THISA IRENE “Nandito ka, Tito Raleigh?” “Why are you here?” kunot ang noo na tanong ni kuya sa pamangkin niya na pamangkin ko rin. “Ikaw nga nandito eh. Bakit ka ba nandito? Dito ka ba nakatira? Are you living together?” sunod-sunod na tanong ni Viel sa amin. “Nakitira lang ako dito dahil na-pilay ako, inalagaan ako ng tita mo. Pero, malay mo dito na ako tumira,” sagot ni kuya. “Talaga? Inalagaan ka niya? Bakit?” “Anong bakit? Anong ibig mong sabihin sa bakit m–” “Kayo na ba?” tanong niya habang nakatingin sa aming dalawa. “Ikaw, bakit ka nandito?” tanong ni kuya kay Viel na hindi sinagot ang tanong nito. “Lumayas ako,” sagot niya. “Lumayas ka tapos dito ka pa pumunta? Grabe naman na paglalayas ‘yan sa ibang bansa nakakarating,” sabi pa ni kuya na halatang na stress sa pamangkin

