CHAPTER 16

1955 Words
Chapter 16: Meeting his Parents MARAMING hinanda si Jaive para sa birthday ng baby girl niya. Ang alam ko rin kay Jaelly ay ito mismo ang nagluto dahil maselan naman talaga sa food si Irish. Ang cookies lang ni Mommy ang kaya niyang kainin. Dapat din ang kinakain niya ay ang luto ng daddy niya, ng servant nila o iyong cook naman ni Jaelly. Masasarap nga ang hinanda ni Jaive, na hindi ko akalain na may talent din pala siya na maging chef. Kung sabagay HRM ang course niya noong college pa siya. Hindi lang siya isang hoteliers. “Wala pa rin ang parents ninyo, Jaelly?” I asked my friend. Umiling siya. Kasi birthday ng apo nila pero wala sila. “Baka next month pa ang uwi ng mga iyon,” sagot niya. “Thank you po sa gift, Momma. I’m excited na po later.” Napalingon naman ako kay Irish nang magsalita siya. I smiled at her. “You’re welcome, baby,” I told her After ng lunch time namin ay may hinanda naman si Jaelly for the games na talaga namang nag-enjoy ang birthday celebrant namin. Tuwang-tuwa akong panoorin siya dahil masarap sa pandinig ang mahinang pagbungisngis nito. Napanguso pa ako sa pinili niya ang birthday wish niya. Ang bata-bata pa ay may alam na talaga siya pagdating doon. Make love raw? God, baka ang Daddy niya nga ang nagturo no’n sa kanya. Nang sumapit naman ang gabi ay sabay-sabay ulit kaming kumain ng dinner hanggang sa pumasok na kaming tatlo sa entertainment room para manood na ng Disney Princess. Kaming tatlo lang sana ang manood pero hinanap ni Irish ang kanyang ama at siya pa ang lumabas para hanapin ito. Ang dami na ngang pillow na nakalatag sa sahig and tatlong comforter na rin. Nang makabalik na nga siya ay kasama na niya ang Daddy niya. Buhat-buhat na nga siya nito. Ang cute lang nilang tingnan. Inilipat siya nito sa tabi ko since nasa kabila naman si Jaelly na nagsisimula nang kumain ng popcorn at may drinks na rin siya. May ilang metro ang layo namin sa isa’t isa ni Jaive. Isinalang na rin ni Jaelly ang panonoorin namin. Tuwang-tuwa agad si Irish pero katulad nga ng sinabi ni Jaive ay around 8PM ay tulog na ito pati nga si Jaelly na nakahiga na. Doon lang ako nilapitan ni Jaive. Inayos niya ang pagkakahiga nito at kinumutan pa niya. “Eh, Jaive...” sambit ko dahil sa maingat niyang paghila sa siko ko. Saan na naman kaya niya ako dadalhin? “Relax, wala akong gagawin sa ’yo,” nakangising sabi niya. I pouted at mahina niyang pinitik ang labi ko. Sumama naman ako sa kanya kasi ayokong magising ang dalawa. Baka mahuli pa nila kami. Dinala niya ako sa pool area pero mabilis niyang tinakpan ang mga mata ko. Natawa ako dahil alam ko na kung ano ang plano niya ngayon. Balak niya akong i-surprise. “Jaive? May surprise ka ba sa akin?” I asked him. “Hindi ba palagi mo akong tinatanong kung para saan ang cottage na gawa sa salamin? Pero tinted naman at mukhang hindi pa cottage?” Tumango ako. Hindi naman ako nahirapan sa paglalakad kahit wala akong makita dahil nasa likod ko lang siya at inalalayan pa niya ako. “Yes, yes,” nakangiting sabi ko. Hanggang sa maramdaman ko ang pagkilos niya at bumukas ang isang pintuan. Doon niya lang tinanggal ang kamay niya sa mga mata ko. When I open my eyes ay nasilaw pa ako pero nakapag-adjust din agad ang eyes ko, nanlaki nga lang ito nang makita ko na ang nasa loob. Iyong tumutukoy niya ay maganda pala siya kapag gabi dahil color blue ito, iyon ang mga ilaw sa wall niya at kumikinang pa sa ganda. May dinagdag lang naman siya. Iyong bulaklak na may crystal light na naka-decorate sa paligid. Umawang ang labi ko sa gulat. Tapos nang marahan niyang ipinihit ang katawan ko sa kabilang side ay may nabasa ako roon. Nag-init ang sulok ng mga mata ko nang makita ko iyon. ‘Will you be my girlfriend, Blaise?’ Iyon ang nasa lettering na gawa pa sa crystal light. Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko sa aking pisngi. This is too much surprise dahil nag-effort pa si Jaive. Hinarap ko siya at agad ko siyang niyakap. “Oh, my gosh, Jaive! Birthday lang dapat ito ng anak mo but... B-But nag-effort ka pa for this?” naluluhang tanong ko and naramdaman ko ang pagtango niya. Hinalikan pa niya ang sentido ko at mahigpit niya rin akong niyakap. “Because, parte ka na ng buhay ko, Blaise. I want you to be my girlfriend because I like you,” he said. “Y-Yes, yes... I want you to be my boyfriend too, Jaive!” masayang sigaw ko at nag-tiptoe pa ako to kiss his lips. Mabilis din siyang tumugon. Kakaibang saya ang nararamdaman ko at that time dahil may nakilala pa rin ako na isang lalaki na mag-e-effort sa akin ng super-duper. Na-appreciate ko talaga iyon dahil inaamin ko naman sa sarili ko na nagugustuhan ko na si Jaive. Umabot naman ng 2 months ang relationship namin at wala pa naman kaming ginagawa. Hanggang halik lang siya sa akin at ang hobby niya na dalhin ako sa headquarters para lang daw kumain tapos... Tss... Hindi naman food ang kakainin niya. Until naisip ko na rin na pagbigyan na si Jaive. Na isa pa handa naman na ako at wala namang ginawa ang boyfriend ko kundi ang iparamdam sa akin na gustong-gusto niya ako at mahalaga ako sa life niya. Kami nga lang ni Irish ang babae niya. *** “Doon ka ulit matutulog tonight sa house ni Jaelly, baby girl?” Kuya Blaike asked me. Sa kanya ako nagpaalam dahil wala ang parents namin. Nasa business trip sila. Sumama lang naman si Mommy dahil madalas ay iyon ang ginagawa niya para may kasama naman ang daddy ko. “Well, hindi na kita hahadlang pa riyan, baby girl. May business meeting din ako next week at mas mabuting doon ka na muna kina Jaelly para may kasama ka naman at hindi ka maiwan dito ng mag-isa,” ani naman ni Kuya Blaize. Nandito rin siya. “Alam ko naman po ang reason mo, Kuya. Girlfriend mo na ang friend ko, eh,” usal ko at nag-iwas lang siya nang tingin sa akin. Of course si Kuya pa rin ang nagsabi no’n. Wala pang sinasabi sa akin si Jaelly. Kahit nga ako ay wala pa. “Okay, okay. Dalhin mo na lang ang kotse mo para wala ka ng maaabala pa, Blaise. Basta drive safely, ha?” Hinalikan ko sa pisngi si Kuya Blaike at ganoon din ang isa ko pang kuya. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko. Nandoon ang kaba at takot pero nangingibabaw ang excitement. Pinaghandaan ko na ang mangyayari sa amin na mamayang gabi at sana lang ay kayanin ko. Kasi nag-research pa ako about that, eh. Masakit daw sa una pero mapapalitan naman daw iyon ng uhm... Basta. Malalaman ko rin naman iyon. *** Nagulat pa si Jaelly nang makita niya ako na may dalang traveling bag. “Hello, Jaelly!” I greeted her. “Blaise, naglayas ka ba?” natatawang tanong niya sa akin. “Wala sina Mommy at Daddy, pati na ang mga kuya ko. May business trip sila tapos maiiwan ako sa mansion kasama ang servant namin. So, naisip ko na mag-stay na muna here kasi sabi ko rin welcome na welcome ako sa house ninyo. Para na rin makasama ko si Irish nang mas matagal,” ani ko. “No probs! Tamang-tama na nandito na sina Mom at Dad! Come on. Matagal ka na talaga nilang gustong makilala at makita sa personal.” Parang gusto ko na agad mag-back out at umuwi na lang ulit sa bahay dahil nandito na ang parents niya. Oh, my God. Hindi pala magandang idea ang pumunta sa kanila. Ngunit hinila na ako ni Jaelly papasok, eh. “Mom, Dad! Nandito na po ang friend ko na pinagyayabang sa inyo ng apo ninyo!” Nadatnan kong nakaupo sa sofa ang parents niya na nasa living room. Kamukha ni Jaive ang daddy nila at si Jaelly naman ay looks ng mommy niya ang namana niya. God, heto na... Na-meet ko na ang parents ng boyfriend ko. At wala pa silang alam na ako na ang girlfriend ng panganay nila. “Si Blaise?” namimilog ang mga matang tanong ng ginang at lumapit pa siya sa akin. I was shocked pa dahil approachable and mabait din pala siya. “Nice to meet you, hija,” she said happily at nagbeso-beso pa kaming dalawa. “Same here po, Tita,” nakangiting sabi ko at inilahad naman ng daddy ni Jaelly ang kamay niya. Hinawakan ko iyon at nagmano ako sa kanya. “Kaya naman pala ang sabi sa amin ni Rish ay maganda raw ang Momma niya. Indeed, maganda nga,” Mr. Rousville said and I just smiled. Hindi ba iyon nakahihiya? Ang malaman nila na tinatawag akong Momma ng apo nila? Nasabi na rin ni Jaelly ang dahilan kung bakit ako nandito. Okay lang daw iyon sa kanila para makasalo ko raw sila na kumain ng dinner. Iyon nga lang ay hindi na ako sure if matutuloy pa ba ang plano ko tonight. Wala pa kasi si Jaive, eh. Ang balak ko rin ay i-surprise siya na makita ako here sa house nila. Nakipagkuwentuhan pa sa akin ang parents nila. Hindi naman sila mukhang strict dahil parang sila rin sina Mommy at Daddy. Magaan sila kausap at comfortable ako sa presence nila. “Doon po sa room ko mag-sleep ang Momma ko, Lola,” sabi nito habang hinihila na ako. Ang happy pa niya noong nakita niya ako kanina. “Apo. May guest room naman tayo,” pamimilit sa kanya ng lola niya. “Tabi po kami sa bed ko, Lola,” she said at nagtaas na ito ng maliliit niyang braso kaya binuhat ko na rin siya. She rested her head on my shoulder. “Okay lang ba sa ’yo, hija? Ang room ng apo namin ay alam mo na.” Umiling ako kasi nakita ko naman na iyon. “Madalas po kaming naglalaro roon nina Jaelly at Irish, Tita. Ayos lang po,” ani ko. Hinayaan na lang din nila kasi ayaw naman nilang umiyak pa ito. Doon na ako sa bathroom ni Irish naligo. To be honest ay sabay pa kaming naligo kasi malaki ang bathtub niya. Paglabas namin ay nandoon na si Jaelly at ang tita niya ang nagbihis sa kanya. “Tita, like mo rin po ba na mag-sleep over tayo ni Momma sa bedroom ko?” makulit na tanong nito. “No, no baby. Kayo na lang ng Momma mo. Para may bonding kayong dalawa. Alam ko na gusto mo siyang masolo, eh,” naiiling na saad ni Jaelly. “Yup po.” Haist, ang cute. “Gusto ko rin siya makasama ng super tagal, Jaelly,” I said. “Yehey! The feeling is mutual!” she shouted and ran towards me. I kiss her head. “I love you, Irish. You can have me anytime you want,” I told her. “I love you too po, Momma. Thank you for taking care of me,” malambing na sabi niya at nakita ko naman ang pagtulo ng mga luha ni Jaelly. “Thank you talaga, Blaise. Dahil sa ’yo ay naramdaman niya talaga na may Mommy siya.” I shook my head. “We’re same naman. I love your niece, Jaelly,” ani ko pa. “God, ang suwerte naman namin sa ’yo,” aniya at niyakap pa niya kami ni Irish.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD