CHAPTER 6

2082 Words
Chapter 6: Meeting him “YES po, Tita. I’m fine,” nakangiting sagot lang ni Jaelly at wala sa sarili pa siyang uminom pero natigilan siya kasi napatingin pa siya sa ibang direction. Sinundan ko ito nang tingin at nandoon pa pala si Kuya Blaize. “Kuya, ano naman ang mayroon sa inyo ni Jaelly?” I asked him. “Uhm, uuwi na po pala kami, Tita. Blaize—Blaise. Let’s go na, Rish? Uwi na tayo,” pag-aaya niya sa pamangkin niya. Nilingon pa ako nito at hinawakan ang pisngi ko. “Visit ka po sa house namin next time, Mommy?” tanong nito sa akin at tumango lang ako para hindi siya umiyak. Humalik pa siya sa pisngi ko at ganoon din ang ginawa niya sa mommy ko kaya natutuwa lalo sa kanya si Mom. Malambing na bata raw kasi. Ewan ko lang kung saan nagmana. “Take care,” ani ng aking ina sa kanila at hinatid pa sila sa labas. Sumunod din ako pero ng maalala ko ang naging reaction ni Kuya Blaize ay nagmamadali akong umalis para magtungo sa room ni kuya. “Kuya Blaize!” I called out his name at naabutan ko siyang nakaupo sa master’s bedroom niya. Puting v-neck t-shirt na ang suot niya at nilingon pa niya ako. “What is it, Blaise?” he asked me. “Kilala mo si Jaelly, Kuya? Ano po ba ang mayroon sa inyo ng bagong friend ko? Nakita ko pa ang pasimple mong paghaplos sa braso niya kanina. Don't deny it po, Kuya,” ani ko at umupo rin ako sa tabi niya. Kinukulit ko lang siya. Nang hindi siya sumagot ay ilang beses ko siyang kinulbit hanggang sa humiga siya sa kama. Malaki ang kuwarto niya at plain lang ang decoration and color nito. Hindi naman kasi siya maarte sa mga bagay-bagay. “I’m courting her, Blaise,” sabi niya at nanlaki naman ang mga mata ko. “Nililigawan mo pala siya, Kuya?!” nagugulat kong tanong at bumuntong-hininga naman siya. “But his brother forbid me to courting his little sister dahil masyado pa raw itong bata para magkaroon ng boyfriend. Psh, manliligaw pa lang ako ay masyado ng advance mag-isip ang isang iyon,” reklamo niya. “Nakilala mo na rin po pala ang kuya niya pero ano naman po ba ang sinabi mo kanina na akala mo ay anak pala iyon ni Jaelly?” “That’s one of her reason kung bakit ayaw niyang tanggapin ang panliligaw ko sa kanya. Siya naman ang gagawin kong girlfriend hindi ang kuya niya,” frustrated na saad niya na ikinangiti ko lalo. “Sige, Kuya. Support kita riyan. Gumawa ka ng paraan para malaya mo siyang maliligawan. Akala namin ni Mommy ay wala ka ng balak magkaroon ng love life,” sambit ko at umalis na ako sa bed niya. “And you’re not exempted, Blaise. You’re too young for that. Remember that always,” he said. “Wala kang magiging problema sa akin, Kuya. Lalabas na po ako,” paalam ko sa kanya at kumaway pa ako. Nang sumapit naman ang gabi ay tuwang-tuwa naman si Dad ng malaman niya na may friend na ako. Naikuwento ko rin kay daddy ang pamangkin ni Jaelly habang kumakain na nga kami ng dinner. The next day ay may bago na ulit akong uniform. May two extra uniform na ako in case na mangyayari pa iyon sa akin pero tinahi pa rin ni Mommy ang butones. Kasi iyon daw ang suot ko sa first day of school ko, na isa na akong college student. Naging sentimental value na agad for my Mom ang uniform ko. “Blaise!” Napaigtad pa ako sa gulat ng may sumigaw sa tabi ko. I mean may tumawag sa name ko tapos sa tainga ko pa. “Jaelly naman, eh. Why are you ba sumisigaw?” kunot-noong tanong ko sa kanya at kinalikot ko pa ang ear ko. “Birthday party ng pusa namin next month. Alam ko na personal ka niyang iimbitahan pero ni-advance ko na,” sambit niya na tinanguan ko. “Sige, hindi ko iyan tatanggihan. May big party ba?” I asked her but she shook her head naman. “Ayaw ng mag-ama na mag-celebrate ng super big na birthday party. Kaya ang ginawa nina Dad at Mommy ay freeday ang araw ng birthday ni Rish tapos may party naman na hindi present ang birthday girl namin. May pa-giveaway pa sa hotel. Ganoon ka sosyal ang anak mo, Blaise,” wika niya sa akin at napanguso ako. “Bakit naman anak ko ang sinabi mo?” nalilito kong tanong sa kanya. “Dahil Mommy ka raw niya, eh,” sagot niya at nagkibit balikat. Two weeks pa ang lumipas at masaya rin naman pala ang college life kaya in-enjoy lang namin ni Jaelly hanggang sa yayain niya akong lumabas. Pupunta na naman kami sa mansion nila. Madalas na rin naman ako na pinagpapaalam ni Jaelly sa Mommy ko. Hindi naman strict ang parents ko kasi alam naman daw nila na alam ko na ang tama sa mali. Sa loob nga ng two weeks na iyon ay madalas na kaming nagkikita ni Irish. Ang clingy pa rin niya as ever at hindi ko na nakikita pa ang daddy niya na nangyayakap ng kung sino-sino. “Momma!” masayang tawag nito sa akin. Yes, Momma na naman ang tawag niya sa akin. Ewan ko kung bakit napalitan na agad at nasasanay na rin naman ako. Sa tuwing dadalaw ako sa kanila ay umuuwi pa ako para makapagpalit. Hindi naman kasi comfortable ang suot kong uniform kapag nakikipag-play ako kay Irish. “Hi, may pasalubong ang Mommy ko for you, Irish,” ani ko at lumuhod pa ako para maging pantay ang face naming dalawa. Malaki agad ang ngiti niya. “Up, up po!” sambit niya at iyon na sana ang gagawin ko nang lumipat ang tingin ko sa lalaking kababa pa lamang mula sa hagdanan at nakasuksok ang isa niyang kamay sa pocket ng pants niya. May hawak siyang cellphone. Nagtama agad ang mga mata namin at bumilis na naman ang heartbeat ko dahil nakita ko na naman ang daddy ni Irish. Bakit ba ganyan siya kung makatitig sa akin? “Momma! Up!” sigaw niya at napangiwi ako ng sumigaw talaga siya. Binuhat ko na siya at hindi ko na lang pinansin pa ang lalaking nasa hagdanan. God, ganito pala ang face niya kapag wala siyang sakit? Ang guwapo niya masyado at ang lamig ng aura niya. Ang presensiya niya na masyadong mabigat. Bayolenteng napalunok ako. “Dada! Come here! Momma is back po!” tuwang-tuwang pahayag pa ng anak niya. Umupo kami sa couch at hindi niya tinigilan ang pagtawag sa daddy niya. Ano kaya ang naging opinion niya dahil may tinatawag na ibang mommy ang baby niya? “W-Where’s your Tita Jaelly, Irish?” I asked her. “Uhm. Ask my Dada po, Momma. ’Kain ako cookies,” sabi lang nito at ayaw akong sagutin. Oh, Good God. Hindi ko na nga nakakayanan ang malamig na titig sa akin ng kanyang Daddy tapos tatanungin ko pa ito? At bakit ko naman gagawin pa iyon? Ang baby naman ito, ah. “Go, tell your tita that her friend’s arrival, Rish,” sabi nito sa mababang tono. Wait—what?! Uutusan niya ang anak niya? Eh, aakyat pa kaya sa itaas dahil nandoon ang room ni Jaelly! “Ayaw ko po, Dada. You na lang po,” sabi nito at binigyang atensyon na lamang ang kinakain niyang cookies. “Anderly Irish,” seryosong sambit niya sa pangalan ni Irish. Hala, ginagamitan din pala niya ang authority ang anak niya? “No need. Huwag mo ng utusan pa ang bata,” sabat ko at prenteng umupo lang siya sa isang couch na nasa harapan namin ni Irish. Nagbaba lang ako nang tingin dahil hindi ko natatagalan ang mga mata niya, eh. Bakit ba kasi siya ganyan at nasaan na ba si Jaelly? “Momma, gusto ko po ng milk,” anito sa akin. Tumango lamang ako. Maraming servant ang house nila pero nakasanayan na rin nila na kapag may gusto silang kakainin o iinumin ay diretso lang sila sa kitchen nila. Kikilos lang ang mga servant nila kapag uutusan nila ito. Pinangko na si Irish at dadalhin ko na sana ang jar na pinaglagyan ni Mommy ng cookies nang magsalita ang lalaki. “Ako na,” sabi nito at hindi ko na lang pinilit pa ang sarili ko kasi hindi ko naman iyon kayang dalhin pa. Nauna akong naglakad habang buhat-buhat ko na ang bata at nararamdaman kong nasa likuran lang siya. Hindi na naglaho pa ang kaba sa aking dibdib. Bakit ba kasi ngayon ko pa nakita itong dada ni Irish at ’saktong wala pa si Jaelly? Saan din ba nagpunta ang isang iyon? Ibinaba ko si highchair si Irish at siniguro ko talaga na hindi siya mahuhulog. Baka kasi pagalitan ako ng lalaki. “Up, up oh, Momma,” sabi nito sa akin at itinuro ang malaking jar niya na naglalaman ng milk niya. Bayolenteng napalunok pa ako ng hindi sinasadyang mapasulyap ako kay Jaive Eltain. Ang seryoso niya masyado. Tama nga naman si Jaelly, seryoso ito at tahimik. Nakaharang siya sa dadaanan ko sana at ayoko naman na dumaan sa kabila dahil baka mapansin niya na iniiwasan ko siya. Pero nang dumaan na nga ako sa tabi niya ay naramdaman ko ang pagdulas ng daliri niya sa braso ko. Nagbigay pa rin iyon sa akin ng malakas na impact at boltahing kuryente. Feeling ko ay pinagpapawisan na agad ako. Matangkad na ako pero hindi ko pala kayang abutin ang milk ni Irish. Ang taas naman kasi. Bakit dito pa nila inilagay? Trying hard lang ang pagtalon ko para sana abutin iyon pero may pumigil sa akin. Hinawakan niya ang baywang ko pero sa paraan naman na hindi ako kikilabutan dahil nagiging pervert siya dahil ang gaan ng palad niya sa baywang ko. Dumulas ito sa pababa at muli akong napalunok nang ibinaba niya ang laylayan ng suot kong baby blue off-shoulder dress. Pilit niya itong ibinaba, eh hanggang kalahating hita ko lang naman ang haba no’n, eh. Nakapuwesto agad siya sa aking likuran at nararamdaman ko rin ang matigas niyang dibdib. Walang kahirap-hirap niyang inabot ang jar. “Next time, ask for my help,” mahinang bulong niya sa tainga ko at mariin akong napapikit dahil nanayo ang balahibo ko sa batok. Umawang pa ang labi ko dahil sa pagdampi ng daliri niya sa legs ko. Alam ko na hindi naman niya iyon sinasadya pero parang pinagpapawisan na ako ng malamig. Bakit pakiramdam ko ay ang sikip na rin ng kitchen nila at nakapatay na yata ang aircon nila rito? “Yehey!” masayang bulalas na naman nito. Nagtungo naman ako sa heater at nagulat ulit ako dahil may naglapag ng maliit na pink cup. “Would you make milk for my son without her little cup?” he asked me. Nakalimutan ko dahil sa presensya niya! Parang nawawala ako sa sarili ko! “S-Sorry, I forgot...” “Why are you saying sorry? Is it a fault to forget something?” tanong niya na kahit hindi ko nakita ang mukha niya alam kong salubong ang makapal niyang kilay. “You know what? You don’t even have to come close to me. Can you keep your distance away from me?” Halos mabingi ako sa lakas ng drum sa chest ko when he reached for something so I was pushed forward. His hand is on my left shoulder. “I want a coffee too, Miss.” I sighed freely when he left me. Ginawa ko naman ang nais niya. Parang magtitimpla lang naman ako ng coffee niya ay hindi ko pa siya gagawan? “Dada, it’s delicious po,” narinig kong komento ni Irish. Sinadya ko na bagalan ang mga ginagawa ko pero napansin na iyon ng bata na masyado na akong natatagalan sa pagtimpla ko sa kanya ng milk niya. I took a deep breath again. Napapansin ko na naman kasi ang malamig na titig niya. Kilabot lang ang dala sa akin. Hindi ko na lamang pinansin pa ang natotorete kong puso at naglakad na ako palapit sa kanilang mag-ama pero hindi ko sinasadya na madulas mula sa kamay ko ang tray na hawak ako. Lumikha ng ingay ang nabasag na cup at may naramdaman pa ako na tumalsik ang isang bubog sa binti ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD