THISA IRENE “Anong sabi mo kanina?” tanong ko sa kanya dahil may bigla akong naalala. Kung naiinis ako kanina ay bigla na namang bumalik ang init ng ulo ko dahil sa naaalala ko ngayon. “Anong sabi? May sinabi ba ako?” tanong niya sa akin kaya bigla kong binaon ang kutsilyo sa may chopping board. “Oops! Kalma ka lang, love,” sabi niya sa akin na halatang nagulat siya sa ginawa ko. “Kakalma ako? Dapat ba kumalma ako?” tanong ko sa kanya. “Bakit ka na naman ba galit? Ano na naman ba ang kasalanan ko? Baka nakalimutan mo na pilay ako, hindi mo ako puwedeng saktan,” sabi niya sa akin. “Bakit mo sinabi na asawa kita? Bakit? Bakit asawa mo ba ako?” tanong ko sa kanya. “May sinabi ba ako na asawa kita? May narinig ka ba na sinabi ko?” “Sabi nang nurse kanina, Mrs. Dela Vega ang tawag ni

