CHAPTER 6

1222 Words
THISA IRENE “Tabachingching!” tawag sa akin ni kuya pero hindi ko siya pinansin. Nakarating na kami dito sa bahay at buong biyahe namin kanina ay hindi ko siya pinapansin. Naiinis ako sa kanya o mas tamang sabihin na galit na ako sa kanya. Mabilis akong pumasok sa loob ng house namin. Hindi ko rin binati ang katulong namin na bumati sa akin. Umakyat agad ako sa room ko. Pagpasok ko ay agad akong humiga sa kama ko at umiyak ako ng umiyak. I hate him, hindi man lang niya ako ipinagtanggol kanina. Kung sabagay, he’s my number one basher and bully. Kaya ano pa ba ang aasahan ko sa kanya. Siguro nga ay natutuwa pa siya sa ginawa sa akin ni Johana na ‘yon. Feeling ko nga ay crush niya ‘yon dahil hindi man lang niya pinagsabihan. Halata naman na crush niya dahil maganda ang babaeng ‘yon. Pero wala naman akong pakialam sa kanila. Masama lang ang loob ko. Tanggap ko pa ng very light na binubully niya ako dito sa amin pero ito ang unang beses na ginawa niya ito sa school. Sana nga hindi na lang talaga ako nag-enroll doon sa taekwondo na ‘yon. Hindi ko kasi alam na makakasama ko ang lalaking ‘yon. Kung alam ko lang ay hindi ko na sana pinilit ang daddy ko. Nasira lang ang excitement ko ng dahil sa kanya. I know naman na mahirap sa simula pero kaya ko naman ‘yun kung wala ang Raleigh na ‘yon. ****** Hindi ko alam na nakatulog pala ako sa sama ng loob ko. Nagising na lang ako dahil naririnig ko ang boses ni mommy. Ginigising niya ako. “Baby, kakain na tayo ng dinner.” malambing na sabi niya sa akin. “Sunod na lang po ako, mom.” sabi ko sa kanya. “Napagod ka ba sa unang araw mo sa taekwondo class mo?” tanong niya sa akin. “Opo, sorry po kung hindi na ako naka-change ng uniform ko,” sabi ko sa kanya. “It’s okay po, anak ko. Sige na, magbihis ka na. Hihintayin ka namin sa baba,” nakangiti na sabi ng mommy ko kaya naman ngumiti na rin ako. Ayaw ko sanang kumain dahil wala akong gana pero ayaw ko naman na magtaka sila sa akin. Ayaw kong sabihin sa kanila ang nangyari dahil useless rin naman. Baka ako pa rin ang may kasalanan. After ko magbihis ay bumaba na ako. Nasa dining room na ang parents ko. “Ate, bakit ka sad?” tanong sa akin ng kapatid ko. “Hindi ako sad, Kristjan.” sagot ko sa kapatid ko na lalaki. May kapatid ako and I’m two years older than him. Hindi kami ganun ka-close dahil tahimik lang siya like my dad at gusto lang niya lagi na tumambay sa loob ng room niya. Hindi ko rin siya kasabay na pumasok sa school dahil tanghali pa ang pasok niya. Ibang school rin siya dahil mas malapit ito sa business place ni mommy. Kahit naman hindi kami close ay love ko siya. Minsan nga ay feeling ko only child lang ako dahil sa spoiled pa rin ako ni daddy at mommy. Sabi nga nila sobrang bait daw ng kapatid ko which is true naman. Kabaliktaran ko siya dahil maldita ako at inaamin ko naman. Kahit ang mga relatives namin ay mahal na mahal ako kahit na maldita ako. Ako kasi ang first apo sa side ni daddy. Pero alam ko na mahal rin ni nila si Kristjan. “Okay, sabi mo eh. Hindi ka kasi excited kumain ngayon,” sabi niya pa sa akin. “May nangyari ba sa school, baby?” tanong sa akin ni daddy. “Hindi na po ako papasok sa taekwondo class, dad. Mahirap po pala doon, hindi ko po kaya. Okay lang po ba na mag-quit na agad ako?” tanong ko sa kanya. “It’s okay po, kung ayaw mo ay ‘wag mong pilitin. Kayong dalawa, dapat lagi kayong masaya, okay.” sabi sa amin ni daddy. “Yes, dad.” sagot namin sa kanya. “Kumain na kayo, favorite niyo ang ulam natin ngayon diba?” nakangiti na sabi ni mommy. “Busog na po ako, mom. Inaantok na po kasi ako,” sagot ko sa kanya. “Okay sige,” sagot niya sa akin. Humalik na ako sa kanilang dalawa bago ako umakyat pabalik sa room ko. “Ah—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tinakpan niya ang mouth ko. “Huwag kang maingay, baka marinig nila tayo.” pabulong na sabi niya sa akin. “What are you doing here? Paano ka nakapasok dito?” tanong ko kay Kuya Raleigh. “Umakyat ako sa balcony,” sagot niya sa akin. “What?!” “Huwag ka ngang maingay d’yan,” sabi niya sa akin. “Why are you here ba? What do you want?” tanong ko sa kanya. “For you,” sabi niya sa akin at may hawak siya na strawberry mochi. “Para saan naman ‘yan?” tanong ko sa kanya. “Peace offering ko sa ‘yo. Sorry na,” sabi niya sa akin pero inirapan ko siya. “Umalis ka na,” sabi ko pa sa kanya. “Bati na tayo, Thisa. Please,” sabi niya sa akin at hindi niya ako tinawag na tabachingching. “Ayaw ko nga,” sabi ko sa kanya. “Please po, bati na tayo. Huwag ka ng magalit,” sabi niya sa akin. “Umalis ka na,” sabi ko sa kanya. “Umakyat kaya ako dito kahit masakit ang paa ko. Tapos ayaw mong makipagbati sa akin,” aaminin ko na ang cute niya ngayon pero lagi ko na lang siyang pinapatawad kaya no. Baka isipin niya na okay lang na i-bully niya ako lagi. “Umalis ka na, dahil inaantok na ako. I want to sleep na,” sabi ko sa kanya. “Okay, aalis na ako–” “You can leave but leave that here,” sabi ko sa kanya at ang tinutukoy ko ay ang mochi na dala niya. Tinuro ko pa para alam niya. “Bakit ko naman iiwan kung hindi mo pa ako pinapatawad?” “Di ‘wag!” sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa bathroom para mag-brush na ako ng teeth ko. Galit ako sa kanya pero mukha kasing masarap ang strawberry mochi na dala niya. Alam na alam talaga niya na mahilig ako sa strawberry kaya ‘yon ang peace offering niya sa akin. Nang lumabas na ako sa bathroom ay wala na siya. Siguro ay umuwi na siya. Bigla akong napangiti dahil iniwan niya ang strawberry mochi. Kaya naman mabilis ko itong binuksan. “Hmm.. Ang bango at mukhang masarap,” nakangiti na sabi ko. Kahit pa nakapag-toothbrush na ako ay kumain pa rin ako. May kasama rin itong note kaya naman binasa ko ito. “I’m sorry, tabachingching ko. Please forgive me, hindi na po mauulit.” Hindi na mauulit pero tabachingching pa rin ang tawag niya sa akin. Baka kailangan ko na talagang tanggapin na hindi niya alam ang pangalan ko. Siya yata ang mortal na kaaway ko sa buhay kong ito. “I hate you talaga, pangit.” sabi ko at inubos ko ang mga mochi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD