RALEIGH RAYDAM DELA VEGA Ang buong akala ko talaga ay makakaligtas na ako pero naalala na naman niya kaya mas lalo siyang na galit sa akin. Naalala niya kasi na sinabi ko sa mga nurse doon na asawa ko siya. Kung alam lang talaga niya ay alam ko na magwawala siya sa galit kaya nga gusto ko na dahan-dahanin ang lahat para naman masabi ko sa kanya ang lahat. “Oops! Kalma ka lang, love,” sabi ko sa kanya dahil parang manlalapa na siya. “Kakalma ako? Dapat ba kumalma ako?” “Bakit ka na naman ba galit? Ano na naman ba ang kasalanan ko? Baka nakalimutan mo na pilay ako, hindi mo ako puwedeng saktan,” sabi ko sa kanya dahil baka bigla na lang akong hampasin nito. Kalahi pa naman ito ng nanay ko kaya kapag sinabi nila na galit sila ay bubuga talaga siya ng apoy. “Bakit mo sinabi na asawa kit

