Unti-unting umangat ang gondola na sinasakyan namin. Magkalayo kami ng inuupan at pang-apatan ang gondola pero dahil napakalaki niyang tao ay halos sakop na niya ang kalahati nito.
"Don't you wanna sit next to me, miss?"
"Huh? No. I'm fine here. The city lights are more beautiful from here," palusot ko. Pawisan na ako. Nasa enclosed na lugar na naman kasi kami! Hiya ako, girl!
Nilabas ko ang cellphone ko at kinuhanan ng maikling video ang paligid at sa dulo'y nahagip na naman siya at sa pagkakataong ito ay nakangiti siyang nakaharap sa screen ng cellphone niyang nakatutok sa akin. Shet. Paano hindi kiligin?
He stood up ang sat beside me. Kahit na maghapon na kami sa galaan ay napakabango niya pa rin habang ako ay nanlalagkit na.
Umusog ako. Napansin niya ata 'yon kaya naman ay nangunot ang noo niya sa akin.
"What's wrong, miss?" He asked.
"D-don't get t-too close..." Nahihiya kong sinabi.
"Uh-huh. And why is that?" Muling tanong niya pero ngayo'y hinuli na ang bewang ko at ipinirmi sa upuan.
"Dymaun, no!"
"Uh-huh." He rested his hands on my stomach. Sh*t. Parang biglang nabuhay ang static electricity na namamahinga sa loob ko at dumaloy patungo sa iba't-ibang parte ng katawan ko.
Natrigger ang sinoatrial node sa right atrium ko na siyang built-in timer ng puso. It supposed to fire off an electrical impulse at regular intervals pero sa estado nito ngayon ay mukhang nasa 120 beats per minute ito at mas bumibilis pa!
"Why do you keep moving away from me hmm?"
He's now leaning on my shoulder. His voice is sending shivers down my spine. My goodness, gracious! Hindi ako sumagot. Natulos na sa kinauupuan ko.
Hinawi niya ang buhok ko patungo sa kaliwang balikat ko.
"L-lumayo ka nga. I s-stink." There. Kahit nakakahiya ay nasabi ko na rin.
"Uh-huh." Naramdaman ko ang pagdampi ng dulo ng ilong niya sa leeg ko.
"You still smell good." Kinikilabutan ako habang inaamoy niya ang leeg ko. Ramdam ko ang hininga nga at nakikiliti ako.
Napailing na lang ako at pilit na kinakalma ang sarili.
"Ang clingy mo na ah. Parang kelan lang napakasungit mo. Panay pa ang irap mo sa'kin."
He chuckled. Ngayon ay yakap na ako mula sa likuran. Tahimik naming pinagmamasdaan ang ganda ng mga liwanag na nagmumula sa mga building at bahay ng siyudad.
"I'm going to miss you, miss."
May kung anong init akong naramdamang yumakap sa aking puso. He kissed my hair at mas humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin.
"I like you, miss. I really do."
I do, too from the very start. I am so damn happy with you by my side, Dymaun, and I'm afraid that this happiness comes with great sadness. Huwag naman sana.
"How much?"
"Ano?"
"How much should I pay to have a piece of your thoughts?"
Pabiro kong hinampas ang kaniyang braso. His muscles tensed at narinig ko mahina niyang pagtawa. Kahit hindi ko nakikita ay alam kong nakangisi siya.
"Tell me about yourself, miss."
He's really serious about this huh?
"Ahh... I'm 22. I have three brothers and... we're doing fine." Habang sinasabi 'yon ay hindi ko mapigilang maalala ang mga kabaliwan ng mga bata pa kami.
"There was a time na sinama kami ni papa sa trabaho niya. Nakalimutan ko na kung saan 'yon pero tanda ko break ng mga nagtatrabaho non tapos..." napahinto ako nang hindi na mapigilan ang tawa.
"pinakialaman namin nina kuya kasama yung kaibigan niyang pogi yung pintura at pininturahan namin yung pader."
"Pogi?" Naman oo. Sa dami ng sinabi ko yun talaga pupunain niya.
"Oo, pogi nga." I giggled.
"Mas pogi sa akin?"
"Hmmm." Sinapo ko ang aking baba gamit ang kanang kamay.
Dymaun swayed me sideways.
"Talagang pinag-iisipan mo pa ha?" We both laughed at what he's said.
"No. The boy was cute. Pero tingin ko ay mas pogi ka naman don."
"Tss." He's still swaying our body. Pababa na ang gondola nang itinuloy ko ang pagkukwento.
"Alam mo yung mga kapatid ko, mahal ako ng mga 'yun kahit madalas binubully nila ako. Pero siyempre mas madalas pa rin na kakampi ko 'yon kapag inaasar ako ng bunso namin." I smiled.
"You sound so happy telling stories about your brothers."
"Of course!"
"Uh-huh. Anyway, where do you wanna go for dinner?"
"I actually missed lutong-bahay. There's just something on your mansion's menu that I can't get enough off."
"Like how you can't get enough of me?"
"Damn. Dymaun!"
Naramdaman ko na lang na iniharap niya ang mukha ko sa banda niya at siniil ng halik ang aking labi.
Tangina, Dymaun. Anong ginagawa mo sa nerves ko!? Damang-dama ko ang init sa mukha ko!
Unti-unti niya akong iniangat hanggang sa makaupo ako sa kaniyang kandungan.
Ang mga halik niya ay mababaw ngunit nadadala pa rin ako. Siya ang unang humalik at siya rin ang unang bumitaw. Shet. Yun na 'yon?
"The next time you'll curse, you won't have a taste of the main dish of our mansion." He smirked.
"What!? Nagiging mahangin ka na ha?"
Nagkibit-balikat siya at ibinalik ako sa pagkakaupo ko kanina. Inayos niya ang nagusot kong damit at ang buhok na bahagyang tumakip sa aking mukha.
"Baba na tayo," anyaya niya.
Nagpatianod ako sa kaniya pababa ng gondola. Hawak niya ako sa bewang at kinukwentuhan tungkol sa mga ceramics niya nang mag face time sa akin si Levi.
"Yes, superstar?" Ngiti kong bati rito.
Sinulyapan lang ako ni Dymaun at iginiya papunta sa pinag-iwanan namin ng mga stuff toys kanina.
"Hi, ganda. Party tonight. Sama ka?"
Pinisil ni Dymaun ang bewang ko at nang balingan ko ito ay nakataas ang isang kilay sa akin. Amusement is written on his face. Mas amused pa siya kesa sa amusement park.
"Party huh?" Nagkibit ako ng balikat at hindi siya sinagot.
"Sorry, Lev. Wala ako sa bahay. Sa Pampanga pa ako."
"Oh? Sabi nina Andrew nakauwi na kayo."
"Sila lang, Lev. Naiwan kami ni Joanne."
"Ahh. Okay. Ferris wheel ba 'yang nasa li-"
"Babe, where are my biscuits?" A woman's voice interrupted Lev's words.
"In the cabinet, baby." Malambing na sagot nito sa kasama bago ako mayabang na binalingan.
"Sorry for that. Single ka nga pala." Nang-aasar na sabi nito sa akin.
"Yeah?" I smugly smirked at him at sumandal sa dibdib ni Dymaun.
"You were saying?"
"Holy molly! Baby! Alecxiandra is with someone! BABY!"
"Gago ka talaga. Sa susunod na Lev. Enjoy the night. Bye." Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na makasagot. Basta ko na lang pinatay ang tawag at napailing sa kabastusan na ginawa ko. I'll just apologize on text.
"You cursed again, miss."
Oh. s**t.
"Ops. Sorry." Napakamot ako sa ilong ko. Damn. Walang kiss.
"Tss."
"But can I ask why don't you want me to curse? Huh?" Matapang ko siyang hinarap. Lagi niya akong pinagbabawalan sa ganito pero hindi naman malinaw kung bakit.
Nag-iwas siya ng tingin. Kahit madilim at karga niya ang napakaraming stuff toys ay kita kong nag-iba ang kulay ng kaniyang tenga.
"Let's just go," he replied.
"No. Tell me your reasons or I won't stop cursing here."
"Come on, miss. Our dinner's waiting."
Isinakay niya ang mga stuff toys sa likod ng sasakyan niya at pinagbuksan ako ng pintuan. Inilalahad niya ito para pumasok ako ngunit hindi ako sumunod.
"Get inside, miss."
"Answer my question first." Naghahamon kong sabi rito.
He twisted his neck at bahagyang hinilot ang kaniyang sentido. Goodness. He's so hot.
"Now, why don't you want me cursing, Dymaun? Why do you wanna change that part of me?"
"It's not appropriate, miss." He's still standing by the door. He's sincere with his reason but I don't think that's all.
"And?" I continued.
"That's all. It's inappropriate for a woman to curse."
"Liar," I crossed my arms and sported an accusing look.
Huminga siya ng malalim at umiling tila sumusuko na sa usapan.
"Okay. Get in first."
At dahil nagugutom na rin ako ay sumunod na ako. Isinara niya ang pintuan ko at umikot siya papasok ng driver seat. Pinagmamasdan ko lang siya habang inaayos ang seatbelt niya.
"Now... my question."
"Kailangan ko ba talagang sumagot?"
Actually hindi naman pero gusto ko lang mambwisit at medyo lang naman na malaman ang rason niya.
"Of course."
Muli siyang bumuntong-hininga at ini-start ang engine ng sasakyan.
"I don't like it when you cuss because you are too sexy when you do. Seatbelt, please."
Nakatunganga lang ako at hindi na inintindi ang huling sinabi niya. What the hell? Sexy ba ako kapag ngmumura? P*tangina?
.
Nakarating kami sa mansion nila nang hindi ako umiimik. Hindi naman ako nashock nang bongga. Sakto lang.
Iniisip ko lang kung nagsasabi siya ng totoo. "s**t naman."
"Mukhang nagugustuhan mo na ang pagmumura, miss." He stopped the car in front of the doorstep. Natatawa akong umiling at bumaba na. Siya naman ay muling nagmaneho papasok ng garahe.
Nang makapasok kami ay agad siyang sinalubong ng dalagitang kasama nila sa bahay.
"Señorito, tumatawag po ang mama ninyo at kausap niya po si Imang Nena sa taas ngayon. Gusto niya raw po kayong makausap."
"Sige. Susunod ako."
Nang umalis ang kasambahay ay hinarap niya ako.
"Dito ka muna? Kausapin ko lang si mama. Saglit lang ito."
Tumango ako at itinuro ang papuntang kusina. He kissed my forehead before he went upstairs. Nakailang halik na ba siya?
Pinasadahan ko muna ng tingin ang mga muwebles at mga painting na nasa kanilang tanggapan, minememorya ang bawat sulok noon dahil baka matagalan ang pagbalik ko o di kaya'y hindi na ako makabalik sa tahanang ito, bago tinahak ang daan patungo sa kusina.
Nasa komedor na ako nang marinig ang mumunting tinig na nanggagaling sa kusina. Tila nagbubulungan ang mga ito ngunit kahit ganon ay may kalakasan pa rin.
"Ang Señorito?"
"Oo, dinig ko kanina kay Ima na ikakasal daw."
"Kanino daw?"
"Hindi ko alam pero may narinig akong pangalan kanina... Ano nga kasi 'yon? Ayon... Casi."
Nanatili akong nakatayo roon. Sinong ikakasal na Señorito? Hindi kaya si Dymaun? Teka... hindi ko pa siya sinasagot. Baka sa iba? s**t. I stay rooted in place, nag-iisip ng mga maaaring mangyari nang may yumapos sa bewang ko.
"Miss... Are you okay?" He sounds exhausted pero nagawa pa niyang tanungin kung ayos lang ako. Ahhh! This man is killing my cells!
"Yeah. Are you?" He nodded but I think he's not so I tiptoed and kissed his cheek.
"Let's eat?" I smiled widely at him at tinungo na ang kusina.
Hawak niya ang kamay ko nang madatnan namin ang mga mas batang kasama nila sa bahay na pinupunasan ang countertop.
"Magandang gabi po," bati nila na sinuklian naman namin.
Tumulong kami sa paghahanda ng mesa at niyaya na silang kumain kasabay namin ngunit ang sabi ay may gagawin pa sila kaya naman sina Imang Nena at Aching Belen lang ang kasama namin sa hapag.
Mamimiss ko talaga ang caldereta at sisig nila dito. Hayyy.
Nang matapos ay hindi na ako nagtagal. Isinakay namin ang mga gamit ko sa sasakyan ni Dymaun at ani niya ay mananatili ang mga iyon doon hanggang sa maihatid niya kami bukas ni Joanne.
He held my hand while he was driving. My smile reached my ears. I didn't imagine that I'll be doing these things with him. It's too fast. Kailan lang ay dini-daydream ko lang 'to. Ngayon, totoo na!
When we reached Joanne's house, he handed me a velvet box. OMG. Is he proposing? That fast?
"Open it," he said and I did.
"Oh." It is not what I expected it to be but damn... what's inside the box is so f*ckin' beautiful.
It is a silver bracelet with blue and pink diamonds in the middle. Manipis lang ito pero mahaba kaya kapag isusuot ay lulugay ang natitirang silver sa aking kamay.
Isinuot niya ito sa aking kanang kamay nang may pag-iingat. Katabi na nito ngayonang pulseras na bigay ni Imang Nena sa akin.
"What is this for?" I asked.
"Wear this every time so when I'm not around and you miss me, you'll just have to look at your right hand to see the right man for you... Me. Dymaun. Okay?"
I pouted. Shet naman oo.
"How about you?"
"What me?"
"What will you do if you miss me?"
"I don't need anything to remind me of you. You're already here." He tapped his left chest and smiled at me.
"I'll go running after you. I'll come to see you when I miss you. So, don't be surprised if one day I'll pop up in your events."
Hinaplos niya ang buhok ko at dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa akin. I anticipated a kiss on the lips but it didn't come. Instead, I felt a soft kiss on my forehead. And I think… that's more wonderful than the bracelet he gave me.
...
hayyy. Comment your thoughts, guys. T'C!