RALEIGH RAYDAM DELA VEGA “Bakit ka ba ganyan? Bakit?!” sigaw niya sa akin pero niyakap niya ako. “Kasi mahal kita, mahal na mahal kita.” “Dahil sa mahal mo ako kaya okay lang sa ‘yo na maging masama ka sa mga mata ko?” tanong niya sa akin na mukhang alam na talaga niya. Anak rin ako kaya hindi ko gusto na magalit siya sa magulang niya. Kaya ko, kaya kong tanggapin ang lahat ng galit mula sa kanya. Hindi naman ito ginawa ng magulang niya dahil tutol sila sa amin kung hindi dahil sa mahal nila ang anak nila at gusto nila na matupad nito ang pangarap niya. Iyon kasi talaga ang mas mahalaga. Mas mahalaga para sa akin ang pangarap niya dahil ako, lagi lang naman akong nandito. Nandito kapag kailangan niya ako. Sinabi ko na sa kanya ang lahat kung paano kami naging mag-asawa at nakinig nam

