THISA IRENE “T–Thisa,” sambit ni mommy. “M–Mommy,” nauutal na sambit ko at nagsimula ng pumatak ang mga luha ko. “I miss you, baby. I miss you so much and I’m sorry,” sabi sa akin ni mommy at siya mismo ang yumakap sa akin. Kaya napahagulhol ako. “I’m sorry too, mom. I’m really sorry,” umiiyak na sabi ko. “Ako ang dapat na mag-sorry sa ‘yo, baby. Wala ka namang kasalanan eh, normal lang na magalit ka sa akin dahil sa naglihim kami sa ‘yo. At ako ang dahilan kaya ka umiiyak, sobrang na takot lang talaga si mommy. Kaya ko ‘yon ginawa,” umiiyak na sabi niya. “I understand, mom. Thank you po kasi ginawa niyo ‘yon para sa akin. I miss you, I miss you so much,” sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi. “I love you, mommy.” “I love you so much, baby ko.” malambing na sabi niya sa akin. Mas

