Chapter 12

2213 Words
"Would you be fine here?" I asked Alec after I dropped her off with Joanne. "Aba! Anong akala mo naman, Senyorito, pababayaan ko itong babaitang ito? Syempre naman, matanda na siya eh. Hehe joke. Peace," Joanne replied. Kabado sa tinurang biro. Napailing si Alec sa kaibigan na pumasok na sa tarangkahan ng kanilang bahay. Naroon lang kami sa labas. Ako, nakasandal sa pinto ng sasakyan habang siya ay nakatayo sa aking harapan. "Paano niyan?" Napakunot ako ng noo. "Anong paano?" She's biting her lower lips, acting shy in front of me. Hmm. This is new. "Tayo? Paano ang panliligaw mo kung babalik na ako sa Maynila?" I stood straight and held her hands. "Miss, kaya kitang puntahan anytime na gustuhin mong makita ako." "Magkikita pa naman tayo bukas at sa susunod na bukas. Ihahatid ko kayo ng kaibigan mo." Sa wakas ay nag-angat ito ng tingin sa akin. Mas lalo akong nahuhulog kapag ganito siya umakto. "T-talaga?" Tumango ako, ngayon ay hawak na siya sa braso. Unti-unti ko siyang isinandal sa dibdib ko upang mayakap siya. I want to stay like this for a while. I like her warmth at kapag umalis siya ay alam kong hahanap-hanapin ko ito. Hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya bago siya pinakawalan. Dis-oras na ng gabi at uuwi pa ako sa mansion kaya't pinapasok ko na siya sa loob. She waved and smiled at me bago siya tuluyang pumasok ng tarangkahan. Nang pumasok ako sa sasakyan ay nakita kong umiilaw ang cellphone ko at pinapakita ang pangalan ni Mama. I put it on speaker and drove away. "Mi hijo." "Hello, Mama." "Where are you?" "I'm driving home, Mama. Why did you call? You're supposed to be having your dinner right now," I said as I maneuver the car on the main road. "Y-yes, mi hijo. Ahm... Can you please pull over for a while?" I didn't answer and just obliged. "What is it, Ma?" I'm a bit nervous about her tone. She's usually cheerful when she's calling. But now, she seems... nervous, too. "Casi... C-asi wanted to c-continue the wedding..." Nagtagis ang bagang ko. Anong iniisip ng taong 'yun!? Umayaw na siya nung una pero ano na namang ginagawa niya!? "Where's that..." Hindi ko maituloy ang gusto kong sabihin. Kahit ganoon ay nirerespeto ko pa rin siya. "Casi's here with us. Do you want to talk about it now?" She's kinda tensed, I know. Pinagmulan na'to ng away noon. Mula nung tinakbuhan niya ang gustong mangyari nina Mama noon ay naging mailap na siya kahit sa'kin. "No, Mama. We'll have this conversation when we meet." "Then, be safe. Te quiero, mi hijo." "Bye, Mama. I love you, too." I'm still thinking about the thing my Mama has said until I reached the mansion. But those thoughts slowly faded when I read Alec's message. From mi Señorita: Are you home? Goodnight.♥️ My smile grew wider after seeing the emoticon after her message. Is this normal? For a guy like me? I think, it is. ___ Nakatulog ako kagabi habang hinihintay kung magrereply ba si Dymaun sa text ko kagabi pero nang icheck ko ang messages ko wala naman. Hay. Naligo na ako at hinintay na magising si Joanne. Tulog mantika ang bruha. Habang naghihintay ay sinubukan kong mag-open ng social media account ko at muntik pang sumabog ang cellphone ko sa dami ng notifications na pumasok. "Ano ba 'yan, Alecxiandra. Ingay mo." Nalula ako sa dami ng notifications pero ang nakakuha ng atensiyon ko ay ang tatlong friend requests na meron ako. "Mykael Anthoni Arceo, Eion Arceo, Fifth Arceo..." Basa ko sa mga pangalang nangunguna sa friend request list ko. Are they somewhat related to Dymaun? Maybe, right? And this Mykael Anthoni might be Kael. I tried to stalk them but their accounts are private but have thousandsss of followers. Ilang segundo lang pagkatapos kong ma accept ang requests ng mga ito ay nag-iwan na agad ng comment at heart sa profile picture ko a month ago. Mykael Anthoni Arceo Wow. Wow. Magaling! Fifth Arceo Alagaan mo ne.✊ Eion Arceo Goods yan. I dunno how to react to those so I continued on stalking them. Kael's timeline is full of tagged photos from his school and maybe some block mates. But, there's this photo Fifth posted with a caption "hype". It is a photo of 5 men and a woman in a bar. Magkakamukha sila. At yung nasa pinakagilid ay mukhang si Dymaun. Oopen ko na sana ang picture kaso ay kinatok kami ng mama ni Joanne. "Gising na ba kayo? May naghahanap sa inyo sa salas." Binato ko muna ng unan si Joanne bago binuksan ang pinto. Narinig ko pa ang pag-irit nito at ibinato muli sa'kin ang unan. Buti na lang sa likod ng pinto tumama. Nginitian ko si tita. "Pogi po?" "Ikaw talaga puro pogi. Pero oo, pogi nga." "Haluh tita. Ayaw po gumising ni Joanne kaya baba muna po ako. Good morning!" Nadatnan ko si Dymaun na nakaupo sa sofa nina Tita Jen. "Good morning. Aga natin ah." Tumayo pa ito para humalik sa pisngi ko. Aww. Kilig! Namumula na naman ako nito, nyeta! "I told you, we'll have breakfast together." He's just wearing khaki shorts, a white shirt, and his leather flip-flops pero napakalakas na ng dating niya. Nux. We almost match. I'm wearing my green bermuda pleated linen shorts and white camisole top and white flops. "Saan ba?" "Diyan lang sa bayan." "Okay. Saglit lang. Balikan ko lang si Joanne sa taas." ___ While I was waiting for Alec and Joanne, my phone beeped for new messages. I am about to ignore those but what Eion said made me not to. From Eion : Galing mo magtago, tol. Kaya ba ayaw mo dito kasi ikaw ang pinupuntahan? Pakilala mo na 'yan, tol. Ganda ni Xiandra, hindi dapat tinatago 'yan. To Eion : Maghintay ka. From Eion : Bilis. Baka maunahan kita, tol. Joke. Ibang klase ang magkapatid na 'yon. Kapag talaga nagsama 'yon ay pupulbusin ko sila at gagawing burak. "Ahh. Dymaun. Hindi na raw sasama si Joanne sa atin. May ibang lakad daw siya ngayon eh. Magpaalam lang ako kay tita." I nodded. I think that's a little better. Baka mang-asar lang si Joanne all throughout the day. "Let's go?" She asked and clung her arms on mine. I unconsciously licked my lower lip and puffed a breath. This is bad. I am driving silently but she connected her phone to the car's stereo and now looking for a song. That's right. Explore it as you own it, miss. "What song do you usually play here?" "I don't listen to music that much," I awkwardly said. Imagine me telling her the reason. "Okay. I like Ed Sheeran a lot so, my playlist's full of his songs." She started humming and tapping her fingers on her lap jamming to the song. I woke up with a fear this morning But, I can taste you on the tip of my tongue Alarm without no warning You're by my side and we've got NO smoke in our lungs. She's singing along but edited the last line. Her voice is not that bad. It's not that good either. "I don't smoke though. Do you?" "I don't. And that's a woman's voice. A hundred percent sure that it is not Ed Sheeran." "Yeah. It's Rita but Ed wrote this song. It's so good." "Uh-huh." She continued singing to the song. Don't want to sing mad songs anymore Only want to sing your song 'Cause your song's got me feeling like I'm... I'm in love, I'm in love, I'm in love "Damn. I am." "Stop cursing, miss or..." "Or what? You'll kiss me? Shit." She started laughing at napailing na lamang ako. Pasalamat ka at nagdadrive ako. Inihinto ko ang sasakyan sa isang parke na katabi lang ng restaurant na pupuntahan namin. I opened the door for Alec and when she stepped out ay agad na isinukbit ang kamay sa akin. Takha akong tumingin sa kaniya nang naglakad siya na may ngiti sa labi papunta sa may pedestrian lane. When I traced her vision, I saw an eatery, Mami's Gotohan, across the street. This girl is really impossible. ___ "Hmmm... Sarap." Yan na lang ang nasabi ko nang matapos kumain ng goto. Mangha namang nakatingin si Dymaun na mula pagpasok namin dito ay hindi na gaanong kumibo. Aii. Hindi pala siya laging kumikibo. "You enjoyed the food?" "Yes. Sarap nga eh. Tagal ko ng hindi nakakakain nito." He looked surprised a while ago. Rinig ko pang may kinausap siya kanina at sinabing i cancel na lang ang kung ano man 'yon. We went walking around the near city. Explored the streets and the foods and sights they offered. We ate our lunch in an Italian resto. Nabanggit niya rin na hindi dapat sa gotohan ang punta namin kanina kundi sa restaurant sa tabi ng park. Napakamot ako sa ilong ko. Hehe. Akala ko sa gotohan kami eh. Naexcite lang. We visited a museum. I don't recall what it is called but it's full of Pampanga's heritage. Dymaun led me to a big church which is literally called that way... Ah. Pisambang maragul? I mouthed my intentions really hard. I recall Lola Siling telling us to say our prayers and wishes the first time we step inside a church. We also have pictures together. I actually posted one of those on my ig story. Half of my face and half of his with a caption "half/half". Wala eh. Aso ang anak namin. I asked him if he has a social media account and he replied, "Is sss counted?" Just. Wow. "Where do you wanna go, now?" He asked after buying me an ice cream and an Ed Sheeran keychain. Siguro ay nabili niya sa mga merch shops na napuntahan namin. One of my dreams is to ride a hot air balloon but the season or festival already ended. Maybe next year, we can go together. So... "Let's settle with the ferris wheel. Tara na?" I held his hand and we walked side by side 'til we reached the parking. "Do you wanna go to the mall first? It's still early for the ferris wheel." "I won't buy anything... We'll go there to have fun." "Alright, Miss. As you wish." Nang makarating kami roon ay napakaaga pa nga para sumakay sa ferris wheel. Kaya naman ay naglaro na lang kami sa mga booth kung saan stuff toys ang premyo. Ang galing niya maghagis ng mga rings. Magaling lang maghagis, hindi ko sinabing pumapasok. Hehe. Pero bawi naman sa iba. Hindi lang talaga kayang ipagkaloob ni God ang lahat. Andami ng nakatingin sa amin ngayon. Sa kaniya lang pala.  May mga teenager pang nakasunod sa amin habang naglalaro kami. Sa dami na ng booth na naikutan namin, dito siya pinakanahirapan. Halos ipamigay ko na rin ang mga stuff toys sa dami nito. Baka hindi na magkasya sa sasakyan niya. Pero siyempre hindi ko ipamimigay, heler... Nang maubos niya ang rings ay pawis na pawis siya. Mabuti na lang ay may panyo siya. Iyon ang ginamit kong pamunas sa kaniya. "You're pretty." Biglang usal nito at hinawakan ang kamay kong pinupunasan ang pawis niya sa noo. "I know, right." He puffed a short laugh. "Too confident, miss." "Of course. You won't court me if I wasn't pretty."  I flipped my hair and started walking towards the vikings. It looks like an innocent ship rocking the passengers as a swing does. "You sure?" "Yeah. Are you chickening out?" Pinanliitan ko ito ng tingin. "Of course not. Ikaw ang inaalala ko, miss." "Hinahamon mo ba ako? Or you are scared, Dymaun." "What? No. Baka lang ma fall ka sa'kin pagkaswing ng ark." Ulul. Kahit hindi magswing 'yan, ako'y nahulog na. "Tara na kasi!" He availed the ride-all-you-can tickets and left the stuffed toys near kuyang guard sa vikings. Ang totoo niyan ay first time ko'to... Nadala lang ng hangin kaya napadpad dito! Arggg! "You seem tensed." "I am not." "Don't throw up." "What? I won't. Baka ikaw." I faked a laugh. Pinili ko ang upuan sa pinakadulo at tumabi siya sa akin. Nakahawak ako sa bakal na pang secure sa'min nang magsimula itong gumalaw. Is this it? No sweat. Or...That's what I thought.  Noong una ay tumatawa pa ako pero sa kalagitnaan ay hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na pagsigaw at pagmumura habang patuloy sa pagtawa ang katabi ko. Sige lang. Mamaya ka sa'kin. Hilong-hilo ako kakasigaw nang makababa kami. Mabuti na lang at mabilis kumilos si Dymaun at agad akong pinaupo sa isang bleacher at binilhan ng tubig. "You okay?" "Hell, YEAH!" Nangingiting napailing ito at umupo sa tabi ko. Bahagya niyang minamasahe ang mga palad ko kaya isinandal ko ang ulo ko sa may braso niya. "You really okay?" "Yeah. Just give me five minutes then we'll ride the ferris wheel!" Habang dinadama ko ang presensiya niya ay nakakalimutan ko ang pagluwas namin bukas. Hindi ko na siya makikita madalas. "Alright, miss." Ipinalupot niya ang kaniyang mga kamay sa bewang ko para mayakap ako ng tuluyan at naramdaman ang pagdampi ng kaniyang labi sa tuktok ng aking ulo. Damn. Parang ayoko na sa ferris wheel. Dito na lang kami magdamag.   ... The song's Your Song - Rita Ora        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD