Chapter Four

1097 Words
CAMILLE CAMERON SAUNDERS   "Saan mo d-dalhin ang anak ko?" tanong ng babae af nagmamadaling lumapit sa dalawa hinawakan niya ang kamay ng bata na naguguluhan sa nangyayari. "Anak mo? Sayo lang ba siya? Anak ko din siya kaya sa akin siya sasama at wala kang magagawa" matigas na sabi ng lalaki at sapilitang sinakay ang bata sa loob ng sasakyan. "Wag mong ilayo ang anak ko! Buksan mo tong pinto! Hindi ko hahayaan na malayo siya sa akin at kahit saan ka man magtago malalaman ko din yan" galit na sigaw ng babae at pilit na binubuksan ang pintuan at minsan pa kinakatok ang bintana pero buo ang desisyon ng lalaki at pinaandar na ang sasakyan. "Daddy bakit ayaw mong papasukin si mommy? Saan ba tayo pupunta?" tanong ng batang babae "Hindi natin kailangan ang mommy mo, kalimutan mo na siya.. Ako lang! Tayong dalawa lang anak" sagot ng lalaki at doon na umiyak ang batang babae "No, si mommy... ibalik mo ako sa bahay.. daddy wag tayong umalis.. wag natin iwan si mommy" pakiusap ng bata Hanggang sa nasilaw sila sa liwanag at narinig nila ang kalabog   "Aaahhhh" I screamed naramdaman kung may marahang tumatapik sa pisngi ko dahan dahan kong minulat ang mga mata ko si Mommy  pala pakiramdam ko pawis na pawis ang buong katawan ko. "Napanaginipan mo na naman ba?" nag-aaalalang tanong ni mom tumango naman ako inalalayan niya akong sumandal sa kama. Kumuha siya ng gamot at inabot sa akin yon kasabay ang baso na may laman tubig.   Ininom ko ang gamot at marahang pumikit dahil masakit talaga ang ulo ko matagal ko na silang hindi napapanaginipan pero bakit ngayon bumabalik na naman sa totoo lang hindi ko makita ang mga mukha nila malabo kasi yon at isa pa kung totoo man nangyari yon bakit wala akong maalala? Ang sabi naman ni mommy wala namang ganon nangyari at isa lang yong panaginip.   Humiga na ako sa kama at yumakap kay mom alam niyang pag ganito gusto ko siyang makatabi "Mom, I love you" sabi ko kahit nakapikit na ako alam kong nakangiti siya "I love you too, baby" sagot niya at hinalikan ako sa noo.   I woke up to the sun shining on my face naalala kong ngayon pala kami pupunta sa charity event agad na akong naligo at nagbihis. We sat in the back of the black limousine and waited for Ate Clarie, comfortable naman ako sa suot ko dahil hindi ako nakapang nerd. Wala kasi kaming pasok ngayon kaya naman naisipan ni mom na isama ako sa Charity Event at karamihan ng mga mayayaman nandoon. "Tom, puntahan mo nga si Clarie pag wala pa siya dito ng five minutes, iiwanan na namin siya" utos ni mom na salubong na ang mga kilay dahil isa sa pinaka ayaw niya ang pinaghihintay siya maliban sa akin dahil kahit thirty minutes pa yan pag t-tiyagaan ako ni mom.   Tom nodded at mabilis na lumabas ng sasakyan at ilang saglit lang kasama na niya si Ate Clarie na sobrang plakada - makikay talaga ang kapatid kong to.   "Ang bad mo talaga mommy, talagang iiwanan mo ako" panghihimutok ni ate nang makasakay sa tabi namin napaikot naman ang mata ni mom "Wala akong panahon sa mga kaartehan mo Clarie, dalawang oras ka ng nag aayos hindi pa ba sapat yon?" naiinis na turan ni mom napangiwi naman si ate dahil totoo naman yon kulang na lang maubos na lahat ng make up niya.   Isang oras nakarating na din kami kung saan ginanap ang Charity event dito pa lang sa loob ng sasakyan maririnig mo na ang kanta. Sa totoo lang wala akong hilig pumunta dito dahil puro mga anak nila o kaya naman business nila ang pinaguusapan nila.   Pagbaba ko pa lang namin ng sasakyan sa amin na ang mga mata nila paano ba naman TOP 1 kami sa pinaka mayamang tao sa buong pilipinas at TOP 2 sa buong ASIA kaya naman lahat sila kumakapit kay mommy.   "Hello Tori, siya na ba si Cameron? Sobrang gwapo naman ang batang to" nakangiting sabi ng babae ngumiti naman ako sa kanya "Gusto ko sanang ipakilala ang anak ko sa kanya" see? Kahit anak nila gustong ipalapit sa pamilya namin. Ilang babae na ba ang gustong maging girlfriend ko.   Akala ata niya lalaki ako, sabagay yun lahat ang pagkakaalam ng iba dahil pag nakikita nila ako bihis lalaki ako.   "Cami" tawag ni Ate Clarie kaya naman nagpaalam na ako sa kanila thank you ate Clarie, dahil kung kani-kanino ako mapakilala. "Bakit Ate?" tanong ko sa kanya "Wag ka masyado dumikit ngayon kay mom dahil lahat ng makakausap niya gusto ipakilala ang anak nila, maiinis ka lang" she whispered sabagay may punto si Ate Clarie.   Dalawang oras din kami nandito nagkaroon pa ng fund raising "Mom" bulong ko sa kanya lumingon naman siya "Bakit? May masakit ba sayo?" nag aalalang tanong niya umiling naman ako "Naiihi na ako mom, punta muna ako sa restroom" Sabi ko at tumayo na gusto pa niyang samahan ako pero tumanggi na ako ginawa akong bata. Napahinto ako ng makilala ko ang babaeng nakatayo sa labas ng restroom si Georgina sabagay mayaman ang pamilya nito kaya hindi nakakapagtaka na nandito sa event. Umurong ata ang pantog ko dahil nakita ko siya.   Paalis na sana ako para humanap pa ng ibang restroom ng makita kong may humablot sa kanyang lalaki at pilit pumipiglas si Georgina "Ano ba! let go of my damn arms"  sigaw niya pero walang nakakarinig dahil ang lahat nasa loob at walang tao na nandito. "Hindi, mag-uusap tayo hindi ako papayag na basta mo na lang ako itatapon na parang basahan" galit na sagot ng lalaki at pilit na kinakaladkad si Georgina.   I sighed and walked up to them "Bitawan mo siya" singit ko dahil kahit gaano kasama ginawa ng reyna ng bubuyog nato hindi ko namn masikmura na may mangyari sa kanyang masama at lumingon sila sa akin "Sino ka ba? Wag kang makialam sa amin ng girlfriend ko" galit na bulyaw niya "Pwede ba Theodore, unang-una hindi naging tayo kaya wag kang mag assume na girlfriend mo ako" she said na hindi man lang nakikitaan ng takot sa katawan.   "Narinig mo naman ang sinabi ng babaeng to, hindi ka niya boyfriend o sa madaling salita wala kayong relasyon kaya mabuti pang bitawan mo na siya" sabi ko at ako na mismo ang naglayo sa kanilang dalawa. "Gago ka pala eh" nagulat ako ng bigla niya akong suntukin kaya naman napahiga ako sa sahig "Diba sinabi kong wag kang makikialam" sabay suntok niya ulit para siyang demonyo na tuwang tuwa pa habang sinusuntok ako.   "Theodore tama na" awat ni Georgina pilit siyang hinihila palayo napangisi ako dahil alam kong hindi papalampasin nila mommy ang ginawa ng lalaking to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD