CAMILLE CAMERON SAUNDERS "I'm so sorry Miss Saunders sa ginawa ng anak ko, ako na po ang bahalang magparusa sa kanya" A middle-aged lady said, pero kilala ko si mom sa itsura palang niya alam kong hindi niya ito papalampasin. "Sorry? Hindi ko kailangan ng sorry mo miss Legaspi, sinuntok ng anak mo ang anak ko.. Tignan mo ang mukha niya puro dugo.. Ayaw kong gawin to pero humanda kana sa gagawin ko" makamandag na sabi ni mom "Let's go Cameron" kaya naman sumunod ako agad kay mom samantalang si Georgina nakatingin lang sa akin kaya naiilang ako. Cameron yan ang tawag ni mom tuwing nasa labas kami hindi niya ako tinatawag na camille kaya naman napapagkamalan talaga nila akong lalaki. Mabuti na lang walang pasok bukas dahil makikita ni Georgina ang pasa ko sa mukha baka magkaroon pa

