THISA IRENE “H–Hello,” inaantok kong sinagot ang phone ko dahil kanina pa panay tunog. “Good morning, baby. Happy 16th birthday.” Kaagad akong napangiti dahil boses ni kuya ang narinig ko. Mukhang nakalimutan niya akong asarin ngayon. Lagi kasing tabachingching ang tawag niya sa akin. Ilang taon na rin simula nang umalis siya. At ngayon sixteen na ako. Sweet sixteen na ang sabi ni mommy. Dahil sa lagi kaming magkausap ay hindi na namin namalayan na matagal na pala na wala siya sa tabi ko. “Hindi mo yata ako binully ngayon,” natatawa na sabi ko sa kanya. “Birthday mo kaya bukas na lang,” natatawa na sagot niya sa akin. “Ang aga mo naman tumawag, nakakainis ka!” nakapikit pa ang mga mata na sabi ko sa kanya. “Kakauwi ko lang kasi galing sa school. Kaya ginising na kita, kasi diba

