Chapter 5: The Rousville
“HE’S your brother ba?” I asked her.
“Siya ang kapatid kong tinutukoy ko kanina sa school na JE Rousville. Siya si Jaive Eltain S. Rousville, 28 years old na siya, Blaise at ang batang katabi mo na super clingy just like her Dada ay malapit na naman siyang mag-three years old,” paliwanag niya at nagulat pa ako. Turning three years old pa lamang si Irish? But the way she talks and her little body. Chubby kasi siya, eh. Aakalain mo na nasa four years old pa siya.
“You mean, two years old pa lamang ito?” gulat kong tanong na tinanguan niya. “Pero bakit ang pagsasalita niya ay dire-diretso na? Ni hindi man lang siya nahihirapan na magsalita at ang bilis niya ring makaintindi?” namamanghang tanong ko.
“Dahil on-hands ang pagiging ama ni Kuya Jaive sa kanya. Seryoso masyado si kuya at hindi niya ito kinakausap na bulol-bulol. Dire-diretso niyang tinuturuan na magsalita ang anak niya at siya talaga ang nag-aalaga kay Rish,” her statement.
“But she’s so sweet and pinagkamalan pa niya akong Mommy niya. Bakit kamukha ko ba ang Mommy niya, Jaelly?” tanong ko na nasa boses ang interes na malaman ang totoo. Umiling naman siya sa akin.
“Ganyan lang siya. Kapag comfortable siya sa isang tao ay tatawagin niyang Mommy. Pero ngayon niya lang ginawa.”
“Eh, paano ninyo naman nasasabi na kapag comfortable siya ay tatawagin niyang mommy ang isang babae?” curious ko pang tanong sa kanya. Ngumiti siya.
“Ang Daddy niya mismo ang nagsabi niyan, eh. Manang-mana iyan kay Kuya Jaive,” sabi niya at tinuro pa niya ang nananahimik niyang pamangkin.
“At saka,” sambit ko at tumingin pa ako sa hagdanan nila. “Bakit ganoon naman ang kuya mo? Nangyayakap din siya.”
“Ah, that. Normal na iyon kung para sa amin. Ganoon lang kapag may fever si kuya. Bukambibig niya ang human pillow niya dahil nagagawang painitin ang katawan niya—wait, bago ka mag-isip ng kung ano riyan, Blaise, ha. Painitin ang katawan niya in a nice way iyon, okay? Nilalamig kasi siya at kapag may kayakap siya ay kumakalma siya. Iyong hindi na siya lalamigin talaga. Ganoon kasi siya, eh. Si Mommy ang madalas na nag-aalaga sa kanya sa tuwing nasa ganyan siyang kalagayan,” mahabang saad ko na ngayon ay naintindihan ko na. “Sorry about that, Blaise. Hindi naman talaga pervert iyang kuya ko. Mabait iyon kahit seryoso at tahimik. Huwag mo sana siyang kasuhan ng sèxual harassment, ha?”
Ang suot kong uniform na naman ang itinuro niya. Gusot na nga ito at natanggal pa ang isang butones nito.
“Hindi ko naman iyon gagawin, Jaelly,” ani ko at tiningnan ko si Irish. “But magtataka ang family ko kapag nakita nila ito,” dugtong ko at itinuro naman ng nguso ko ang uniform ko. “Especially my two older brothers,” I added and took a deep breath.
“Don’t worry, ihahatid ka namin ni Rish sa house ninyo at bahala na ang pamangkin ko na magpaliwanag niyan sa parents mo,” natatawang sabi niya. Umiling na lamang ako dahil bakit si Irish pa ang magpapaliwanag sa uniform kong gusot na gusot na at wala na ang isang butones?
Kahit noong hinatid na nga nila ako ay ayaw pa rin talagang humiwalay sa akin ni Irish. Ako nga ang kinakabahan sa kanya dahil baka umiyak siya kapag uuwi na rin sila after nila akong ihatid. Nang makarating kami sa mansion namin ay namangha pa si Jaelly sa mga nakikita niya.
“Tita, ganda house ni Mommy, ’no?” At alam talaga nito na bahay na namin ito.
Inalalayan ko pa siyang makababa pero itinaas niya lang ang dalawa niyang maliliit na braso kaya wala ulit akong nagawa kundi ang buhatin siya.
“Yes po, Rish.” Pumalakpak pa nga ito sa sobrang tuwa niya.
“Come on in, Jaelly,” pag-aaya ko sa friend ko. Sana nasa bahay si Mommy para makilala na niya ang bago kong classmate at naging friend ko pa.
Hapon na rin naman nang nagpahatid ako kasi gusto pa ni Irish na makipag-play sa akin. Ang cute niyang baby kaya hindi ko siya kayang tanggihan, wala naman akong puso kung gagawin ko iyon. Hindi nauubos ang perfume niya sa katawan kahit ilang beses ko siyang hinalikan na umaabot pa sa leeg niya.
“Wow, ang laki rin pala ng house ninyo, Blaise, eh. Mayaman ka rin pala. Kung sabagay ay hindi na ako nagduda pa. Kasi puro rich kid ang mga students sa RU,” sambit niya.
“Blaise?” gulat na tawag sa akin ni Nanay Olev nang makita niya ako. Siya ang servant namin na matagal ng nagseserbisyo sa family namin. Siya rin naman kasi ang madalas na nag-aalaga sa akin sa tuwing busy naman sina Mommy at Daddy. Kaya parang family na namin siya.
“Nakauwi na ho ba si Mommy, ’Nay?” magalang na tanong ko sa kanya. Mabilis siyang tumango.
“Nasa study room siya. Teka lang, hija. Tatawagin ko lang,” aniya at tinanguan ko. Nagmamadali na nga itong umalis.
“Salamat po. Have a sit, Jaelly,” I told her. Nang umupo na rin ako ay hinayaan ko na si Irish na sa lap ko ulit pumuwesto.
“May kalayuan ang university natin from here, right, Blaise?” Jaelly asked me and I nodded. Pinaglalaruan ko naman ang magagandang daliri ni Irish. May bracelet and ring kasi siya, ang liit nga kaya ang cute nito. May kahabaan ang daliri niya, dahil baka namana niya ito sa daddy niya.
Malaking tao ang kanyang ama at nakita ko na rin ang mga kamay nito. Ganitong-ganito ang mga hugis.
“Kung mabilis kang mag-drive ay makararating ka agad,” ani ko at kahit wala akong inutusan na magdala rin ng meryenda para sa amin ay kusang ginagawa iyon ng servant namin dahil iyon ang madalas na habilin sa kanila ni Mommy.
Kung may mga visitor kami ay alukin nila agad ito papasok sa mansion at bibigyan ng maiinom.
Finger foods and nestie juice ang hinanda nila. Kumuha ako ng isa at nilingon agad ako ni Irish. Kung ganyan ang klaseng tingin niya ay alam kong magpapasubo siya. Iyon naman talaga ang gagawin ko.
“Parang kanina ka lang kumain, Rish. Bakit mukhang gutom ka na naman yata?” nang-aasar na tanong ni Jaelly sa kanyang pamangkin. Tumulis ang labi nito at yumuko. Nakita ko ang mararahas na paghawak niya sa maliit niyang kamay. Napangiti ako at hinalikan ko ang sentido niya.
Nang ginawa ko nga iyon ay isinandal niya ang ulo niya sa dibdib ko.
“Say ah, Irish,” ani ko at tiningnan pa niya ang food na malapit na sa maliit niyang bibig.
Sinubo naman niya iyon at mabagal na ang pagnguya niya. Nasa ganoong posisyon kami nang dumating sina Kuya. Na humahangos pa nang pumasok sila sa loob.
“Blaise, sino ang naghatid sa ’yo pauwi?” tanong ni Kuya Blaike. Nasa boses niya ang pag-aalala sa akin.
“Blaise,” Kuya Blaize uttered my name too.
“Oh, ang aga ninyong umuwi, sons.” Boses naman iyon ni Mommy at nilingon ko ito.
Napangiti ako. “Hi, Mommy. May kasama po ako,” sabi ko at lumalim lang ang gatla sa noo ng dalawa kong kuya.
Tumayo si Jaelly after niyang ayusin ang buhok niya. Suot pa rin niya ang uniform niya kahit na nagmula na kami sa mansion nila ay hindi siya nagpalit. Mas inuna niya kasi ang ihatid nila ako ni Irish.
“Hello po, Tita. I’m Jaelly Elsen po, new classmate po ako ni Blaise,” nakangiting pagpapakilala niya at sunod niyang tiningnan sina Kuya pero natigilan siya nang makita niya si Kuya Blaize at nag-iwas pa siya nang tingin. Nabasa ko pa sa mga mata niya ang kaba.
“Maupo ka na ulit, hija. I’m glad na nagdala ng new classmate ang unica hija ko. Ngayon lang ito nangyari,” ani Mommy and she approached me pero natigilan naman siya nang makita ang batang nasa lap ko na busy na sa finger foods.
“Mom, pamangkin po ni Jaelly. Look at her po. Siya po talaga ang dahilan kung bakit ang uniform ko ay ganito na,” ani ko.
“Sorry po,” inosenteng sambit nito.
“She’s just your niece? Bakit ang sabi mo last week ay anak mo?” malamig na tanong ni Kuya Blaize at naguguluhan ko naman silang tiningnan.
“You know each other, Kuya and Jaelly?” I asked them.
“No.”
“Yes,” they answered in unison but magkaiba naman ang mga naging tugon nila. No ang kay Jaelly at yes naman ang sagot ni Kuya.
“Sino po ang nagsasabi sa inyo ng totoo?” tanong ko sa kanilang dalawa. Umiling lang si Jaelly at sunod-sunod na sumubo ng food na parang ayaw na rin niyang sumagot pa. “Kuya?”
“Don’t change the topic, Blaise. Bakit daw lumabas ka at dapat ako ang susundo sa ’yo pero nalaman ko lang na wala ka na roon. Where have you been?” he asked me.
“Paano mo naman po nalaman na lumabas ako at napasugod pa talaga kayo ni Kuya Blaike rito?”
“Sa labas na kami nagkasabay, Blaise. Maaga lang ako umuwi dahil masakit ang ulo ko,” paliwanag ni Kuya Blaike. “Manang, pakidalhan po ako ng basong tubig sa kuwarto ko, and Ms. Rousville, feel at home.”
Nanlaki naman ang mga mata ko nang sambitin ni Kuya ang surname ng friend ko. Kilala niya si Jaelly? How come naman kaya nakilala niya si Jaelly at si Kuya Blaize rin?
Umalis na si Kuya para magtungo na sa kuwarto niya at ang isa ko pang kuya ay tumabi sa kaibigan ko kaya dumistansya ito sa kanya. Naupo naman si Mommy sa tabi ko.
“Hello, what’s your name?” tanong ni Mommy kay Irish.
“I’m Anderly Irish E. Rousville po,” she answered politely. Bakit kung kay Mommy ay hindi naman siya takot?
“Wow, full name talaga. Ang ganda mo namang bata at ang lambing mo sa baby girl ko,” ani pa ni Mommy at nag-angat sa akin nang tingin si Irish. Nginitian ko siya.
“Ah, you’re my Mommy’s Mom?” inosenteng tanong nito sa aking ina para lamang matawa nang malakas si Mommy.
“So, kaya ka pala clingy sa baby ko because you thought she’s your Mom. Jaelly, hija.” Binalingan naman niya si Jaelly.
“Y-Yes po, Tita?”
“Kumain ka lang diyan, ha. Ang cute ng pamangkin mo.”
“Opo, anak po siya ng kuya ko, eh.”
“Blaize, akyat na sa kuwarto mo. Tinatakot mo ang bisita natin,” pagtataboy ni Mommy sa nakatatandang kapatid ko.
Marahas pa itong tumayo at nakita ko pa ang pasimpleng paghaplos ni Kuya sa braso ni Jaelly. What? Ano naman kaya ang mayroon sa kanila? Parang may kakaiba, eh.
Kitang-kita ko tuloy kung paanong manginig ang buong katawan ni Jaelly. Hindi naman siya mukhang natatakot na may gagawin sa kanya ang kuya ko dahil pulang-pula na ang magkabilang pisngi niya.
“Are you okay, Jaelly hija?” tanong ni Mommy at napansin na nito ang nagkukulay kamatis niyang pisngi.