Chapter 2: New friend
I SMILE so wide when I see the university I’m going to. My brothers, dito rin sila nag-college. Malaki ito at malawak din ang campus. All the equipments in our school are also new. It’s all rich people who study here. Their parents are businessmen. Then there are actors and actresses ang nag-aaral din. No outsider can come inside, just the guardian of the student and kami rin.
Napanguso ako ng marinig ko ang pag-beep ng kotse ni Kuya Blaike. Siya ang naghatid sa akin tapos ang susundo raw if madi-dismiss ang class namin ay si Kuya Blaize naman.
“Mag-r-request na ako kay Dad na magkaroon ng sariling car, Kuya,” sambit ko na inilingan niya. Ayoko na palagi ko silang naaabala.
I can drive naman dahil sila pa ang nagturo sa akin. May license na nga ako, eh. Ayaw lang nila ako hayaan na mag-drive ng mag-isa lang ako.
“Blaise, you’re just 18 years old,” he remind me that and I nodded. Hindi ko naman makakalimutan ang age ko, ah. Si Kuya talaga, eh.
“I can handle myself na po, Kuya. No worries,” I said but he shook his head.
“You’re still young for me,” sabi niya at bumaba pa siya mula sa kotse niya just to kiss my forehead. “Enjoy your first day of school, baby girl,” he said. Yumakap pa ako sa kanya at saka niya ako pinauna na pumasok sa loob. I waved my hand and smiled at him.
Ni hindi man lang ako kinabahan kasi nangingibabaw talaga ang excitement ko. Minsan na kaming na-tour ni Mommy sa campus kaya alam ko na ang pasikot-sikot dito.
Diretso agad ako sa department namin. Nginitian ko ang mga estudyante na nadadaanan at nakasasabay ko. Natatawa na lamang ako ng may mga lalaking estudyante rin ang sumisipol kung kaya’t sa huli ay napaiiling lang ako.
Sa room HRM-A1 ang first class namin. Napatingin pa sa akin ang iba, pero iyong others din ay hindi ako pinansin.
“Hi, good morning!” masayang bati ko para lamang magising ko ang isang babaeng nakasubsob ang mukha niya sa desk. Magulo ang buhok niya dahil natutulog nga siya. Inaantok pa siya?
“Morning,” marahan na bati niya. Napangiti ako lalo dahil may pumansin pa rin sa akin kaya roon ako umupo sa tabi niya.
Pinasadahan ko rin nang tingin ang uniform niya. Hindi naman ito masyadong sexy sa kanya. Dahil siguro ay conservative rin siya.
“I’m Blaise A. Montagua,” pagpapakilala ko sa sarili ko at naglahad pa ako ng palad.
Tinanggap naman niya ang kamay ko. “Jaelly Elsen S. Rousville,” she uttered her name too. Jaelly Elsen, nice name. Bagay sa kanya dahil pretty rin siya, eh.
Wala siyang kahit na ano’ng in-apply na make-up at natural din ang mapupulang labi niya. Maikli lang ang buhok niya, hanggang leeg niya lamang iyon.
“Nice meeting you, Jaelly,” sabi ko.
“Same to you,” she uttered at napahikab pa siya. Napangiti ako.
“Early in the morning ay inaantok pa talaga ako. Maaga akong ginising ng pusa namin sa bahay para lang sa araw na ito,” mahinang reklamo niya.
“Me, late na akong nagising— I mean if hindi ako ginising ng Mommy ko ay baka late rin ako sa first day of school natin,” I said and she shook her head.
“Hmm, no. Wala naman tayong gagawin here. Orientation lang, hindi naman siya importante, eh,” aniya.
“Really? I didn’t know that,” namamanghang sabi ko pa.
“Do you want to come with me?” she asked me suddenly. Saan naman siya pupunta at inaaya ako bigla?
“Uhm, why?” tugon ko.
“What why? Wala naman talaga tayong gagawin dito sa school. Right, classmates?” untag na tanong pa niya sa mga classmate namin. Sumang-ayon ang iba sa kanya. Mariin ko lang naitikom ang aking bibig. But ayokong lumabas.
“But this, first day of school natin. Even tho na orientation lang or just a simple intro about our classes. We need to be present, right?” I said and she caressed her eyebrows.
“You don’t do skip during your classes?” she asked me at pinanlakihan pa niya ako ng eyes niya.
“I’m focus sa studies ko, eh. Wala sa vocabulary ko ang mag-skip ng class,” I answered honestly. She nodded at muli siyang umupo.
“But believe me, boring ang first day of school,” ani pa niya at pinanliitan ko siya ng mga mata.
“Who told you that?”
“Iyong daddy ng pusa namin sa bahay,” sagot niya na hindi ko medyo naintindihan.
What was it again? Iyong daddy ng pusa nila? Nag-t-talk ba ang mga pusa? At nasabing boring ang unang pasok namin sa university? Is that even possible that the animals can really talk? Seriously? Or nag-j-joke lang talaga siya? Kasi impossible naman iyon, ’di ba?
“Uhm...” Napakamot ako sa kilay ko at wala na akong nasabi pa. I’m so confuse.
“Do you want to be friends with me, Blaise?” I nodded immediately. Gusto ko iyon. Para may kasama naman na ako rito at hindi ako mabo-bore.
Noong senior high school pa lamang ako ay hindi ako masyadong nagkaroon ng friends dahil sa status ng family ko and even me kaya. Bering popular in my previous school ay hindi talaga magandang idea.
Gusto kong magkaroon ng isang kaibigan na uhm... Okay, katulad niya? Katulad lang ni Jaelly?
“Just don’t think of skipping class, okay? I don’t like that,” paalala ko agad sa kanya. If ganito siya ay magiging close kami at hindi kaming magkakaroon ng problem in the near future.
“Hmm, kapag narinig ka ng daddy ng pusa namin ay baka magustuhan ka pa niya. But...hindi na siya available pa, eh. Ayaw no’n sa pasaway na bata,” she said.
“What do you mean by that?” I asked her. Bakit ba ang dami niyang sinasabi na hindi ko naman na-g-gets? May alien language ba siya?
“Nothing. Just for you ay hindi ako mag-s-skip sa first day of class natin,” nakangiting sabi niya. Hay, that’s good. Salamat naman.
“Thank you.”
We have a little chit-chat before dumating ang magiging adviser namin at tama nga si Jaelly na kung ano-ano lang ang sinabi nito and after that pinapunta kami sa gymnasium para sa meeting na rin.
Nakinig lang ako buong oras especially the president of the university ang nagsasalita pero ng mapansin ko ang kasama ko ay natutulog na nga siya. Napapailing na lamang ako. Kaya niyang matulog kahit nakaupo lang at walang headrest.
Ano ba ang ginawa niya kagabi at inaantok pa siya ngayon? Hindi ba siya natulog? Napuyat siya? Pero wala naman sa mukha niya ang napuyat siya, eh. Mukha lang siyang inaantok.
Natapos lang ang meeting ay hindi pa siya nagigising. Kahit may malakas na palakpakan pa ay talagang tulog lang siya. Hanggang sa mahinang niyugyog ko na ang balikat niya. Matagal bago niya iyon namalayan.
“Wake up ka na, Jaelly sleepy head. Lalabas na tayo sa gymn,” pag-aaya ko sa kanya at nauna pa akong tumayo. Sinukbit ko sa balikat ko ang slingbag ko.
Naglahad ako ng kamay sa kanya upang alalayan siyang makatayo. Ngumiti lang siya sa akin at tinanggap niya ito. Hindi na nga lang niya binitawan pa ang kamay ko.
“Grabe, feeling ko ay one year ang meeting sa super tagal bago nila tayo pinalabas sa gymnasium,” she said at nagulat pa ako sa sinabi niya.
“You’re tulog kaya sa buong oras ng meeting kanina. Ang himbing nga, eh,” nailing na sabi ko.
“Ganoon lang talaga ako,” kibit-balikat na sagot niya saka kami humalo sa mga estudyante na palabas na sa gymn. Hindi naman sila nagtutulakan kahit excited pa silang lumabas. Maingay lang sila.
“What did you do ba kasi last night para matulog ka ng super himbing kanina? You’re natutulog din awhile ago before pa lang ako pumasok sa classroom natin,” ani ko at kumunot ang noo niya. It seems may sinabi ako na hindi niya naintindihan.
Later on, she burts out laughing. May nakatatawa ba sa aking sinabi? “Blaise, alam mo ba na ayoko sa girls iyong ganyan na mag-talk?” natatawang tanong niya sa akin.
“Ha?” confuse kong tanong. Sa panahong paraan ako kung magsalita?
“I hate it kapag ang conyo nilang magsalita pero sa ’yo? Exempted ka yata for me dahil ang cute mo palang mag-talk ng conyo,” she said at nakikita ko nga na naaaliw siya. Sinimangutan ko tuloy siya.
“Conyo? You mean is magsalita na may halo-halong Tagalog and English? That’s it?” I asked her and she nodded. “Oh, okay. I get t,” tumatangong saad ko.
“I wanna go home. Wala na tayong meeting pa after kanina, right?” tanong niya sa akin. Napakamot ako sa kilay ko. Tama siya. Bakit kaya alam niya, eh sa tulog nga siya kanina pa?
“Yeah. Ang sabi kanina ng president ay puwede na raw tayong gumala—pero here lang naman sa university natin,” ani ko at bigla na lang niyang hinawakan ang braso ko saka niya ako hinila sa kung saan. “Jaelly? Where did you taking me ba? Bakit ang bilis mo namang maglalapag? Naka-heels ako,” puna ko. Eh, siya rubber shoes na puti. Ha? Puwede ba siyang magsuot ng ganitong sapin sa paa?
“We’re friends na, right? Come on, doon tayo sa house namin. Gutom ako, eh. Ayokong kumain dito dahil choosy ako sa food,” she uttered.
“But, Jaelly. Ayaw kong lumabas ng school,” I said.
“Don’t worry, babalik naman tayo after natin kumain ng lunch,” aniya. Mapilit siya kaya pinagbigyan ko na lamang and besides first time ko ito.
Iyong yayayain ako ng friend ko na pumunta sa house nila at ayoko naman siyang ma-disappoint. Siya pa naman ang nakilala ko na mukhang hindi ako tatanungin about my family history. Kilala pa naman ang family ko as one of the richest people sa bansa. Baka isa rin iyon sa mga reason kung bakit nila ako kinakaibigan. Gusto ko iyong genuine.
“Malayo ba ang house ninyo? Sa amin kasi ay may half-hour pa ang biyahe mula rito,” ani ko. But mabilis mag-drive ang kuya ko kaya mabilis lang kaming nakarating.
Narating na namin ang malaking gate at siguro naman ay palalabasin nila kami, right? Pero hindi iyon ang nangyari kasi hinarangan kami ng security guard.
“JE Rousville’s sister,” sambit niya lang at may ipinakita pa siya rito kung kaya’t nakalabas kami ng hindi na sila humaharang pa sa amin.
“Ano ba ang ipinakita mo, Jaelly? Bakit pala ang strict ng Rousville University? Ba’t ayaw nila tayong palabasin? Eh, college student na kaya tayo. We’re adult na rin,” ani ko. Curious na curious ako. Ngayon ko lang yata ito nalaman, eh. Akala ko ay madami lang kung lalabas ka.
“Kasi po freshmen pa lamang tayo. Nasa rules nila ang higpitan ang mga first year college,” aniya.
“May booklet pala ang RU, hindi ko pa nababasa. Maybe tonight ay pag-aaralan ko ang rules and regulations and kanino ba ang pangalan na binigkas mo kanina? JE Rousville? Ay...oo nga pala, it’s your kapatid?” sunod-sunod kong tanong na tinawanan na naman niya.
“Shut up ka na lang, Blaise,” saad niya at napanguso lamang ako. Siya lang ang may kaya akong patahimikin ng ganoon.
Dumiretso kami sa parking space. Akala ko ay may personal driver siya pero bigla na lang may tumunog na car sa kung saan. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ko ang mamahalin na kotse niya. Limited edition ito at sa Washington pa ito nabibili! I know this, eh!
“Wow!” bulalas ko at parang may nag-heart-heart lang sa eyes ko.