Chapter 8

2115 Words
Madilim pa sa labas ng mansiyon nang magising kami para maghanda sa paghaharvest ng mga mangga sa farm. Dinig na rin ang ingay ng ilang mga matatanda na nag-iistorya at natatanaw ko sa hardin ng mansiyon mula sa bintana ng aming silid. Nakataas ang mga paa ko sa sofa nang makarinig ng tatlong maririing katok sa pinto. "Gising na kayo?" Rinig kong sabi ni Eron mula sa labas. "Oo... saglit lang. Lalabas na rin kami." I slipped my feet on my flip-flops as we waited for Deza to finish her makeup. "Bakit naman kasi kailangan na maaga rin tayo? Pwede namang mamayang konti pa. Inaantok pa ako eh." Pagmamaktol ni Joanne. "At bakit naman? Ang aga nating natulog kagabi ah. O baka naman may itinatago kang kung ano sa akin..." Mas diniinan ko ang pagkakahalukipkip ng mga kamay ko at pinaningkitan ito ng tingin. "... OR, may kung SINO kang pinagkakapuyatan tuwing gabi." "Ikaw naman, sis. Syempre. Alangan namang sa umaga ko pagpuyatan diba? Deza tapos ka na diba? Tara na." Nagmamadali nitong binuksan ang pintuan at nagpatiuna ng lumabas. I sighed. I shouldn't meddle, right? Huwag lang sana siyang masaktan. Huli akong lumabas ng kwarto. Wearing a brown linen long sleeve folded in half, a white linen shorts, and flip-flops, I paraded through the luxurious wooden and marbled staircase of the mansion. Hindi na ako nag-abala pang kumain dahil masyado pang maaga para mag-agahan. Kumuha nalang ako ng isang mansanas, pampagising. Nang makalabas kami ay nakisalamuha na rin sa mga nakakatanda na mamimitas ng mangga. "Magandang umaga po," bati namin. They all smiled back and continued chatting. Iginala ko ang mga mata sa paligid. Nagbabakasakaling narito siya ngunit wala pa rin ata. I didn't see him since the night that I butt in into his conversation with Imang Nena. I wasn't mad nor shocked after knowing that he's the "senyorito" that the helpers are pertaining to. It's like I expected it already. No, I do expected it. It's evident in his appearance and attitude-a snob Spanish bread. Ha? "Senyorito? Ikaw ang senyorito... Dymaun?" Nilingon ni Imang ang banda ko. Walang bahid ng gulat o pagkakabalisa. A genuine smile appeared on her face. "Ikaw pala, hija. May kailangan ka ba?" I saw Dymaun looking at me through my peripheral vision. He is f*****g pouting which is making my knees wobble. "Cellphone ko po... Naiwan." I excused myself and tried to look for it on my sit and under the table but it wasn't there. "Baka sa ibang lugar mo naiwan, hija." Si Imang Nena. I creased and scratched my nose. "Siguro nga po." "Ima, diba you'll sleep na? Tara, hatid kita sa bed mo." "Naku, Senyorito. Hindi na. Dito ka nalang at mukhang..." She stopped and drew something, like a question mark, then pointed towards me. Imang Nena wiggled her brows and straddled out of the kitchen. "So... Senyorito, Dymaun. Sounds expensive. Ang mahaaal talaga... kita." I chuckled. He just rolled his f*cking eyes at me. What the hell? "Don't you know? You're so fu-adorable!" Before I could say it, his eyes bore into mine, piercing through my soul. "I know. No cussing, okay..." I even put my hands in the air, tila sumusuko sa talim ng kaniyang paninitig. "Won't you say anything?" He sighed. "Go to sleep, miss." "Pero maaga pa, Senyorito." May panunuya kong sambit rito. His eyes didn't leave my lips and I don't know where the hell did I get the guts to look at him this way. I feel like I'm under the influence of amortentia. "Shut up, miss. I won't see you for a while. Good night," and with that, he put my phone on the table and left me in the kitchen for the second time!   "Should we split in four groups? Sabay-sabay daw ang pagharvest." "Si Eron ang tanungin mo, Jo. Pero kung sabay-sabay nga, dapat talagang maghiwa-hiwalay. I'll go with Dyma- What the f**k is your problem!?" "Puro ka Dymaun! Isa pa, babatukan ulit kita. Ambisyosang to! Kaya wala lagi sa mood si Eron eh. Tsk." "What's with Eron? Pakboy yan so anong ine-emote niyan?" "Pinaasa mo ata e, hindi mo pinaisa." "What? Are you lost of your f*****g mind? I won't f*****g do that!" "Alin? Paasahin o paisahin?" "Putangina, Joanne!?" Hinila ko ang buhok nitong naka ponytail at humalakhak lang ang bruha. "So... I can clearly hear that you cuss a lot when you know I'm not around, miss." Oh, s**t. Dahan-dahan akong tumalikod kay Joanne. Sa kumpol ng mga nangingiting matatanda ay naroon si Dymaun. He stood proudly in the sea of the people wearing his Saddle brown Henley long sleeves, dirty white linen pants, and his brown sail breeze leather sandal. Mahal talaga ang Senyorito... Mahal ko. Yiehhh! "Not really. But wow, ang gwapo mo today!" Nilapitan ko ito at umamba para sa isang yakap pero bago pa man ako makalapit ay sumalubong na ang kaniyang palad sa aking noo. "Bat..." "Huwag kang lalapit... Baka sumabog tayo." "Ayiehhhh! Senyorito bagay kayo ni Ma'am Alec!" Naghiyawan ang mga taong naroon. Nangunguna siyempre ang supportive kong kaibigan. Tsk. Parang hindi ako binatukan kanina ha. Nagpatuloy ang pang-aasar sa amin ng mga naroon at obvious naman na nagugustuhan ko 'yon. Pabiro kong sinasaway ang mga nakakatanda, ikinukumpas ang kanang kamay at pabebeng dinuduyan ang sarili. "Picture naman diyan. Nakaterno pa talaga! Kayo na ba ni Ma'am, Senyorito?" "Naku, wala pong ganyanan. Baka ma-in love po ang Senyorito ninyo sa akin." Isang halakhak ang pinakawalan ni Joanne.  "Walang hiya, Alec. Kunwari ka pa. Pangarap mo yan! Oh, photo op! Photo op!" At talagang tinawag pa nito si Andrew para kuhanan kami at sa huli, kaming lahat na para na rin maisali sa documentation o appendices.   Sumisilip na ang araw mula sa Silangang bahagi ng mango farm nang magsidatingan ang mga truck na magkakarga ng mga mahaharvest patungo sa palengke at planta sa siyudad. "So, Deza, Francine, and Andrew will be on the East. Joanne and Francis on the West, Alec and I on the South." Si Eron. "What? Bakit kami ni Francis!? Wala kaming magagawa niyan!" "Wow ha. Para namang gusto kitang makasama. Sura mo lang, Joanne." May pairap pang nalalaman itong si Francis. Napa face palm nalang ako. "At bakit tatlo sila sa Silangan!? Tapos... Kayong dalawa ni Alec sa Timog!? Ano to, Eron!?" Pagpapatuloy ni Joanne sa kaniyang reklamo. "And excuse me, tigil mu na Joanne," singit ko. "Hindi eh. Nang-aano talaga 'tong si Eron. Porket ikaw ang leader-" "Shut up, Joanne!" "Okay. Chill. Me no talk. Me no balls." She even put her fist on her mouth, zipping it. "Ha-ha. Funny, Joanne. Anyway, sinong tatao sa Hilaga? Pwede namang ikaw at si Francine ang sa Timog tapos ako nalang ang sa Hilaga, naroon naman si Dymaun para tumulong at-" "Ayan tayo eh. Kunwari ka pa, si Dymaun lang naman talaga ang gusto mong makasama. Tampo na ako. Hmp!" Nakahalukipkip na putol ni Jo sa mga sasabihin ko. "Will you shut up!? Just... Shut up, okay!?" Ramdam ko ang iritasyon ni Eron at ang iba naman ay nakikinig lang. I can see Francine's eyes lingered towards Eron, I feel something about her stares that's why I'm suggesting this, of course, aside from my own intentions. Wink! "You know, I like Alec's idea." Si Francine. "Oh, girl. Right?" Gatong ko naman. It's mutualism- a win-win situation for us. "I object! Bakit kayo lang ang makikinabang!? I'd rather be with Andrew than Francis!" Angil ulit ni Joanne. "Ouch!" Sagot ni Francis hawak ang kaliwang dibdib na animo'y nasasaktan ang kaniyang damdamin. "Napakasakit mong magsalita, Joanne. Si Alec na ang labs ko, hindi na ikaw." "What the hell, kuya. You're really annoying. Ipapatapon kita sa hotel, makita mo," pagbabanta ni Francine kay Francis na bigla namang naging maamong tupa. "Basta ako, I'm fine with anyone," si Deza. "Ako rin. Pero diba, kukuha ng pictures and videos. Siguro kuha nalang kayo gamit ang phone. And we need to go. As in ngayon na," May pagtatapos na sabi ni Andrew but our leader, of course, won't settle for that. "No. Stick to the original plan. Let's go. Keep up." And started walking but... "No. We can't let na walang tumao sa Hilaga ng farm," I argued. "You'll go with me, Al," Eron fired back. "Hala. LQ ba 'to? Videohan mo, Andrew. Baka magviral." "Shush, kuya!" "Arggg! Wala tayong matatapos nito! Kami nalang ni Alec sa North, Francine and Deza sa East, Francis and Andrew sa West, tapos ikaw na Eron dito sa South para walang gulo. Okay na? Let's go." Joanne retaliated. She really doesn't wanna go with Francis, huh? "Oh my... mag-aaway-away pa ba tayo!?" Deza's fanning herself with her hands. "Ang sabi ko ay mag stick sa original plan. Now, move." "Pero, parang mas maayos ang plano ni Miss Salvatore..." Mula sa hagdanan na nakadugtong sa veranda ng 2nd floor ay bumaba si Dymaun at nang makalapit sa akin ay walang pasubali na hinablot ang kamay ko. Sa kabila ng pagkakadiin ng mga daliri niya sa aking palapulsuhan ay ramdam ko pa rin ang kaniyang pag-iingat sa paraan ng paghawak niya sa akin. "Let's go, miss." Marahan akong tumango at nagpatangay na kay Dymaun. "We'll head North. See you at lunch." "You go, girl!" Joanne stretched her left arm towards our direction and run her fingers like she's pressing something. I flipped my hair bago ko ginaya ang ginawa niya. The girls chuckled in unison and Francine even winked at me. I knew it! Paglabas pa lamang ng hardin ay maaamoy na ang mahalimuyak at matamis na pabango ng mga mangga.  "Get in, miss." Ang mga nakakatanda ay nauna ng umalis kanina sakay ng truck kaya naman may nakaakyat na sa puno at may nag-aayos na rin ng mga crates sa pagitan ng mga puno nang makarating kami. Unti-unting nabasa ang mga paa ko sa bawat paghakbang na ginagawa ko sa mga luntiang dahon ng mangga nang makababa sa pick up ni Dymaun. "Magandang umaga po ulit, Ma'am, Senyorito." Muling bati ng naroon. Tinanguan ni Dymaun ang mga ito at pinuntahan na ang mga kalalakihang pareho ng suot sa kaniya at itinatali ng lubid ang mga bewang. "Magandang umaga rin po. Ano pong maitutulong ko?" Nagtinginan ang mga naroon at nagtuturuan kung sino ang sasagot sa akin. Nginitian ko ang mga ito para makita nila na walang problema sa akin ang pagtulong at gusto ko talagang gawin iyon ngunit nagdadalawang-isip pa rin akong tinugon ng isang nakakatandang babae na sa hula ko'y nasa kaniyang late forties. "Huwag na po. Kami na lang po rito. Baka mapagalitan kami ng senyorito kapag pinagtrabaho ka namin," nag-iwas ng tingin ang mga ito sa akin. "Ha? Bakit naman po magagalit? Akala ko masungit lang iyon eh. Nagalit na po sa inyo?" Manghang tanong ko at mas lumapit pa sa kanila. "Hala, hindi po ganoon. Tahimik lang po ang senyorito at hindi mahilig makihalubilo tsaka diba po ikaw ang girlfriend ng senyorito? Baka po madumihan ka po, puti pa naman ang suot mo," ngayon ay mas bata ang sumagot noon. "Ano ba, Rosa. Nakakahiya kay Ma'am." Saway ng kasing-edad nitong babae. Shocked at what she's said, I squatted in front of her and picked up some newspapers. "Hindi po ako nobya ng senyorito." I chuckled. "Hindi ka girlfriend!?" Nanlalaki ang mga mata ng mga ito na ikinatawa ko. Pinagmasdan ko ang ginawa nila sa mga diyaryo at ginaya ko ito-isinapin sa mga crates. "Hindi po talaga pero pangarap ko iyon. Kaklase po ako ni Joanne. Ang sabi ay pinsan niya ang may-ari nito pero hindi naman pala." Opssss. Too much information! "Sa mga Santos po ba? Kung ganoon ay pinsan siya ng Senyorito Kael. Nag-aaral ng pagdodoktor kaya wala rito." Tumango na lamang ako. Nginitian na ako ng mga ito at nagpatuloy na sa ginagawa nila-namin. Nasulyapan ko naman si Dymaun na ngayon ay nasa malapit na puno at itinatali rin ang sariling bewang ng lubid. Sandali...  "DYMAUN!" Tumayo ako at nanghahamon siyang tinignan. He's smirking, nilalabanan ang tingin ko. "Anong ginagawa mo?" Naeeskandalo na ata ang mga nanonood sa amin. Animo'y magnobyong nag-aaway sa isang pelikula. "Aakyat ka!? DYMAUN!" Nagkibit balikat lang ito at hinila ang lubid. Tinitignan kung kaya ba siyang dalhin nito bago sinimulang umakyat. "Hayaan mo na, Ma'am. Lagi pong sumasali ang senyorito sa paghaharvest. Kahit po sa mga plaisdan ay lumulusong iyan." "Masasanay ka rin, Ma'am. Andiyan ka naman po para alagaan siya. Boto kami sa'yo, Ma'am!" Dagdag ng isa na ginatungan naman ng iba. "Bagay. Mrs. Alec Arceo." Naghiyawan pa ang mga ito at nakitawa na lamang ako. It actually sounds great. Alecxiandra Denisse Salvatore-Arceo, malay natin... magkatotoo.   ... (◍•ᴗ•◍)♡    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD