka sa akin. Dapat kasi nakikipag-usap ka na lang sa mga ka-age mo doon,” sabi ko sa kanya.
“Ayaw ko sa kanila,” sagot niya sa akin.
“Next time ay ‘wag mo ng gagawin ang ganito ha. Maawa ka naman sa amin,” dahil sa sinabi ko ay bigla na lang siya tumawa.
“Ano naman ang nakakatawa?” tanong ko sa kanya.
“Wala po,” sagot niya sa akin.
Ako naman itong hinayaan na lang siya. Pumasok na ang daddy ko at may dala siyang foods para kay kuya. Dahil nga okay naman siya ay nagpaalam na kami sa kanya na uuwi na kami. Ang sabi kasi ni Mama Rachel ay uuwi rin agad sila mamayang gabi.
Umuwi na kami ni daddy at pagbalik namin sa house nila grandma ay patapos na ang party kaya naman nakaramdam ako ng guilt para sa daddy ko.
“Daddy, I’m sorry po.” sabi ko sa kanya.
“It’s okay, sweetie. Alam ko naman na nag-aalala ka sa kuya mo. Nag-aalala rin ako sa kanya. Sa totoo lang na masaya kami ng mommy mo na laging may taong nad’yan para sa ‘yo. Ang kuya mo, makulit siya kapag kasama ka niya. Mabait siya at maaasahan kaya nga panatag kami ng mommy mo kapag siya ang kasama mo.” sabi sa akin ni daddy.
“Ako rin po, daddy. Kahit po makulit si kuya at lagi niya akong inaasar ay safe po lagi ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya.”
“Mabuti naman kung ganun. Pero ‘wag kang masyadong masanay sa kuya mo.”
“Bakit po?” nagtataka na tanong ko kay daddy.
“Dahil nagbibinata na ang kuya mo. Hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi mo siya. Darating ang time na aalis siya, magkakaroon na siya ng ibang mundo.” sagot niya sa akin.
“Ganun po ba kapag lalaki?” tanong ko sa kanya.
“Hindi lang naman sa lalaki, baby. Kahit ang mga girls ay ganun rin. Maiintindihan mo rin ang ibig kong sabihin kapag naging teenager ka na,” nakangiti na sabi niya sa akin.
“Ganun po pala,” sabi ko na lang.
Alam ko naman na darating ang araw na magkakaroon na si kuya ng girlfriend. Alam ko ‘yon dahil sinabi na rin ‘yon sa akin ni mommy. Pero paano nga ba ako kapag nangyari ‘yun kung si kuya mismo ang nagsasanay sa akin na nasa tabi ko siya lagi.
Kahit na ayaw ko ay nasa tabi ko siya. Ayaw kong isipin na kapag may ibang mundo na siya ay hindi na ako ang tabachingching niya. Nagpaalam na sa akin si daddy na lalabas na siya kaya ako na lang ang naiwan dito sa room namin. Humiga na lang ako sa kama namin dahil pagod na ako.
Pumasok naman ang kapatid ko at humiga na siya sa kabilang bed. Magkatabi kaming dalawa pero hindi siya tumabi sa akin.
“Brother, can I ask you a question?” tanong ko sa kanya.
“What is it, ate?” tanong niya sa akin.
“Itatanong ko lang sa tulad mong nonchalant, kapag ba comfortable ka sa tao ay siya lang ba ang kakausapin mo?” tanong ko sa kanya.
“Hmmm, yes.” sagot niya sa akin.
“Why?” tanong ko sa kanya.
“I don’t know,” sagot niya sa akin.
“Hindi ka nga comfortable sa akin ayaw mo akong kausap eh,” sabi ko sa kanya.
“I’m sleepy na kasi, ate. Bukas ko na lang po sasagutin ang tanong mo,” sabi niya sa akin.
“Sige na, matulog ka na bunso.” sabi ko sa kanya.
“Matulog ka na rin, ate. Hayaan mo na lang si kuya dahil okay lang ‘yon. Masamang damo ‘yon kaya matagal pa ‘yon mamatay,” sabi niya sa akin na ikinagulat ko.
“Grabe ka naman kay, Kuya.” natatawa na sabi ko sa kanya.
Hindi naman niya ako pinansin. Minsan nga lang talaga siya magsalita pero savage niya. Hindi naman masamang damo si kuya. Mapang-asar lang siya sa akin. Saka ang bata pa niya, ayaw ko rin na matige siya dahil wala ng magbubuhat sa akin kapag napapagod akong maglakad.
Malaki pa naman ang pakinabang ko kay kuya. Humiga na lang ako para matulog na. Inaantok na rin kasi talaga ako.
******
Monday na naman ngayon at papasok na ako ulit sa school. Maaga akong gumising dahil ayaw ko na naghihintay sa akin si kuya. Tama nga ako nandito na siya sa bahay at naghihintay sa akin.
“Good morning, tabachingching ko.” nakangisi na bati niya sa akin.
“Mukhang okay ka na talaga. Inaasar mo na naman ako eh,” sabi niya sa akin.
“Okay na okay na ako. Hindi ako kaya ng lemonade,” natatawa pa na sabi niya sa akin,
“Yabang,” sabi ko sa kanya.
“Minsan lang naman, binabasag mo pa,” sabi niya sa akin.
“Kumain ka na ba?”
“Hindi pa, dito ako ngayon kakain ng breakfast.” sagot niya sa akin at nauna pa siyang pumasok sa dining area namin.
“Good morning, baby. Kumain na kayo,” malambing na sabi sa amin ni mommy.
“Good morning, mommy.” yumakap ako sa kanya at hinalikan ko siya sa cheeks.
Umupo naman kami at kumain na kaming dalawa ni Kuya Raleigh. Sila mommy naman ay mamaya pa kasama niya si bunso at si daddy. Nauna lang ako dahil mas maaga lang ng kaunti ang pasok ko kay daddy. May mga ibang ginagawa pa kasi ako sa school kaya hapon na ang uwian ko. Okay lang naman dahil nag-eenjoy naman ako sa school.
“Tita, okay lang po ba na isama ko mamaya sa lakad ko si Thisa?” biglang tanong ni kuya kay mommy.
“Okay lang, alam ko naman na hindi mo siya pababayaan,” nakangiti na sabi pa ng mommy ko na para bang hindi man lang siya nagdadalawang isip.
“Thank you po, tita.” nakangiti na sabi ni kuya.
Ako naman ay tahimik lang na kumakain. Mamaya na lang ako magtatanong sa kanya ng tungkol doon. After naming kumain ay nagpaalam na kami kay mommy na aalis na kaming dalawa.
“Kuya, saan tayo pupunta mamaya?” tanong ko sa kanya habang nasa daan kami papunta na sa school.
“Secret,” nakangiti na sagot niya sa akin.
“Ang daya mo naman,” sabi ko sa kanya.
“Secret kasi ‘yon kapag sinabi ko sa ‘yo ay malalaman mo agad.”
“Ewan ko sa ‘yo,” sabi ko sa kanya at inirapan ko na lang siya.
“Paano na lang kaya ang araw ko kapag hindi na kita nakikita na naiinis sa akin?” tanong niya sa akin.
“What do you mean, kuya?” tanong ko sa kanya.
“Malulungkot ka ba kapag hindi mo ako nakikita?” tanong niya sa akin na hindi ko inaasahan.
“Ano ba ang sinasabi mo?”