CHAPTER 5

1465 Words
THISA IRENE “Eh ikaw, sino naman ang crush mo?” tanong niya sa akin. “Bakit ko naman sasabihin sa ‘yo?” tanong ko sa kanya. “Wala lang, gusto ko lang malaman,” sagot niya sa akin. “Ang crush ko ay si Kuya Adler,” nakangisi na sagot ko sa kanya kaya nakita ko ang pagkunot ng noo niya na parang mad siya sa akin. “Si Adler? Bakit?” tanong niya sa akin. “Para kasi sa akin si Kuya Adler ang pinaka-handsome sa lahat,” sagot ko sa kanya. “Magkamukha lang kami,” sabi niya sa akin. “Hindi kaya, ikaw kasi ugly ka. Si Kuya Adler, he’s so pogi, so gwapo, so bango and so sweet. Unlike you na mabantot and so smelly ka,” sabi ko sa kanya kaya tumawa si kuyang driver. “Anong nakakatawa, kuya?” masungit na tanong niya. “Don’t talk to him like that,” sabi ko sa kanya pero inirapan lang niya ako. “Bakit ka nagagalit? Dahil ba sa pangit ka? Eh pangit ka naman talaga eh, mabaho ka rin,” tanong ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Kita mo, siya pa ang may ganang magalit. Siya nga itong panay bully sa akin. Napangiti ako dahil alam ko na ngayon kung paano ko ba siya gagantihan sa mga pambubully niya sa akin. Hindi ko naman crush si Kuya Adler. Mabait ‘yon sa akin, minsan lang niya ako asarin. “Ikaw itong nagtatanong tapos ikaw pa ang galit,” sabi ko sa kanya pero tahimik pa rin siya. Naging tahimik na rin ako dahil ayaw ko makipag-away sa kanya. Hanggang sa nakarating na lang kami sa school ay tahimik pa rin siya. Hindi na lang ako nagsalita pa at bumaba na ako sa car. Nakita ko na kilig na kilig na naman ang ibang mga students sa kanya. Akala nila artista ang pangit na ito. Feel na feel rin naman niya. “Hmm,” di ko tuloy maiwasan na magtaray sa kanila. “Thisa, umalis ka nga. Nakaharang ka,” sabi pa sa akin ng isang student. “Whatever!” mataray na sabi ko at naglakad na ako papunta sa classroom ko. Hindi na ako lumingon pa kay kuya. Bahala na siya sa buhay niya. Kasama naman niya si kuyang driver kaya alam ko na magiging okay lang siya. Madadaanan niya ang classroom namin kaya kitang-kita ko na naman ang mga members ng fans club niya. “Alam mo Thisa ang swerte mo naman lagi mong kasama si Raydam,” sabi ng isa kong classmate. “Hindi naman,” nakangiti na sabi ko dahil kung alam lang nila kung anong panglalait ang sinasabi sa akin ng pangit na ‘yon. “Kung puwede lang kaming lumipat ng house ay gagawin ko. Kahit pa bata pa ako ay feeling ko siya ang first crush ko,” sabi pa nito. “Naku, hindi naman mabait ‘yan. Pogi lang,” sabi ko sa kanya. “Talaga? Pero kahit na, gusto ko pa rin siya. Kapag akong naging dalaga na ay ako ang manliligaw sa kanya.” Ako naman ay nakatingin lang sa friend ko na kilig na kilig. “We’re friends, right? Kaya ‘wag ka masyadong kiligin, red flag ang crush mo.” sabi ko sa kanya, “Fave ko ang red,” sagot niya sa akin kaya tinarayan ko na lang siya. “Ayaw ko ng red, gusto ko green.” sabi ko sa kanya. “Basta ako red,” sabi niya kaya hindi ko na siya pinansin pa. Ang bata bata pa niya para kiligin. Nag-aral na lang ako dahil mamaya ay may taekwondo class na ako. Excited na talaga ako na pumunta doon pero after class pa naman ‘yon. “Thisa, may nagpapabigay. Para daw sa 'yo,” sabi sa akin ng classmate ko. “Kanino galing?” tanong ko sa kanya. “Sa may crush sa ‘yo.” sagot niya sa akin. “Sa ‘yo na lang ‘yan. Baka mamaya ay may lason pa ‘yan. Ayaw ko pang ma-deads,” sabi ko sa kanya. “Okay, sabi mo eh. Akin na lang, masarap pa naman itong strawberry cake na ito,” sabi niya sa akin. “I’m not inggit, because that’s not masarap,” sabi ko sa kanya. “Sino ang nagsabi na hindi masarap. Hmm, sarap kaya,” iniinggit pa niya sa akin na talagang kinain niya. Inirapan ko na lang siya. I’m not interested rin naman sa kung sino ba ang nagbigay. I know that I’m pretty kaya marami ang may crush sa akin. Naiinis ako sa classmate ko dahil parang gustong-gusto niya ang strawberry cake na ‘yon. Gusto ko rin pero hindi ako puwedeng kumain na hindi gawa ni mommy. Bawal akong tumanggap ng galing sa strangers. Kinain ko na lang ang baon ko at hinayaan ko na lang ang strawberry cake na ‘yon. ***** After class namin ay pumunta na ako sa banyo para magpalit ng uniform ko sa taekwondo class ko. “Why are you here?” tanong sa akin ni kuya. “It’s my taekwondo class,” sagot ko sa kanya. “Kaya mo?” tanong niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko alam na kasapi rin pala siya ng taekwondo class pero nakatambay lang siya dahil pilay siya. “Kung ako sa ‘yo ay aatras na ako,” sabi niya sa akin. “Never!” sabi ko sa kanya dahil siya nga ang motivation ko para sumali dito. “Ikaw ang bahala, basta ako naawa lang ako sa bilbil mo,” mahina na sabi niya kaya mas lalo akong nainis sa kanya. Hindi ko siya pinansin. Nakinig ako sa taekwondo teacher namin. May stretching pa kaya hirap na hirap ako. Kahit pa tumutulo ang luha ko ay ayaw ko magstop. Gusto ko pa rin matuto. Kaya ko ito, alam kong kaya ko. “Thisa, okay ka lang ba?” tanong sa akin ni teacher. “I’m okay,” sagot ko sa kanya. Pero biglang umurong ang luha ko dahil nakita ko si kuya na kinukunan ako ng picture. Alam ko agad ang ginagawa niya. Alam ko na tuwang-tuwa na naman siya sa akin. Kaya naman tumayo ako para lumapit sa kanya. “What are you doing?” tanong ko sa kanya. “Ipapakita ko mamaya kay tita. Para hindi ka na niya payagan dito,” sagot niya sa akin na halatang ayaw niya talaga sa akin na nandito ako. “Raleigh, hayaan mo na siya. Mas okay nga na sumali sa atin si Thisa para naman makapag-exercise siya. Sobrang chubby na kasi niya, maganda rin naman na pawisan siya,” sabi ng classmate ni kuya na si Johana na lumapit sa amin. “May problema ka ba sa akin? Ano naman kung chubby ako?” mataray na tanong ko sa kanya. “Thisa,” saway sa akin ni kuya ba halatang ayaw niya sa sinabi ko. “Kampihan mo siya kasi pareho lang naman kayo,” naiinis na sabi ko bago ako lumabas sa training room namin. Uuwi na ako, sana naman ay nasa labas na ang sundo ko. At kahit na wala ay sasakay na lang ako sa taxi para umuwi. Akala nila hindi ko kaya mag-isa. Kayang-kaya ko, alam ko naman na papagalitan ako ni mommy pero kaya ko naman ‘yun tiisin. “Thisa, wait!” narinig ko na tawag sa akin ni kuya pero hindi ko siya pinansin. “Kuya, pigilan mo nga po si Thisa!” sigaw niya kay manong guard at itong si manong naman ay nakinig rin kaya hinarang ako. Dumating na si kuya driver kaya mabilis akong sumakay sa car. Hindi ko pinapansin si kuya. Kahit pa panay ang kausap niya sa akin. “Kausapin mo nga ako,” sabi niya sa akin pero hindi ko siya pinapansin. “Thisa, nakikinig ka ba?” “You’re so maingay, so annoying. I hate you!” sigaw ko sa kanya na dahilan para matigilan siya. “Bakit ka nagagalit? Dahil ba sa sinabi ni Johana? Totoo naman ang sinabi niya–” “Alam ko, mataba ako at ano naman ngayon. Sumali ba ako doon para pumayat ako? Hindi naman eh, sumali ako doon para matuto ako. Pero ikaw, kahit saan bully ka. Ang buong akala ko ay sa bahay ka lang bully pati ba naman sa school. Ang sama-sama talaga ng ugali mo. I hate you! Kaya ‘wag mo na akong kakausapin pa dahil ayaw ko na sa’yo, Raleigh.” sabi ko sa kanya at hindi ko na siya pinansin. Ito ang unang beses na tinawag ko siya sa name niya. Gusto ko lang malaman niya na galit ako sa kanya. Hindi ko na talaga siya papansinin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD