CHAPTER 7

2129 Words
Chapter 7: First kiss “FVCK!” Nanginig ang buong katawan ko nang marinig ko ang malutong niyang pagmura. Ngayon lang ako nakarinig ng ganoon kasi sa mansion namin ay walang nagsasalita ng ganoon, eh. Tapos kahit may bata pa kaming kasama ay nagawa pa rin niya ang mag-talk ng bad words. I thought kasi ay pagagalitan niya ako pero hindi iyon ang inaasahan kong ginawa niya. Mabilis niya akong pinangko at wala sa sariling pumulupot lang ang mga braso ko sa leeg niya. Napahikbi ako nang maramdaman ko ang pagkirot sa binti ko at mas lalo lang akong natakot dahil may dugo na ang umaagos doon. Pinaupo niya ako sa island counter na katabi lang nakaupo si Irish. “M-Momma...” Dahil siguro sa takot na nabasag ko ang dalawang cup, ang pagsigaw ng daddy niya at ang paghikbi ko ay natakot doon si Irish. “I’m...fine, Irish. Don’t cry,” pag-aalo ko sa kanya at hinalikan ko pa ang tuktok ng ulo niya para lang talaga tumahan na siya pag-iyak pero humahaba ang nguso niya. “Manang, please, clean these molds on the floor.” Napalingon ako kay Jaive at may servant na pala ang lumapit sa amin. “Opo, Sir.” Una niyang ibinaba si Irish at akala ko ay iyon din ang gagawin niya sa akin pero hindi naman pala. Binuhat pa rin niya ako at bumaba tuloy ang tingin ko sa baby niya na nakatayo lang. Inosente pa nga niya kami tinititigan. “Si... Si Irish,” ani ko at bahagya pa siyang lumuhod. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil sumampa nga si Irish sa akin. Walang kahirap-hirap niya kaming binuhat ni Irish. Oh, my God... Ano’ng klase siyang lalaki at wala lang sa kanya ang bigat namin? Porket malaki ang muscles niya?! Mahigpit ko na ngang niyakap ito dahil natatakot akong mahulog siya. Naririnig ko pa ang mahina niyang pagbungisngis kahit na parang kanina lang ay umiiyak siya dahil sa takot niya. Nagtungo kami sa living room at doon ko lang nakita si Jaelly na may dalang bouquet of flowers and a box of chocolates. Alam ko na galing iyon kay Kuya Blaize. Dahil nanliligaw na nga ito sa kanya. I’m not sure if nabigyan na rin ba siya ng permission ng kuya nito. Hindi rin naman kasi nagtatanong pa, kahit kay Jaelly lang ay hindi ko binubuksan ang topic na iyon. Maingat na ibinaba ako ni Jaive sa couch—ey, first name basis na me agad. “What happened to her, Kuya?” worried na tanong ni Jaelly at sinilip pa niya ang binti kong dumudugo na. Inilipat ni Jaive ang anak niya sa tabi ko. “Kumuha ka ng medicine kit sa itaas, Jaelly.” Kumaripas naman nang takbo si Jaelly para kumuha ng medicine kit. Pero yakap-yakap pa rin niya ang dala niya na tila ba ayaw niya itong bitawan. Lumuhod sa harapan ko ang daddy ni Irish at nag-iwas ako nang tingin sa kanya. Hinawakan niya ang binti ko kung kaya’t nararamdaman ko na naman ang pagtaas ng balahibo ko sa katawan. Mainit at magaspang ang palad niya. “Bakit hindi ka man lang nag-iingat? What were you thinking and the tray slipped out your hands?” may bahid na inis na tanong niya. Sa akin ba siya nagagalit? “This is because of you! Palagi mo akong pinapanood!” wala sa sariling sigaw ko. Huli na para ma-realize kung ano ba ang lumabas sa aking bibig. Dapat ay sa isip ko lang iyon sasabihin pero naisa-boses ko pa rin siya. “What did I do?!” gulat na sigaw niya at umiyak naman nang malakas si Irish dahil sa pagsigaw namin ng daddy niya. Napakagat ako sa lower lip ko nang hagurin ng mahahaba niyang daliri ang buhok niya at umigting ang panga. Saka siya nag-angat nang tingin sa akin. Mag-iiwas na sana ako pero malamig na nagsalita na naman siya. “Look at me. Ano ba ang ginawa ko para mawala ka sa sarili mo?” tanong niya. Dapat ko ba siyang sagutin? O tama ba ang sabihin ko sa kanya ang katotohanan? Pero kasi nagtatanong siya, kaya dapat sabihin ko na lamang? “Uhm... I-I... I’m not comfortable in your... presence,” sagot ko at hindi ako nagdalawang-isip pa na sabihin na lamang iyon sa kanya. “Why?” salubong ang kilay na tanong niya. Parang gusto kong hawakan iyon at tanggalin ang pagkakasalubong ng mga ito. Ang seryoso niya kasi masyado, eh. “Your aura is too heavy and cold. I’m just scared,” pag-amin ko sa katotohanan na nararamdaman ko towards him. “What? Does your heart beat faster? Do your cheeks heat up and you panic everytime you see me?” sunod-sunod niyang tanong. Paano niya kaya nalalaman ang mga ito? “How do you know that?” I asked him na may gulat pa sa boses ko. Dahil nakagugulat naman kasi iyon. Paano niya nalaman na iyon nga ang totoo kong nararamdaman sa tuwing nakikita ko siya? Pero ngayon ko nga lang ulit siya nakita, eh. Since the day na may fever siya. “Wow, I was shocked. That’s new. Anyway, I’m sorry because Irish and I, you had a wound and I’m sorry for what I did two weeks ago. I’m not myself when I’m sick so I forget what’s going on with me,” sincere na sabi niya at nakabalik na rin si Jaelly. Sinimulan na rin niya na gamutin ang sugat ko na may pag-iingat pa talaga. Sa tuwing napapaigtad ako sa hapdi ay hinihipan niya ito. Seryoso rin siya sa paggagamot sa akin. “Saan galing ang dala mo kanina, Jaelly?” walang emosyon na tanong ni Jaive sa nakababatang kapatid niya. Ngumuso pa si Jaelly at mabilis niya akong sinulyapan. “Kuya, dapat ako gumagamit kay Blaise, hindi ikaw. Friend ko iyan, ha,” masungit na sambit niya. Ilang minuto lang ay natapos naman siya sa ginawa niya at nabawasan na ang kabang nararamdaman ko. Tumayo na rin kasi siya at bahagya na siyang dumistansya. “Irish, may sasabihin ka sa kanya, right?” he asked his daughter softly. “Uhm, Momma...” I looked at Irish. Ano naman ang sasabihin niya sa akin? “Yes? May gusto kang sabihin sa akin? What is it, Irish?” I asked her. “You’re invited po sa third birthday ko the next two weeks,” she said at napangiti ako dahil parang isang matanda lang ang nag-invite sa akin. Nakuha niya nga talaga ang ganitong attitude sa Daddy niya. “Of course, baby. Pupunta ako sa birthday mo. What do you for a gift?” I asked her and caressed her cheek. “Overnight, let’s watch Disney Princess movie,” mabilis na sagot niya. Sino naman ako para tanggihan siya? Gusto niya lamang naman ako na makasama buong magdamag. So, magpapaalam na lamang ako sa parents ko and especially sa mga kuya ko. “Okay,” nakangiting sabi ko at nagtagpo na naman ang mga mata namin ni Jaive. Since then ay madalas ko na siyang naaabutan sa mansion nila. I’m not sure na rin if hindi ba siya busy sa work niya. Kahit halos araw-araw ko siyang nakikita ay napapamilyar ko na ang heartbeat ko. Ganito lang siya kapag siya ang nakikita ko, mas dumodoble rin ang kaba ko kapag lalapit na siya sa akin. Minsan pa ay sa mansion din namin sila tumatambay kasi natutuwa sa kanila si Mommy. Tapos umuuwi pa nang maaga si Kuya Blaize. Napaghahalataan na rin naman kasi siya, eh. Saturday morning iyon nang binisita ko ulit si Jaelly. May meet-up din naman kasi kami para sa isang activity namin sa isang subject. Nang tanungin ko ang servant nila kung nasaan siya ni Jaelly ay itinuro lang sa akin ang isang direction patungo sa swimming pool pero iba naman ang nadatnan ko. Gusto ko sanang bumalik na lang pero nakita ko ang pag-dive nang paulit-ulit ni Jaive sa swimming pool. Natulala pa ako nang makita ko ang maganda niyang pangangatawan at talagang ang tambok ng hip niya. Nag-f-flex ang muscles niya. Parang ang hirap umiwas kaya sa palihim kong panonood sa kanya ay napatingin siya sa direction ko. Doon lang ako natauhan sa ginawa ko. God! Lumalabas na naninilip ako! Nang humarap sa aking likuran ay nauntog lang ako sa nakasarang pintuan na gawa sa salamin. Mariin akong napapikit at napaatras. Nakalimutan ko na hindi pala ako nakaalis dito! Oh, goodness! “Are you looking for my daughter? Or are you just watching me?” I was shocked again dahil nasa likuran ko na siya agad. “Hindi kaya! Si Jaelly ang hinahanap ko!” defensive na sagot ko at itutulak na sana ang pinto nang mabilis niyang hinuli ang siko ko. Nanlaki pa ang mga mata ko nang isandal niya ako sa pinto. Basang-basa ng tubig ang katawan niya at nakikita ko ang pagkintab nito na isa pa ay naka-shorts lang siya. Bayolenteng napalunok ako nang makita ko ang malaking bukol sa pang-ibabang bahagi ng kanyang katawan. “Eyes up, baby,” marahan na saad niya at siya pa ang nag-angat sa chin ko. “I-I’m getting wèt,” sambit ko at naningkit ang mga mata niya. “Uh-huh?” At tila wala lang iyon sa kanya kaya mas idiniin niya ako. “W-What... What are you doing?” kinakabahan kong tanong. Hinaplos ng hinlalaking daliri niya ang gilid ng labi ko. “How will your lips taste when I kiss you, Miss?” he asked me. “W-What? Are you insane—” Nagpumiglas ako nang takpan ng malaking daliri niya ang bibig ko. Sa tangkad niya ay kailangan pa niyang yumuko ng hindi ako nahihirapan na tingalain siya. Namimilog ang mga mata ko nang dumampi ang mainit niyang labi sa leeg ko. Hayan na naman ang panginginig ng katawan ko. Malakas kong tinanggal ang kamay niya at matiim niya akong tinitigan. “You’re such a pervert!” asik ko sa kanya at sasampalin ko na sana siya nang mabilis niya itong nasalo. Hindi niya nga lang hinigpitan ang paghawak sa pulso ko dahil maingat niya akong hinila. “I’m sorry,” sambit niya at iniupo niya ako sa isang chair doon. “Just wait them here. May kinuha lang sila sa loob,” sabi niya at saka niya ako iniwan sa pool. Napanguso ako dahil sa pabago-bago ng isip niya. Wala sana akong balak na umalis sa kinauupuan ko pero nang may nakita ako na isang bagay sa poolside ay tumayo ako para tingnan iyon. I was about na kukunin na iyon sana sa floor nang nadulas ako at diretso ang bagsak ko sa tubig. Wala namang kaso sa akin because I know how to swim naman pero nauna ngang lumubog ang ulo ko at hindi nga maganda ang pagbagsak ko sa tubig dahil nakainom ako nito. Nang sinubukan ko naman na itukod ang talampakan ko ay hindi ko yata maabot at doon ko lang na-realize. Malalim ang pool! But I’m still trying na makaahon, iyon nga lang ay nabigo ako at mas lumulubog lang ako sa ilalim nito. Not until nakita ko ang pagtalon ni Jaive sa swimming pool pero dahil marami na nga akong nainom na tubig at nahihirapan na akong huminga ay nagsimula ng dumilim ang paningin ko. Bakit kasi ang bilis nang pangyayari? Pero bago nga ako nawalan ng malay ay naramdaman ko pa ang pagyakap niya sa baywang ko. Nagising lang ako na may mariin nang dumidiin sa dibdib ko at ang hangin na pumapasok sa bibig ko. “Breath... Breath, baby...” naririnig kong sambit nito at dumampi ulit ang malambot na bagay sa labi ko. “Come on, baby... Breath...” Tila may umaalon mula sa tiyan ko patungo sa aking dibdib at hanggang sa may nailabas na akong tubig. Kasabay no’n ay ang mahigpit na pagyakap sa akin. “Ha? W-What? What happened?” nalilitong tanong ko sa kanya at napahawak ako sa braso niya. Napapikit pa ako ng mahina niyang pinitik ang noo ko. Napahimas naman ako rito at tumulis ang labi ko. Napatitig ako sa guwapong mukha ni Jaive. “I told you na roon ka lang sa kinauupuan mo kanina at bakit nasa tubig ka na?” malamig na tanong niya para lang bumilis ang t***k ng puso ko. “Uhm, I’m sorry... May...May nakita lang kasi ako.” Hinaplos niya ang pisngi ko at nabigla ako nang kintalan niya ako ng halik sa mga labi ko pero saglit lang naman iyon. “W-What—” At inulit pa niya. “Why are you doing this to me? Pinag-aalala mo ako.” “Ha?” gulat kong tanong at namanhid lang ang pisngi ko dahil paulit-ulit niya akong hinalikan sa mga labi ko. First kiss ko iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD