Chapter 21: Irish’s agony
HALOS hindi nagturo ang mga prof namin. Nagbigay lang sila ng mga notes para sa midterm exam namin next week pero sa araw ring iyon ay dapat matapos namin ang activities and projects namin. Same day rin na ipapasa ang lahat ng iyon.
Nasa labas kami ni Jaelly and katatapos lang namin na kumain ng lunch namin. Nakaupo kami sa bleacher at pareho pa kaming busy ng friend ko sa cellphone namin.
Wala akong na-receive na kahit ano’ng reply from my boyfriend. Ito ang unang beses na hindi siya sumasagot sa mga text messages ko. Super busy niya siguro sa work, ’no? Napanguso ako.
“Blaise!”
“Hey, Gette! Nakagugulat ka naman!” ani ko at natawa lang siya. Kasama niya si Calliper na umupo sa bleachers hindi kalayuan sa puwesto namin.
“Sorry, kanina pa namin kasi kayo hinahanap at dito lang pala kayo matatagpuan,” aniya.
“Why mo kami hinahanap, Gette? May probs ka ba? Kayo ni Calliper?” I asked him and sinilip ko pa ang best friend niya.
“Wala naman. Pahingi naman ng number mo. Doon na lang tayo magkikita. Alam ninyo naman siguro Heaven Café, ’no?” Tinanguan ko siya kasi nadadaanan namin iyon sa tuwing pumapasok kami sa tuwing pumapasok kami sa school.
“Sure.” I handed him my phone and he smiled naman. Nilingon ko pa ulit si Calliper na tahimik na naman siyang nanonood sa amin. Kumaway pa ako sa kanya at ngiti lang ang tanging naisagot niya sa akin.
Sana naman ay maging comfortable na siya kasi kailangan ay makipag-cooperate siya for our project. Hindi puwedeng ganyan siya always. Well, nagsasalita naman siya if may nagtatanong naman sa kanya.
“Siguro naman ay enough na ang two hours para matapos ang project natin, right?” pagsingit naman ni Jaelly sa usapan namin ni Gette. Binalingan siya nito.
“Yes, that is sufficient, Jaelly,” nakangiting sagot ni Gette at hayan na naman ang pagngiti niya kaya inirapan siya nito. “Here’s your phone, Blaise. I-save mo na lang ang number ko riyan,” sambit niya at tumunog naman ang phone ko. Unknown number iyon, malamang kay Gette na. Ni-save ko na lang sa phonebook ang cellphone number niya.
“Okay. Umalis na kayong dalawa rito. Psh,” pagtataboy pa ni Jaelly sa kanila.
“Okay, see you tomorrow, girls!” Inakbayan pa niya si Calliper bago sila tuluyang umalis.
***
Pauwi na sana kami ni Jaelly nang makita namin kung sino ang naghihintay sa labas ng gate. Nakaupo sa may hood nito habang naka-cross arms. Nasa amin na agad ang atensyon niya.
“Hi, Kuya!” masayang bati ko sa nakatatandang kapatid ko at patakbong nilapitan ko pa siya. Ilang days din kami na hindi nagkita, ’no.
Sinalubong naman niya ako ng super tight na hugs. Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa temple ko at hinagod pa niya ang likod.
“How are you, baby girl?” malambing na bati niya sa akin. Humiwalay muna ako sa kanya bago ko siya tinitigan sa guwapo niyang mukha.
“I’m good po, Kuya. First time kitang nakita rito, ah? Susunduin mo ba ang girlfriend mo?” nakangising tanong ko sa kanya at mahina niyang pinisil ang pisngi ko bago niya ito hinalikan.
“Nahihiya pa raw siya sa ’yo. Pero nagtampo noong umalis ako bigla para sa business trip ko. I’ll take her our for a date,” sabi niya at ako naman ang kinikilig para sa kanila.
Nilapitan ko pa ang friend ko at umungol pa siya sa inis saka ko siya itinulak kay kuya. Na mabilis naman siyang sinalo nito.
“Sige na po, Kuya. I-date mo na ang girlfriend mo!” natatawang saad ko.
“Ihahatid ka muna namin, Blaise.” Inilingan ko ang aking kapatid.
“May dala po akong car, Kuya. Sige na, umalis na kayo,” pagtataboy ko pa sa kanila. My brother approached me at humalik na naman siya sa noo ko saka niya ako iginiya sa kotse ko. Binuksan niya ito.
“Dahan-dahan lang sa pagmamaneho, okay?” paalala niya.
“Sige po, Kuya.” Ako na muna ang pinauna nilang umalis pero hindi naman sa mansion namin ang uwi ko at hindi rin sa house nina Jaelly.
Dahil nagtungo pa ako sa Pharmacy. Alam kong nakahihiya na bumili kaya naman ay nagdala ako ng extra dress ko. Umabot lang ito sa hita ko. Lahat naman ng dress ko ay sexy since college student na ako. Isinuot ko ang black cardigan ko dahil maxi dress na kulay light pink ang suot ko naman.
Birth control pill lang naman ang bibilhin ko. Mas better na ang may iniinom ako kaysa naman ang bigla-bigla ay may nangyayari sa amin ni Jaive tapos nakalilimutan niya rin ang condom niya. Ayokong magbuntis nang maaga lalo pa na secret pa ang relationship namin and college student pa lamang ako.
Nag-search pa kasi ako kanina sa Google kung ano ba ang ginagawa ng dalawang couple na iyong hindi mabubuntis. Puwede rin daw iyong injection pero ayoko no’n.
I parked sa parking space and stepped out from my car. Kinabahan pa ako dahil feeling ko ay may makakakita pa sa akin na kilala ko pero wala naman siguro.
Maraming customer ang nakapila pero mabilis naman ang service nila kaya hindi rin ako pinagpawisan na isa pa, may aircon naman sa loob.
When the saleslady asking me if ano ang bibilhin ko ay ngumiti lang siya sa akin. Halos magkulay kamatis na nga ang mukha ko sa sobrang kahihiyan.
Progestin-only pills, iyon ang ibinigay niya sa akin.
Itinago ko ito agad sa sling bag ko after kong nagbayad at lalapit na sana ako sa car ko nang makita ko si Jaive na naka-cross ang arms niya. Nasa may parking space rin siya. Sumenyas siya sa akin na lapitan siya at nahihiyang lumapit naman ako sa kanya.
“Jaive,” nakangiting sambit ko sa pangalan niya at maingat niyang hinila ang siko ko para yakapin ako.
“Akala ko ay hindi ikaw ang nakita ko kanina,” sabi niya at tatlong beses na hinalikan niya ang sentido ko pababa sa pisngi ko. I hugged him back.
“Ano’ng ginagawa mo rito, Jaive?” tanong ko sa kanya. Itinukod ko ang chin ko sa dibdib niya at napapikit pa ako nang halikan niya ang tungki ng ilong ko.
“I should be the one who asking you that. What are you doing here, baby? At ano ang binili mo roon?” he asked me in confused.
“Secret, sa akin na lang iyon. Bakit pala, hindi ka na nag-reply sa mga text message ko, ha?” tanong ko. Tumaas ang sulok ng mga labi niya.
“Did you miss me? Hinintay mo pa ang reply ko?” I nodded. Hindi kaya ako sanay na hindi siya sumasagot.
“Yup,” sabi ko at naalala ko naman kung nasaan pala kami kaya mahinang tinulak ko siya sa dibdib. “Uhm. Sige na, I need to go home na rin pala,” sabi ko at kumunot ang noo niya nang humiwalay ako sa kanya. Hinabol pa niya ang kamay ko.
“Blaise,” mariin na sambit niya sa pangalan ko.
“Babalik ka pa ba sa hotel?”
“Yeah. Come here, hindi pa sapat ang yakap mo sa akin,” parang batang saad niya.
“Jaive, nasa public place tayo. Sige na. Kita na lang tayo later, love,” ani ko at nag-wave pa ako sa kanya.
“Ba’t matatagalan ako sa hotel, Blaise.” Hindi ko na siya pinansin pa at sumakay na ako sa kotse ko.
Alam kong nainis siya sa biglaan kong pag-alis kaya padabog na sumakay na rin siya sa car niya. Natawa na lamang ako.
Well, since nakita ko na kanina si Jaive ay uuwi na lamang ako sa house nila. Masayang sinalubong pa ako ni Irish.
“Momma!” Agad ko siyang binuhat at niyakap. Hinalikan pa niya ang magkabilang pisngi ko at ang leeg naman niya ang pinagdiskitahan ko. Bakit ba kasi ang amoy ng baby na ito?
“Nandiyan ba ang Lolo’t Lola mo?” I asked her at naglakad ako patungo sa living room nila. Ewan ko kung may work pa ba ang parents ni Jaive o ano pero kasi ay nakikita ko na lamang sila na pa-chill-chill na lamang sa house nila.
“Oh, Blaise? Nakauwi ka na pala, hija,” ani Tita Jinnieny.
“Hi po, Tita. Si Jaelly po pala ay kasama niya ang boyfriend—” Napahinto naman ako nang ma-realize ko ang sinabi niya. Baka kasi ay wala pa silang alam. Lagot ako kay Jaelly nito.
“Oh, no... Alam na namin iyan, hija. Pero hindi pa namin nakikilala ang boyfriend ni Jaelly,” sabi naman ni Tito Eltham. Hindi naman pala secret iyon pero hindi pa nila kilala si Kuya Blaize. Alam ko naman na magugustuhan at matatanggap naman nila ang aking kuya dahil seryoso ito kay Jaelly.
“Ganoon po ba? Tita, Tito. Puwede ko pa bang isama itong apo ninyo sa bahay namin?” paghingi ko ng permission sa kanila at na-excite naman ang baby na nasa bisig ko.
“Nah, walang problema iyan sa amin, Blaise. Kahit matulog muna siya sa inyo,” Tita Jinnieny uttered. Malaki talaga ang tiwala nila sa akin.
“She seems excited na ilabas ni Blaise, honey,” Tito Eltham blurted out.
“She just loves being with her Momma Blaise.”
“Ipagpapaalam ko na lamang po siya sa Dada niya,” sabi ko at sabay pa silang tumango.
Umakyat na kami ni Irish sa room niya para ayusin ang mga gamit niya na dadalhin ko. Tuwang-tuwa talaga siya nang sabihin kong isasama ko siya sa mansion namin pero hindi naman doon ang punta namin.
“Momma?” tawag niya sa akin sa kalagitnaan nang pagbibihis ko sa kanya.
“Hmm?” tugon ko.
“I love you po,” malambing na sabi niya, that made me smile. I cupped her little face and kiss her lips.
“I love you more, Irish. No matter what happens nandito lang always sa tabi mo ang Momma Blaise mo,” sabi ko at nang yakapin ko siya ay narinig ko lang ang pagsinghot niya. Nang tingnan ko ang face niya ay umiiyak na nga siya. May pahikbi-hikbi na rin siya.
Hindi ko talaga maintindihan ang biological mother niya na kung bakit kailangan niyang iwan itong bata. Bakit hindi niya inalagaan ito at pinaramdam ang pagmamahal niya bilang ina? Ako ang nasasaktan para kay Irish.
Sisiguraduhin ko talaga na hindi siya masasaktan at mamahalin ko siya ng buong puso kahit hindi man siya nagmula sa akin.
“I love you, Momma... Please... Don’t leave me,” sabi niya at ramdam ko ang takot niya.
“Nah, I won’t leave you, sweetie. I promise you that,” sabi ko at pati ako ay naluluha nang makita ko ang pamumula ng mga mata, ilong at pisngi niya. “I love you too, Anderly Irish.” Akala ko ay titigil na siya sa pag-iyak niya pero sumisinghot lang siya. Pinaulanan ko na siya ng halik sa mukha niya para tumahan na rin siya. Sinabayan ko na nga ng pagkiliti sa kanya. Natatawang sinasalag niya ang kamay ko at nagawa na rin siya in the end.