Chapter 15: Simple birthday wish
NANLAKI pa ang mga mata ko nang makita ko na ang daming CD sa center table at puro pórn lahat! Tinulak ko siya sa dibdib niya at tiningnan ko ang box na pinaglalagyan nito. Puro hubad na babae ang nasa cover. God! Naturingan na isang billionaire pero ganito pala ang hobby niya? Ang manood ng mga ganito?!
Nanlilisik ang mga matang tiningnan ko siya at inosente pa ang tingin na ibinigay niya sa akin. Na tila ba wala siyang kinalaman dito. Na parang hindi ko siya naabutan.
“Ikaw ba ang bumibili ng mga ito, Jaive Eltain?!” sigaw ko sa kanya. Napanguso pa siya at kinagat ang pang-ibabang labi niya. “Huwag mo akong tingnan ng ganyan!”
“I am not, pinapadala iyan sa akin ng mga kaibigan ko, Blaise. From abroad pa iyan,” he replied. Wala akong cares if from abroad pa ito! Ayokong nanonood siya ng mga ganito! Kaya naman pala super expert niya!
“Then pinapanood mo naman, ha?!” sigaw ko pa at nagkibit-balikat lang siya.
“Alangang i-display ko lang diyan, Blaise? O kaya naman itapon na lang? Sayang naman kung hindi ko panonoorin, hindi ba?” he reasoned out. Nasasayangan pa siya?
“Itapon mo ang lahat ng ito, Jaive!” I told him at naninimbang na tinitigan pa niya ako saka siya tumango.
“Fine, fine. Itatapon ko na. Just don’t raise your voice. Kinakabahan ako sa ’yo, eh. Calm down, Blaise,” sabi niya at inagaw niya sa akin ang box. May tinawagan siya sa telephone niya at saka siya lumabas.
Napahilot na lamang ako sa sentido ko. Hinintay ko ang makabalik siya pero masyado na ring matagal kung kaya’t sumunod na rin ako. Naabutan ko siya sa may pintuan at may kausap sa phone niya. Wala na rin doon ang box ng CD. I don’t know kung saan na niya dinala ’yon.
“It’s Rish’s birthday, expected that you’re not coming but don’t forget her gift para hindi siya magtampo sa ’yo,” narinig kong sabi niya. Napaisip ako kung sino ang kausap niya at pinag-uusapan nila ang tungkol sa birthday ni Irish.
Ang Mommy kaya ng baby niya ang kausap niya? Kung ganoon ay may communication pa silang dalawa? But why? Akala ko ba ay wala na at wala na rin siyang alam pa kung nasaan na ang whereabouts nito?
Kahit ang alam ko ay wala naman na silang relationship pa ay nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. He’s courting me because he likes me? But what about his daughter? Gusto ba nito ng bagong Mommy? Even tho, yes gusto nga ako ni Irish at tinatawag niya akong Momma.
Or maybe mayroon pa nga silang communication but para na lang kay Irish? Ang sabi niya rin ay ibibigay niya sa akin ang karapatan ko sa anak niya. So kung sasagutin ko na ba siya agad ay hindi naman niya siguro iisipin pa na makipagbalikan sa ina ng anak niya, right?
Na isa pa, I don’t have any idea kung naging sila rin ba? Kasi ang sabi niya lang sa akin ay iniwan sa kanya si Irish.
I took a deep breath at bumalik ako sa bedroom para magpalit ng damit ko. I’m jealous kahit na wala na rito ang Mommy ni Irish. Hinanap ko ang sinuot ko kagabi para hindi magduda sina Mommy at Daddy. Nakita ko naman ito na maayos ng naka-fold sa may center table. Hinubad ko lang ang pajama at sinuot ang jogger pants ko. Pati na ang hoodie ko.
Nandoon na rin ang backpack ko kaya sinukbit ko na iyon sa balikat ko. ’Saktong paglabas ko ay sumalubong na sa akin si Jaive.
“Aalis ka na agad?” tanong niya na tinanguan ko lang saka ko siya nilagpasan. “Blaise, are you okay?” he asked me. Isinuot ko agad ang sneakers ko. “Blaise?”
“I’ll go ahead na. May car naman na ako, kaya dadaanan ko na lamang sa house ninyo si Jaelly at Irish papunta sa mall,” sabi ko at nagsalubong lang ang kilay niya.
“Blaise, may problema ba tayo?” nagtatakang tanong niya sa akin.
“Nothing. I just want to go home,” malamig na sambit ko lang at lalabas na sana ako nang hawakan niya ako sa pulso.
“Ihahatid na kita, Blaise.”
“No need. This relationship... This is just a secret at walang dapat na makakaalam nito. Kung ihahatid mo ako ay baka makita ka ng mga kuya ko” saad ko pa at napabuntong-hininga pa siya.
Pinasadahan ng mahahabang daliri niya ang buhok niya and he seems frustrated pa. “Blaise, may narinig ka kanina, ’di ba?”
“I don’t care about that anymore, Jaive,” I told him and he parted his lips in shock.
“Good God, Blaise. Ano ba ang narinig mo at bigla ka na lang naging cold sa akin? Okay pa naman tayo kanina, ’di ba?” tanong niya na bakas na sa mukha niya ang pagkainis.
“You know what? Uuwi na lang ako,” sabi ko saka ko siya iniwan doon.
“Blaise!”
Ngunit bago pa man ako makaalis ay hinatak na niya ako sa braso ko at nagpumiglas ako. Mahigpit lang ang hawak niya.
“Let me go, Jaive!” sigaw ko sa kanya pero hindi siya nagpatinag. May kung ano siyang pinindot sa screen ng phone niya at ipinakita pa niya sa akin ang receiving calls niya kanina lang.
“One of my best friends called me about Rish’s birthday. Kung iniisip mo na baka kausap ko ang Mommy niya ay sinasabi ko na sa ’yo na hindi. Wala akong contact sa kanya, Blaise,” malamig na sabi niya at napatitig ako sa pangalan nito.
Lalaki nga ang may-ari at wala pang limang minuto ang tawag no’n. Nagselos lang ba ako sa wala?
“I’m sorry,” hinging paumanhin ko at napayuko pa ako but iniangat niya ang chin ko. Para magtama ang eyes namin. Nakahihiya naman ang ginawa ko.
“I will only forgive you if you give me my breakfast,” seryosong sabi niya.
“Am I going to cook?” I asked him but he shook his head.
“No. Just get on my bed and touch the headboard while I eat you from behind. You are the one I will eat for breakfast.” Nag-init ang magkabilang pisngi ko sa sinabi niya. Eat na naman?! Ano’ng klaseng eat na naman ba iyon?!
“Ayaw ko na, Jaive. Huwag mo na akong pagurin pa! May lakad kami ng anak mo later! Have mercy on me!” ani ko. Umiling ulit siya saka niya ako hinila papasok sa bedroom. “Jaive, please... Spare me naman!” Dinala na niya nga ako sa kama at agad na pinaluhod. Ibababa na sana niya ang jogger pants ko nang tumunog ang pamilyar na ringtone. Ang cellphone ko na iyon at nasa backpack ko na ipinatong niya lang din sa bed. “Ang phone ko,” ani ko at kinuha niya ang backpack ko saka niya hinanap ang cellphone.
Ibinigay niya ito sa akin at nasagot na niya agad. Nanlaki pa ang mga mata niya nang pinahiga niya ako at tuluyan na niyang naibaba ang pants ko kasama na ang panty ko.
Napahawak ako sa ulo niya na nasa gitna ko na naman ng aking mga hita at hinahagod na naman ng pilyong dila niya ang p********e ko.
“M-Mom?” nauutal kong tawag sa aking ina.
“Hello, baby. In case na uuwi ka ay wala na kami sa bahay. Nasa work na kami ng Daddy mo and your elder brothers. Enjoy shopping with Irish, baby girl. Pinagpaalam ka na niya sa akin. Bye, Blaise. I love you, baby,” sabi ni Mommy. Ang sweet niya pero na-g-guilty ako. If alam lang ni Mommy ang ginagawa namin ngayon ni Jaive.
“I love you too, Mommy.” Ibinaba niya rin ang tawag at binigyan ko na ng pansin ang ginagawa ni Jaive. Pinagduldulan ko ang ulo niya sa gitna ko. “Ohhhh, Jaive! Ang galing mo talagang makalusot!” sigaw ko dahil sinadya niyang sagutin ang tawag para hindi na ako magprotesta pa. Kasi kapag ginawa ko iyon ay baka marinig pa ni Mommy na nasa kabilang linya lang.
Siya pa rin ang nanalo dahil ako nga ang ginawa niyang breakfast. Bakit ang hilig niyang mag-eat ng pússy? Psh
***
Hindi na ako nakauwi pa dahil may dress na binili sa akin si Jaive at iyon na ang sinuot ko bago niya ako hinatid sa house nila. Sinalubong agad ako ni Irish. Ang cute nga ng outfit niya. Naka-pink strap dress siya with her pink shoes. Nakatirintas din ang buhok niya.
Naging abala nga kaming tatlo sa mall at mabuti na lamang ay hindi sumulpot ang daddy tigre niya. Hanggang sa dumating na nga ang birthday niya.
Of course, may hinanda pa rin akong gift for her. Kompleto na rin ang things ko para sa overnight namin ni Irish.
Bracelet ang naisipan kong ibigay sa kanya kasi naalala ko ang dada niya. Binigyan ako ng isang iyon ng bracelet na star ang pendant. Isinuot ko na lamang kasi hindi ko alam if bakit niya ako binibigyan no’n.
At nakapagpahinga naman ako dahil sinadya ko na huwag makita si Jaive kahit tinadtaran pa niya ako ng text messages. Nagpapadala rin siya ng mga poem dahil nga nanliligaw pa rin siya sa akin pero nakasisid na. Grr.
Nakaupo sa lap ko si Irish at nasa left side naman namin si Jaelly. Nakaupo sa one-seater sofa si Jaive. Hindi seryoso ang bukas ng mukha niya dahil may ngiti sa mga labi niya na parang happy rin siya for his daughter dahil three years old na nga ito.
“Let’s sing a happy birthday song,” ani Jaelly.
“Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday happy birthday to you!” sabay-sabay na sabi namin. Ang daddy niya ay sumabay na rin sa pagkanta at saka niya hinipan ang three candles niya.
“Oh, may wish ka na ba before mo ni-blow ang candles mo, Rish?” tanong ni Jaelly dahil excited masyado ang baby, eh.
“Yup po!” masayang sagot niya at hinalikan ko ang pisngi niya.
“What is it, baby?” I asked her sweetly.
“Hmm...” Eh, parang nag-iisip pa siya tapos tumingin siya sa Daddy niya. Bakit yata parang nag-aalangan pa siya?
“Go on, honey. What is that?” tanong nito sa kanya.
“Hmm...” Natawa kami ni Jaelly nang makita ang pagdikit ng hintuturong daliri niya at ang pagtulis ng labi nito. “I want a baby brother po,” diretsong sabi nito saka siya napatutop sa bibig niya. “Can you give me that Dada and Momma?” request pa niya.
Nagkatinginan kami ni Jaive sa wish ng anak niya at halos malaglag na nga ako mula sa kinauupuan ko. Si Jaelly naman ay nanlaki pa ang mga mata niya sa sobrang gulat ng wish nito. That’s very impossible naman.
“Rish, impossible naman iyang birthday wish mo, baby. Bakit sa Dada mo pa at kay Tita Blaise pa? Rish, hindi naman sila married,” sabi pa ng tita niya sa kanya. Seryoso ba talaga ang batang ito? Saan naman niya nakuha ang ideyang iyon?
“I want them to make love, then to make my baby brother. That’s my simple birthday wish po,” nakangusong sambit nito.
“W-What? Simple birthday wish? Irish—” Hindi natapos ang sasabihin ko nang pinutol iyon ni Jaive.
“You can have that soon, honey. Just wait for it, Rish,” sabat ni Jaive at mariin ko lang naitikom ang bibig ko. Ano naman ang ibig niyang sabihin doon?
“Yehey! Baby brother it is!” masayang sabi pa nito at wala na akong nasabi pa. But...
“Ano ulit ang sinabi niya kanina, Jaelly?” I asked my friend.
“M-Make love to make her baby brother?” patanong na sagot niya sa akin at tinanguan ko naman.
“Where does she get the idea, Jaelly?” I asked her and she glanced at her elder brother.
“Alam mo, Kuya. May sinabi ka sa anak mo, ’no?” pag-aakusa niya rito.
“Hmm? What?” inosenteng tanong pa nito.
“Saan nalaman ni Rish ang sinasabi niyang ‘make love’, Kuya? Ang bata-bata pa ’yang anak mo, ha,” aniya at natawa naman si Irish.
“Tita, I’m hungry na po. Let’s eat this cake na lang po?”
“Rish, ano’ng make love ang sinasabi niya? Can you explain kay Tita Jaelly, hmm?” pamimilit ni Jaelly sa niece niya. Tumingin muna ito sa Daddy niya at bago sa akin. Hinawakan pa niya ang pisngi ko at ngumiti.
“Lolo and Lola, they love each other. Then mayroong ikaw Tita Jaelly at ang Dada ko po. While me... Si Dada ko lang po ang mayroon ako, and want ko po si Momma Blaise,” pagbibigay linaw niya para lang mamangha kami sa kanya.
Dahil ang baby pa niya para isipin ang mga bagay na iyon na super deep pa, ha. I looked at Jaive. No wonder na mana ito sa Daddy niya. Matalino ang isang ito, eh. Flirt lang siya but masarap naman siya—oops. Pero medyo nalungkot ako sa sinabi niya na ang dada niya lang ang mayroon siya. Kung ako lang ang totoong ina niya ay hindi ko ipararamdam sa kanya ang ganito. Na parang hindi naman siya mahalaga. Hindi ito deserve ni Irish. She deserves to be love.
“Come here, honey. I’ll feed you,” pag-aaya ni Jaive sa baby girl niya at inalalayan ko naman na makababa si Irish para makalapit siya sa daddy niya.