THISA IRENE “Kung sakali ba na tinanong kita na pakasalan mo ako noong eighteen ka ay papayag ka ba?” tanong niya sa akin. “Papayag ba ako?” tanong ko rin bigla sa sarili ko. “Bakit nag-iisip ka pa?” natatawa na tanong niya sa akin. “Kasi naman alam ko na mahal kita pero sa tingin ko ay hindi naman ako magpapakasal sa ‘yo. Baka playing with f*re lang ang mayroon sa ating dalawa,” napahigikgik ako habang sinasabi ko ito. “Ganun?” parang bata na tanong niya sa akin dahil nakanguso pa talaga siya. “Masyado lang nag-overthink ang mommy ko. Ang balak ko pa lang naman noon ay sagutin ka, wala naman akong iniisip na mag-aasawa ako pero kahit naman na hindi ko alam ay kasal na pala ako,” natatawa na sabi ko sa kanya. “Mahal na mahal kasi kita kaya natakot ako na baka ipagpalit mo ako sa iba

