THISA IRENE Ayaw ko talaga sa mga trip nitong lalaking ito dahil mukhang mananalo pa siya. Hindi magiging ganito kalakas ang loob niya kung feeling niya ay talo siya. “Mag-race na lang tayong dalawa,” sabi ko sa kanya dahil ayaw kong patulan ang pustahan na sinasabi niya. “Ganyan mo ba ako kaayaw?” tanong niya sa akin at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. “Okay, sige na. Gawin na natin,” sabi ko sa kanya para tumigil na siya. “Okay, love you, Miss sexy,” nakangisi na sabi niya sabay kiss sa pisngi ko. Halatang masaya siya na pumayag ako sa gusto niya. Gusto kong ngumiti pero pinigilan ko ang sarili ko. Ang hilig kasi talaga kasi niyang mag-i love you sa akin. Super lambing niya talaga sa akin. Mukhang hindi siya magpapatalo sa akin lalo na kapag nanalo siya ay sasagutin ko siya.

