RALEIGH RAYDAM DELA VEGA “Tabachigching!” tawag ko kay Thisa ng makita ko siya tapos na klase niya. Hirap na hirap na naman siya sa bag niya kaya binuhat ko na ito. Tinulungan ko na rin siyang makasakay sa loob ng sasakyan namin. “Hindi ka ba napapagod sa kakatawag sa akin na tabachingching ako?” naiinis na naman siya kaya napangiti ako. “Hindi naman, at bakit naman ako mapapagod?” nakangiti na tanong ko sa kanya. “Huwag mo akong tawagin ng ganyan sa school. Kapag talaga ako binully nila ay lagot ka sa akin,” sabi pa niya sa akin. “Bakit naman kita tatawagin?” nakangiti na tanong ko sa kanya. “Masama pa naman ang ugali mo,” sabi niya sa akin kaya napangiti ako. Kung alam lang talaga niya na madamot ako. Wala nga ni isa sa pamilya ko ay tumatawag sa kanya ng tabachingching dahil trad

