RALEIGH RAYDAM DELA VEGA Habang lumalaki siya ay mas lalong nagiging mas cute si Thisa pero mas lalo rin naman siyang nagiging maldita. Ayaw nga niya sa akin dahil lagi siyang galit kaya nag-iisip ako ng paraan kung paano ko ba makukuha ang buong atensyon niya. Lagi nga siyang nasa bahay at mas gusto pa kasi niyang kasama ang iba kong kapatid kaysa sa akin at nagseselos ako. Tapos ako ang pinapahirapan nila na maghatid sa kanya sa bahay nila. Pero kunwari ko lang naman ‘yon na nagrereklamo ako dahil ang totoo ay gusto ko, gustong-gusto ko dahil na sosolo ko talaga siya. Kahit pa gaano siya kabigat ay kayang-kaya ko siya. Malapit na naman ang pasukan kaya balik school na naman kami. “Tita Kath, okay lang po ba na iisang school kami ni Thisa? Promise po isasabay ko siya araw-araw,” sabi

