Chapter 22: Pills
“WHERE are we going po ba, Momma?” Irish asked me. Kasalukuyan na kaming nasa biyahe at nag-d-drive na rin ako. Dinala ko na nga ang car ko para hindi na kami mahirapan pa na pumunta sa place na patutunguhan namin.
Mabagal ang driving ko kasi may baby akong kasama na kanina pa nagtatanong if saan kami pupunta.
“Kay Dada. Gusto mo ba na pumunta tayo roon?” tanong ko at napatingin siya sa backseat. Kung saan nandoon iyong travelling bag namin. Doon ko na rin inilagay ang mga damit niya.
“Uhm, overnight po tayo with Dada?” inosenteng tanong niya na tinanguan ko. “Ah, sa hotel po?” I nodded again. “Wow!” I chuckled.
To be honest ay kinakabahan ako na sabihin kay Irish ang relationship namin ng Daddy niya. Kasi kahit gusto man niya ako ay hindi rin naman ako sure kung gusto niya rin na palitan sa buhay niya ang Mommy niya.
Pero kahit naman siguro mag-aasawa ang daddy niya at magkakaroon siya ng second mother ay hindi naman ibig sabihin no’n ay kalilimutan na niya ang babaeng nagsilang sa kanya. Mananatiling ina pa rin niya ito kahit hindi man niya kapiling.
Is just that, there are many mothers who left their children. Instead they just care for them and love their kids. Hindi ba sila nanghihinayang sa bata?
Na habang lumalaki ito ay wala naman sila sa piling ng mga ito? Hindi ba sila nakokonsensya that a child grew up without a mother and didn’t even have a complete family?
Hindi ba kapag isa ka ng ina ay wala kang gagawin na hindi mo kaya sa anak mo. Dahil alam kong gagawin natin ang lahat alang-alang sa kanila.
Ang iba naman ay naiintindihan ko naman sila. Iyong maaga silang nagiging ina at takot sa responsibilidad nila. Takot sila na mag-alaga ng bata dahil hindi pa nga sila handa?
Marami rin naman na kahit hindi pa sila handa sa responsibilidad nila sa kanilang mga anak ay mas pinili pa rin nila ang alagaan ito. I admired them.
Hindi ko rin naman talaga ito ginagawa dahil lang sa awa. I love Irish, ako lang talaga ang nakokonsensya sa ginawa sa kanya ng mommy niya. I promise her na ako ang magbibigay sa kanya ng complete family.
“We’re here, sweetie,” sambit ko at napatingin pa siya sa labas ng bintana. She even clapped her hands. Kanina pa siya excited. I got off from my car and umikot sa side ni Irish. Sinuotan ko pa siya ng pink baby hat niya.
Tinanggal ko ang seatbelt sa kanya at inalalayan ko siyang bumaba. Iyong car ay may mag-p-park din no’n sa parking lot. Ibinigay ko ang key sa ballet.
Magkahawak kamay kaming naglalakad papasok. Malaki ang hotel ni Jaive at super ganda rin ng mga furniture sa loob. Kaya naman pala talaga na expensive rin ang bills nila pero super sulit din naman siya.
Alam ko naman ang floor ng penthouse ni Jaive kaya hindi na kami nagtungo pa sa information desk to asked them and ginamit din namin ang private elevator ng boyfriend ko.
Nanlaki pa ang mga mata ng isang babae nang makita niyang pasakay na kami sa elevator. May passcode din kasi ito.
“Wait lang, Miss!” Hindi naman ako makikilala ng mga tao dahil nakasuot na rin ako ang cocktail hat. Narinig ko ang pagbungisngis ni Irish at nang binalingan ko siya ay malapad ang ngiti niya. Tila proud pa siya sa ginawa namin.
“Mabilis tayo, ’no sweetie?” pagmamayabang ko pa at nag-thumbs up siya sa akin.
Nasa last floor—hindi iyon nasa rooftop, nandoon ang penthouse ni Jaive at dahil napaka-private person niya rin ay nandoon din ang officer niya. Exclusive para sa kanya lang ang floor na iyon. May 30th floor ang building niya. Ilang minuto pa ang hinintay namin ni Irish bago namin narating iyon.
“Wew,” sambit ni Irish. Lumabas na kami sa elevator. May isang lalaki pa kaming nakita at inayos ko ang suot kong eyeglasses.
Magtatanong pa lang sana ako if nasa office niya si Jaive nang bumukas naman ang door sa kabila at nakita ko ang paglabas doon ng lalaking hinahanap namin.
“Dada!” masayang bulalas ni Irish at patakbong lumapit sa daddy niya. Iyon na rin ang ginawa ko kahit may magtataka sa mukha ng lalaki—ang secretary ni Jaive.
Mabilis niyang binuhat ang anak niya at nanlaki naman ang mga mata ko nang hapitin niya ako sa baywang ko. Siniil niya ako ng halik sa lips ko.
“You surprise me, love,” sambit niya nang pakawalan niya ang mga labi ko. Kinakabahan na tiningnan ko si Irish. Parang wala itong nakita dahil ang inosente nang tingin niya. Magsasalita na sana ako nang naunahan na niya ako. “You can go home early, Segario,” sabi niya sa lalaki at saka niya ako hinila papasok habang nasa bisig na nga niya ang anak niya.
Dinala niya kami sa living room niya. Ang laki nito na parang isa na ring bahay. Hindi nga lang daw siya madalas na natutulog dito dahil sa baby niya.
“What do you want to drink, my girls?” Hindi lang ang anak niya ang tinatanong niya dahil pati ako.
“Bakit yata may alam na si Irish about us, Jaive?” kunot-noong tanong ko sa kanya. Ngumisi pa siya bago niya binalingan si Rish.
“Hon, ano ko ang Momma mo?” malambing na tanong niya rito. Hinalikan pa niya sa balikat si Irish bago siya nito sinagot.
“Uhm... Your girlfriend po, Dada.” Naningkit ang mga mata ko sa sinagot nito. Matagal na yatang may alam itong si Irish. Wala lang siyang sinasabi sa akin.
Umupo ako sa sofa at pinaupo naman nito sa lap ko ang bata. Kinandong ko naman siya at tinitigan ko ang maamo niyang mukha.
“Alam mo na iyon, Irish?” I asked her and she nodded before she rested her head sa chest ko. I just kiss her head.
“Ano pala ang ginagawa ninyo rito ni Rish, Blaise?” my boyfriend asked me.
“To visit you.”
“Pero ano pala ang ginagawa mo sa drugstore kanina?” tanong niya at lumapit siya sa pantry. Curious pa rin pala siya.
“May binili lang ako,” sabi ko. Honestly speaking ay nahihiya akong magsabi sa kanya kung ano ba talaga ang binili ko. Para na rin naman ito sa amin, eh.
Sa pagbalik niya ay may dala na siyang tray na naglalaman ng cookies and drinks. May milk pa sa maliit na cup. I rested my chin on Irish’s head at napangiti ang poging boyfriend ko nang makita niya iyon.
“Ang cute ninyo pareho, love,” he uttered and I just shrugged my shoulder.
“Uhm, Jaive. Dito na lang tayo matulog kahit one night lang?” request ko. Iyon kasi ang balak ko. Ayokong magtampo siya dahil wala na raw akong time for him.
“Okay,” tipid na sabi niya lang. “Come on, hon. May milk dito, oh.” Umayos lang mula sa pagkakaupo niya ang baby girl at nagpaalalay pa sa akin para makainom na rin siya. Inabutan pa siya ng dada niya ng cookies. “Hanggang bukas ba tayo rito?” tanong naman niya.
“Nope. May lakad kami tomorrow ni Jaelly para sa project namin. Mga two hours lang, why?” balik na tanong ko after ko siyang sagutin.
“Ilang araw ka na lang sa bahay namin, Blaise?”
“Saturday bukas. Monday na ang uwi ng parents ko pero nakabalik na rin si Kuya Blaize. Kaya baka bukas ay nasa mansion na ako,” paliwanag ko naman at pinaglalaruan pa niya ang labi niya.
“What if sa Monday ka na lang umuwi at dito na lang tayo ni Rish hanggang Monday, since uuwi ka naman na roo?” suggestion pa niya.
“Ah, gusto mo makipag-live in sa akin kahit two nights lang?” He nodded at napaisip naman ako.
“Okay,” sabi ko na lamang at sinubuan pa niya ako ng cookies.
Siya ang nagluto ng dinner namin. Mag-boyfriend at girlfriend lang kami ni Jaive pero super na ang pag-aalaga niya sa amin ni Irish. Napakabait talaga niya. Ang suwerte ko naman sa boyfriend ko, ah.
***
“No, baby. Ako na riyan,” pigil niya sa akin nang maghuhugas na rin sana ako ng platong pinagkainan namin.
“Ako na rito, marunong naman ako, ha, and besides ikaw na ang nagluto kanina ng dinner natin,” sambit ko pero ayaw niya talagang gawin ko ito. “Hindi ko sasabihin sa ’yo kung ano ang binili ko kanina. Sige ka,” pananakot ko at bumuntong-hininga lang siya.
“Ang kulit mo, Blaise,” sabi niya at napangiti na lamang ako.
Natapos din ako sa paghuhugas ng plato. Matagal nga lang dahil nakita ko siyang nakasandal sa island counter habang naka-cross ang arms niya.
“I’m done na!” sigaw ko na parang achievements na iyon for me. He walked towards me at pumulupot agad ang mga braso niya sa baywang ko. Ganoon din ang ginawa ko sa leeg niya. Tumalon pa ako para makasampa sa baywang niya. He chuckled at naglakad siya habang hindi niya pinuputol ang titigan namin.
Ibinaba niya ako sa island counter at pumuwesto siya sa gitna ng mga hita ko. Naninimbang na tinitigan niya ako at ngiti lang ang ginawa ko.
“Ano na?” Pinaglalaruan ko naman ang collar ng damit niya.
“Well, bumili ako kanina ng pills. For control birth, Jaive. Nakalilimutan mo kasi palagi ang condom ko kapag super horny mo na naman. So...ako na ang gagamit ng protection para sa atin,” paliwanag ko na tinanguan niya.
“You’re such a good girl,” sabi niya sabay halik sa sentido ko. Ipinahinga ko naman ang ulo ko sa balikat niya.
“Jaive... Kapag handa na tayo... Sabihin na natin sa kanila ang tungkol sa atin, hmm?”
“Okay. Kung ano ang gusto mo,” sabi niya.
“Sana walang magiging problema, ’no Jaive?” Hindi na nakaimik pa si Jaive nang sabihin ko iyon sa kanya.