THISA IRENE “Thiara!” napasigaw ako dahil ang buong akala ko ay masasagasaan talaga siya. Pero bigla na lang siyang dinaluhan ni Raleigh kaya natumba sila at gumulong silang dalawa sa may kalsada. Pero ang siraulong driver ng kotse ay tinakbuhan lang kami. Pinaharorot niya palayo ang sasakyan niya. “Bwisit ka!” sigaw ko sa lalaki at wala na akong pakialam kung nagtataka ang ibang tao sa akin. Nakakainis kasi hindi man lang nagsorry. Mabilis kong dinaluhan si Thiara. Dahil baka nasaktan siya. “Are you okay?” nag-aalala na tanong ko sa kanya. Cheneck ko rin siya at nagpapasalamat ako na okay na siya. Feeling kanina ay lalabas ang puso ko sa takot dahil ang buong akala ko ay masasagasaan talaga siya. Pero mabuti na lang at okay lang siya. Hindi ko alam ang gagawin ko kung may nangyari s

