THISA IRENE Natapos na ang exam ko kaya naman puwede na akong gumala. Wala pa naman akong balak na pumunta sa US ngayon. Saka na lang kapag puwede na akong pumunta, may ilang araw pa kasi kaming pasok sa school. Kapag sem break na namin ay pupuntahan ko ang lalaking ‘yon. Alam ko rin kasi na busy siya ngayon. Kaya hindi na kami nakakapag-video call. Chat na lang lahat pero okay lang, I understand naman lalo na college siya. “Mommy, puwede po ba akong sumama sa mga friends ko sa milk tea shop?” tanong ko kay mommy dahil pangatlong yaya na nila ito sa akin. “Okay, pero umuwi agad.” “Mommy, hindi pa nga ako nakakaalis.” natatawa na sabi ko sa kanya. “Baka kasi makikipagdate ka lang doon.” “Ayaw mo ba akong magka-boyfriend?” tanong ko sa kanya. “Ayaw ko,” sagot niya sa akin. “Bakit nam

