THISA IRENE
“Paano na lang kaya ang araw ko kapag hindi na kita nakikita na naiinis sa akin?” tanong niya sa akin.
“What do you mean, kuya?” tanong ko sa kanya.
“Malulungkot ka ba kapag hindi mo ako nakikita?” tanong niya sa akin na hindi ko inaasahan.
“Ano ba ang sinasabi mo? Bakit ganyan ang tanong mo sa akin?”
“Tinatanong ko lang kung malulungkot ka ba kapag hindi mo na ako nakikita?” sagot niya sa akin.
“I don’t know, baka hindi. Baka maging happy pa ako dahil wala ng mang-aasar sa akin,” sabi ko sa kanya.
“Ibig sabihin ay hindi ka man lang malulungkot?” tanong niya pa sa akin at para bang ang lungkot niya.
“Hindi siguro,” sagot ko sa kanya pero bigla na lang siyang sumimangot kaya napangiti na lang ako.
“Bakit ka nakasimangot?”
“Ang sama mo sa akin. Ako nga mami-miss kita tapos ikaw hindi man lang,” sabi pa niya sa akin kaya naman tumawa ako.
“Alam mo, kuya ang dami mong alam. Nagtatampo ka pa d’yan na para bang aalis ka,” sabi ko sa kanya.
“Nagtatanong lang ako. Hindi ko naman kasi sinabi na aalis na ako,” sabi niya sa akin.
“Kaya ‘wag mo na rin akong tatanungin kung magiging malungkot ako dahil hindi ko rin naman alam ang sagot. Baka nga maging masaya pa ako kapag wala ka na,” sabi ko sa kanya pero hindi na niya ako kinibo.
Nang makarating kami sa school ay siya pa rin ang nagbubuhat ng bag ko. Sabi nga sa akin ng iba ay kulang na lang daw buhatin na rin ako ni kuya. Sabi pa nila sa akin ay kulang na lang daw buhatin ako ni kuya papasok sa school. Masyado na daw akong binibaby. Hindi ko naman sila pinapansin dahil nga si kuya naman ang may gusto. Kaya ko naman ang bag ko dahil hihilahin ko lang naman ito. Si kuya lang talaga ang mapilit.
“Thank you, kuya.” sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa loob ng room ko.
Tulad ng laging nangyayari ay tatabi sa akin ang mga classmates ko at kukulitin na naman ako tungkol kay kuya. Ang mga member ng fans club niya kahit pa hindi naman siya artista. Pero mukha naman siyang artista dahil lahi sila ng mga pogi.
*****
Mabilis lang na natapos ang class namin. Hindi ko nga namalayan. Paglabas ko sa classroom namin ay nasa labas na si Kuya Raleigh at naghihintay siya sa akin.
“Kuya, saan po tayo pupunta? Where are we going?” tanong ko sa kanya.
“Secret,” ito na naman ang sagot niya sa akin.
“Bahala ka nga,” sabi ko sa kanya.
Akala ko pa naman kung saan kami pupunta pero sa mall lang naman pala. Iniwan na kami ni kuya driver kaya kami na lang na dalawa ang nandito ngayon. Ang buong akala ko ay kung saan niya ako dadalhin pero sa isang playground.
“Anong gagawin natin dito?” tanong ko sa kanya.
“Ano ba ang ginagawa dito?” tanong niya rin sa akin.
“Ewan ko sa ‘yo,” sabi ko sa kanya pero hinila na lang niya ako bigla papasok sa loob.
“Kailangan po na eighteen years old ang guardian,” sabi ng nagbabantay.
“Ganun ba, Miss?” tanong ni Kuya Raleigh.
“Ikaw ba ang anak ni gov?” tanong ng isa pang babae.
“Yes po,” sagot naman ni kuya.
“At siya, sino naman siya. Girlfriend mo?” tanong ng mga ito habang nakangiti.
“I’m baby pa po ate, he’s my kuya.” kaagad na sabi ko dahil kung ano-ano ba naman ang sinasabi nila.
“Talaga? Hindi naman kayo magkamukha–”
“I’m ampon, ate. Magkamukha po ba ang ampon?” masungit na tanong ko sa kanya.
“Ampon ka pala,” sabi pa niya sa akin pero inirapan ko siya. I know it’s rude pero ang pagkamalan ako na girlfriend ni kuya ay mas rude dahil baby pa ako.
“She’s not our ampon, ate. Anak po siya ng tita ko,” sabi ni kuya.
“Ganun ba? Sige, pasok na kayo sa loob.” sabi nila at si kuya naman ay hinila na ako papasok sa loob. Papayag rin naman pala sila.
“Kuya, mukha ba akong hindi bata?” tanong ko sa kanya.
“Hindi,” sagot niya sa akin.
“Eh ano ako?”
“Mukha ka ng nanay,” sagot niya sa akin na dahilan para magalit na naman ako sa kanya.
“Kung mukha man akong nanay ay ako ang nanay na kasing ganda ni mommy at Mama Rachel,” sagot ko sa kanya at tumalikod na ako para maglaro na.
Naiinis na talaga ako sa kanya. Paano naman ako magiging masaya kung ganito siya. Sobrang nakakainis talaga siya. Alam na alam niya talaga kung paano ako galitin.
“Bakit ka ba nakasimangot?” tanong niya sa akin.
“Nakakainis ka,” sabi ko sa kanya.
“Sorry na, nagbibiro lang ako. Ang cute cute mo kaya,” sabi niya sa akin na halatang hindi naman sincere ang sorry niya.
“Hmmm, cute daw.” inirapan ko siya.
“Ikaw ang pinaka-cute, pinakamaganda at nag-iisang tabachingching ko. Walang ibang dapat na tumawag sa ‘yo ng tabachingching kundi ako lang,” sabi niya sa akin.
“Sa tingin mo ba matutuwa pa ako kapag may isa pa?” tanong ko rin sa kanya pero tumawa lang siya na para bang tuwang-tuwa siya kaya binato ko siya ng mga bola.
Nagbatuhan kaming dalawa ng mga bola. Hanggang sa hindi ko namalayan na sobrang nag-eenjoy na pala ako na kasama siya dito maglaro. Hindi ko alam kung ilang oras ba kami dito. Tumigil lang kami dahil nagugutom na ako. Pumasok kaming dalawa sa isang fast food chain at siya ang bumili ng mga gusto ko.
“Ang dami naman yata nito?” tanong ko sa kanya.
“Baka kasi kulang pa ‘yan sa ‘yo.”
“Magpapayat na ba ako? Baka wala ka ng pera?” tanong ko sa kanya.
“Huwag, mas gusto ko na ganyan ka ka-cute. Marami akong pera at kapag kasi pumayat ka pa ay baka lalo ka pang gumanda,” sabi niya sa akin.
“Maganda talaga ako,” sabi ko sa kanya at kumain na ako.
“Maganda ka nga, tabachingching.” sabi niya sa akin habang nakangiti siya.
Inirapan ko na lang siya at kumain na lang ako. Siya naman ay kumain na rin. Dahil nga sa marami ang binili niya ay inubos namin lahat ang mga ito. After namin kumain ay lumabas na kami para hintayin si kuya driver. Habang nakatayo kami dto sa may labas ng mall ay wala sa sarili na nakatingin ako sa kuya ko.
I don’t know why pero bakit bigla na lang akong kinakabahan na hindi ko naman maintindihan.
“Kuya, matagal pa ba si kuyang driver?” tanong ko sa kanya.
“Malapit na siya. Bakit?” tanong niya sa akin.
“Wala naman, tinatanong ko lang.”
“Okay ka lang ba?” tanong niya sa akin at nasa noo ko na ang palad niya.
Dahil sa ginawa niya ay bigla na naman akong kinabahan.
“Okay ka naman,” sabi pa niya sa akin.
“Tabachingching, okay ka lang ba?”
“Hey?”
“Thisa?”
Tumango naman ako bilang sagot sa kanya.
“Bakit namumula ka?” tanong niya sa akin.
“Huh?”
“Namumula ang pisngi mo,” sabi pa niya sa akin kaya naman mabilis kong hinawakan ang pisngi ko.