We went to the longest mall in the Philippines today to have some fun and also buy some groceries and treats for the elderly and children who helped us during our stay here.
We also had fun playing in the arcade, had lunch in a resto inside the mall, and we also wanted to try and ride the Pampanga's eye but sadly, it only operates during the night. Maybe we can pullover here tonight or the next night.
The van we're in arrived in the mansion at a quarter past two in the afternoon. Bitbit ang mga eco-bag ay dumiretso na kami sa nakaset-up na pavilion sa harap lang ng treehouse.
The people are already there. Some are singing in the karaoke while others cheer for them. The children were dancing, too. Parang napaaga ang Christmas party nila.
"Need help, miss?" Dymaun didn't wait for my answer and get the eco-bags from my hands.
"Thanks."
Imbis na dumiretso ito sa mahabang lamesang pinaglagyan ng iba pang eco-bags ay hinintay ako nito sa paglalakad.
"What's wrong? Are you tired?" he asked.
"A little bit. Where's your cousin Kael?"
"Why are you looking for him, miss?" He put the eco-bags on the table and asked some boys to help my friends with the bags.
I shrugged and turned a gaze around the area.
"Miss."
I replied, "Hmmm?"
I was still looking around for Kael when he held my arm and made me face him.
He looked at me with a frown, "why are you looking for him, anyway?"
What? Why is he so grumpy now? I just asked for Kael's whereabout because I want to talk to him. He's a med student and has some psychologists and psychiatrists around his circle of friends. So, why is he grumpy again?
"What?"
"You heard what I've asked," he replied.
He reached for the phone in his pocket and dialed for someone.
"Solo quédate donde estás!" Is he talking to me? Why will he want me to stay where I am!? Or... is it the person on the other line?
"Quen camu, Kael!"
O. M. G! Is he jealous!? Why would he tell his cousin to stay where he is when I am looking for him!?
"Why are you suddenly like that?"
"Like what?"
"That. Frowning and rough towards me."
"Because I am checking on you but you were checking on someone else. That's what, miss. At talagang pinsan ko pa?"
"What the he—"
"Don't you dare cuss in front of me, miss. Or even without me... Don't cuss."
"Why? What is it to you? You're acting like a jealous boyfriend that you are not," I teased.
But he is not happy about it. He is intensely looking at me and I can feel lots of stares directing at us. The music from the karaoke also stopped. Everyone went silent and they—we are all waiting for his answer.
Tumango siya bago nagpakawala ng buntong-hininga.
"You're right. I am not. At least, not yet..." With that, he marched out of the crowd and Taco followed him.
I don't really know what's up with him. But, I somewhat have a hunch and of course, I like what I am thinking of, right now.
I apologized to the people and told them not to mind what happened and I'll handle their Senyorito.
My girls went to me and told me to follow him so I did. Imang Nena also gave me an assuring smile. She's like telling me that everything between me and Dymaun will be fine or at least, that's what I think.
I headed to the pottery or what he called "D Shed". Nagbabakasakali akong naroon siya at hindi nga ako nagkamali.
He is sitting on the wooden chair I was on the first time I came here. His jaws are moving and I can almost hear his breathing. My view of him from the door made me see how perfect his visuals are.
Bahagya siyang nakatingala, ang batok ay nakapatong sa sandalan ng bangko. Both of his hands were clenched in a fist.
"Hay... Tol, may bisita ka," si Kael na hindi ko napansing nakahiga pala sa mahabang upuan sa malayong dako.
"Hi." I greeted him at akmang kakausapin ko ito nang magsalita si Dymaun.
"Leave." What!?
"W-what? Pinapaalis mo ako? I just want to say s—"
"Leave, Kael." Oh.
Nagmulat ito ng mata at masamang tinitigan ang pinsan.
"Woah. Chill. Aalis na. Kanina sabi stay, ngayon leave. Ang gulo mong bato ka," he murmured.
Aamba pa ito ng isang yakap sa akin pero bago pa man ito makalapit ay may tumama ng clay sa mukha nito.
"Leave!"
"Sungit. Bye po." Pinagmasdan ko pa itong umalis hanggang sa mawala na ito sa aking paningin.
"Hanggang kailan ka tititig diyan?" Opsss. Hehe
"Look, Dymaun. I'm s—"
"No. Ako dapat ang humingi ng pasensiya sa inakto ko kanina. Mali yon. Hindi dapat ako ganon lalo na't nanliligaw pa lang ako sa'yo." P-putangina!?
"N-nanliligaw ka!?"
"Bakit? Hindi ba?"
"H-hindi ko alam." Ahh shet. Baka joke lang 'to ah?
"Ngayon, alam mo na. I'm courting you, miss." Shet. Pakihanda ang reception, tawagan ang mayor. Ikasal niyo kami... Ngayon din!
"That's why you're only allowed to look for me. Only me. Understood?"
Natuliro ako sa kaniyang sinabi hanggang sa napapalakpak ako sa kakatawa.
"Are you for real!?"
"What do you think of me? Am I joke? Why are you laughing?" Mas lalong kumunot ang noo niya. Pero kahit ganoon ay kaaya-aya pa rin siya sa paningin ko, tipong kahit ilarawan ko ang itsura niya ngayon sa hindi maipinta ang mukha niya ay magagawa ko pa rin. Ang gwapo ng manliligaw ko!
"What are you thinking?" he asked after a quarter minute of silence. Nangingiti ako habang pinagmamasdan siyang nakapamewang at direkta ang matalim na titig sa akin.
"What are your plans?" I scratched my nose. Aba, siyempre kakapalan ko na ang mukha ko. Anong plano niya sa relasyon namin? Aii wala pa palang kami HAHAHAHAHA!
"Don't think about it. I'll surprise you."
"Oh, I don't like surprises."
Nakakunot na naman ang noo nito nang tumingin sa akin? Sungit mo talaga. Kagigil ka ah.
"Why? I won't surprise you, then."
"I hate surprises cause I get shock! Like haaaa!?" Iniakto ko pa ito sa kanya. My breath hitched. Nanlalaki ang mata at ang dalawang kamay ay nakasapo sa pisngi habang laglag ang panga tulad ng The Scream ni Van Gogh. Nasingit ko pa yun? Haha
"Tss. Let's be serious, miss. I'll court you." He reached for my hands and gently massaged them using his thumbs.
"Seryoso naman ako ah."
"Alright."
Patuloy pa rin ang marahan niyang paghaplos sa likod ng mga palad ko gamit ang mga kamay niyang may kagaspangan na. The veins on his hands were very visible. Tingin ko ay dulot iyon ng paggawa niya ng malalaking paso.
"Are you calm now? Let's go back. Baka akala nila ay galit ka pa rin."
"Come here. Let's stay here for a while."
He guided me to sit on the chair beside him at nagpatianod naman ako. Medyo nagugulo ang damdamin ko, hindi ko alam kung totohanan na ba o baka nag-iilusyon lang ako. Pero pwede ba 'yon? Sa gwapo nitong kasama ko, maaring nag-iilusyon nga ako? Aba, syempre!
"Kurutin mo nga ako."
"Ha?"
"Sabi ko, kurutin mo ako."
Takhang nakatingin ito sa akin kaya naman itinaas ko ang kamay niyang nakahawak sa at isinampal sa sarili ko.
"Ouch." Shet. Ansakit.
"MISS!" Sa bigla nito ay napatayo pa ito sa silyang kinauupuan. Akala ko masungit at suplado ka lang pero OA ka rin pala minsan. Tsk, tsk.
"Bakit mo ginawa 'yon?"
"Akala ko nananaginip lang ako eh."
"It doesn't seem like you are dreaming," he said as a matter-of-fact.
"Doesn't it? I'm always dreaming of you to be with me," I shrugged.
"You... Silly." Iiling-iling pa ito pero alam kong natutuwa naman sa sinasabi ko. Sus, plastik.
"Come on. Let's go back to the treehouse before this conversation goes to you-know-where."
"Where?" We both chuckled at the thought we probably both have in mind.
Nang lumabas kami sa pottery ay hawak niya pa rin ang kamay ko at nasa unahan namin si Taco. Para kaming masayang pamilya na namamasyal sa forest.
Hindi natanggal ang ngiti ko sa labi habang nakikita ang namumulang tenga ni Dymaun.
Natural na tahimik siya kaya hindi ko na kinuwestiyon ang katahimikan namin habang naglalakad pabalik sa treehouse. Pero mas natahimik ako nang malapit na kami sa mga tao ay binitawan nito ang kamay ko at walang lingong-likod na iniwan.
A-alright? What is the meaning of this?
"Nyare, girl?" Si Joan nang makitang tinalunton ni Dymaun ang daan patungo sa kinauupuan nina Imang Nena.
Napakamot ako sa ilong ko nang matanto ang ginawa niya. Ano yun?Conservative sina Ima kaya bumitaw? I shrugged. Siguro nga.
"Anong siguro nga? Napano ka ha? Nanunu ka ba doon? Bat ka nagsasalita mag-isa? Ipapatawas na ba kita? Oh baka ibang duwende ang nakita mo? Ikaw ha. Share mo naman," sunod-sunod na tanong sa akin ni Joanne.
"Ano ba. Huwag ka nga magulo."
"Ay, te! Nahawaan ka ng kasupladuhan? Supladong couple ng taon!?" Hagalpak nito ng tawa. Hindi pa nakuntento at hinampas pa ako. Aba!
"Hindi kami couple no. Tara dun. Kumain ka nang magtigil ka."
"Ahhh hindi pala couple kaya naman pala maasim ang timpla. Acting like a boyfriend that you are not ka pang nalalaman tapos pala ganito lang magiging reaksiyon mo kapag sinasabi mong hindi naman kayo couple!? Iba rin!"
Napailing na lang ako sa kadaldalan nito. "Dami mong alam!"
"Of course! Kaya nga magkaibigan tayo diba?"
"Tangina, oo na. Manahimik ka na!"
Nakatingin na ngayon ito sa may likuran ko.
"Senyorito oh. Nagmumura!"
Namilog ang mga mata ko nang marinig ang sinabi nito at dahan-dahang lumingon. Saktong lingon ko ay ang pagpapakawala ng malakas na halakhak ni Joanne. Tangina.
"Effective. Tameme ang bruha. HAHAHAHAHA."
"Manahimik ka baka masampal kita."
"Ehem. Ehem. Okay."
___
"Maraming salamat po sa pagtulong, kooperasiyon, at pagtanggap niyo sa amin dito sa inyong lugar lalong-lalo na sa'yo, Dude. Salamat. Sana po ay makatulong din sa inyo ang—"
Maka dude ka akala mo close tayo? At tingin mo sa paglapit mo kay Alec ay magiging magkaibigan tayo? Baka kamao ko pa ang makaclose ng mukha mo.
"Iritado ka na naman ba?"
"E ka mag-alala, sa'yo pa rin 'yan sa hule."
Naagaw ni Ima ang atensiyon ko dahil sa sinabi niya. Paano nito nalaman na nag-aalala ako? At anong ibig nitong sabihin?
"Huwag ka tumingin ng ganyan na para bang pinagdududahan mo na naman ako ah. Ikaw na bata ka. Hindi ako manghuhula. Nararamdaman ko lang."
Siguro nga. Sa dami ng pinagdaanan ni Ima noon ay tiyak kong marami siyang maitutulong sa akin.
"Sabihin mo na sa'kin 'yan. Alam ko namang tungkol sa magandang dilag 'yan eh."
Sinasabi ko na nga ba at may alam si Ima. Sa ganitong ayos ko namimiss ang abuelita at abuelas. Matutuwa ang mga iyon kapag narinig ang tungkol dito.
"Hay. Ima talaga."
"Ano? Alam kong ikatutuwa ng mga abuela mo kapag nagkatotoo 'yan."
Hay. Sinasabi ko na nga ba.
"Nagkakausap pu ba kayo?"
"Aba syempre naman. Uso na ang video conference. May group chat pa kami. Pinagchichismisan namin kayong magpipinsan, kung sinong unang mag-aasawa at magbibigay ng apo."
"Ako po, Ima alam ko kung sino unang magbibigay ng apo," singit ni Kael sa usapan.
"Bakit andito ka na naman?"
"Chill, tol. Hindi ko aagawin, okay. Hindi ko type. Gusto ko yung palaban pero sweet tapos nakakasindak ang tingin. Gusto ko yung tipo ni Mayumi."
"Tigilan mo, Mykael. Baka sumabog ang bungo mo. Either kuryente o bala ang tatapos sa'yo," birong banta ko rito.
"Pwede ring pareho. Kilala mo ang pinsan mo. Seloso. Kahit walang bayag e mang-aangkin pa rin 'yon."
Nagulat ako sa sinabi nito at napatigil sa dapat na sabihin habang walang humapay sa paghagalpak ng tawa si Kael.
"I-ima. What are you saying? It didn't sound right."
"Ang sabi ko'y huwag kang mag-ingles baka makotongan kita."
Napakamot na lang ako sa ulo ko. Mukhang hindi magiging magandang ideya ang planong ipapaalam ko rito.
Ano na ang gagawin ko ngayon? Sinabi kong nililigawan ko siya pero nakadikit pa rin siya sa iba. Gusto kong magalit pero baka masabihan ulit ako nun.
"Ligawan mo na kasi, tol. Tapos buntisin mo agad para hindi ka iwan. Panalo pa ako sa pustahan non. Ano g?"
Talagang kulang ata sa buwan to ha.
"Manahimik ka. Huwag mo akong pangunahan."
"Ayaw sana kitang pangunahan pero baka maunahan ka." Sabay turo ni to sa pwesto nina Alec kanina.
Mula rito sa kinauupuan ko ay tanaw ko kung paano nakalingkis ang braso ng Eron na iyon sa bewang ni Alec habang kinukuhanan ng litrato.
Namumuro ka na sa akin. Hindi ka makakalabas nang buhay sa lupaing ito.
Nagtama ang tingin namin ni Alec at agad namang lumayo mula sa lalaking iyon. Alam kong nanliligaw pa lang ako pero gusto kong malaman niya na plano kong ikulong siya sa buhay ko, tipong buong sistema niya, isinisigaw ang pangalan ko.
She smiled at me and waved lightly.
I'm irritated but I can't help smiling back. She's really beautiful.
...
How is it so far? Please leave some comments. TC.