THISA IRENE “Kuya, may itatanong ako sa ‘yo?” tanong ko sa kanya. “Ano ‘yon?” tanong niya rin sa akin. “Kapatid ba ang tingin mo sa akin?” lakas loob na tanong ko sa kanya dahil bigla ko lang naalala. “Bakit ka nagtatanong ng ganyan?” tanong niya rin sa akin. “Wala lang, gusto ko lang malaman. Gusto ko lang malaman kung kapatid ba ang tingin mo sa akin?” sabi ko sa kanya. “Ano sa tingin mo?” tanong niya sa akin. “Huwag mo na ngang sagutin. Tinatanong kita pero tinatanong mo rin ako. Nagtanungan na tayong dalawa,” sabi ko sa kanya dahil naiinis ako sa kanya. Nagtatanong ako pero nagtanong rin siya sa akin. “Ipakita mo na lang ang mukha mo at hindi ang paa mo.” sabi niya sa akin. “Kuya, kasing ganda ko kaya ang mga paa ko.” natatawa na sabi ko sa kanya. “Mas maganda ang mukha mo,”

