THISA IRENE (TWO YEARS LATER) Ang bilis talaga ng mga araw. Parang kailan lang ako nanggaling sa US. Hindi ko man lang namalayan na two years na pala. Ang bilis lang talaga at malapit na ang birthday ko. Ilang araw na lang ay eighteen na ako. Legal age na ako. At sa loob ng dalawang taon na lumipas ay naging masaya ang lahat sa buhay ko. Lalo na sa aming dalawa ni Kuya Raleigh. He’s courting me at may plan na ako na sagutin siya sa mismong birthday ko. He promised me na uuwi siya kaya naman umaasa talaga ako na siya ang makakasama kong sumayaw. Alam na ng pamilya namin na nanliligaw siya sa akin. At okay lang naman sa kanila. May tiwala sa akin ang mommy at daddy ko. Kahit sila mama ay boto rin sa akin at masaya sila. Ni minsan ay walang kumulit sa akin na sagutin ko si kuya dahil alam

