THISA IRENE “Stop overthinking, Thisa.” naiinis na saway ko sa sarili ko. I know naman na hindi dapat ako nag-iisip ng kung ano-ano pero naiinis rin ako kapag naiisip ko na baka crush lang ako ng lalaking ‘yon at hindi naman talaga niya ako mahal. Iniisip ko pa lang na hindi naman malalim ang pagtingin niya sa akin ay naiinis na ako. Dahil gusto ko kasi na pareho dapat kami ng nararamdaman. Nag-ooverthink ako ng wala namang basehan. Bago pa ako mabaliw sa kakaisip dito ay mas pinili ko na lang na maligo na para naman malamigan na ang ulo ko. Balak ko kasing lumabas ngayon para sa labas na lang muna kumain. Wala naman kasi akong kasama dito kaya naman doon na lang ako sa labas para makagala na rin ako. Maghahanap ako ng puwede kong bilhin para pamilya ko. Alam ko na hindi naman kailanga

