Chapter Three

995 Words
CAMILLE CAMERON SAUNDERS   Palinga-linga ako sa paligid bago sumakay sa sasakyan "Young mistress, You look tired. Would you like some water?" tanong ng butler ko na ngayon  ay driver ko din. Paanong hindi ako mapapagod, nagtago ba naman ako sa mga alipores ni Georgina dahil gusto nilang saktan ako. Ganoon ba sila ka Devoted sa babaeng bubuyog na yon kahit na anong i-utos talagang susundin nila.   "Thank you, Butler Tom" nang kunin ko ang bottled water na inabot niya sa totoo lang nauuhaw ako dahil lakad-takbo ang ginawa ko makatakas lang sa mga yon.  "May gusto ka po bang puntahan, Young mistress?" tanong niya umiling lang ako kaya alam niyang sa mansion na kami d-diretso. Tinanggal ko na ang baduy na damit at glasses ko inayos ko din ang magulo kung buhok - wala ng bakas na isa akong nerd sa school.   Alas sais nang makauwi ako sa mansion napahinto ako sa paglalakad nang may narinig akong nagtatalo. "I will get my daughter back, I may not get the chance to see her grow up. Yo-" sino yon? Bakit hindi familiar sa akin ang boses niya? I walked a few steps "Mom? Sino ba ang kausap mo diyan?" tanong ko napansin ko na may babae sa harapan niya. Napansin ko na parehas silang namutla "Kanina ka pa ba diyan baby?" tanong ni mom nilapag ko naman ang backpack ko sa counter naiilang ako sa pagtitig ng babae na kausap lang kanina ni mom.   I shook my head "Who is she?" sabay turo sa babaeng katabi niya napapitlag naman ako ng bigla niya akong yakapin "I'm Susan Bryan, kaibigan ako ng mommy mo" nakangiting sabi nito napakunot naman ang noo ko dahil lahat ng kaibigan ni mom kilala ko dahil dalawa lang sila si Auntie Ely at Auntie Dominique kaya naman nagtataka lang ako bakit hindi ko siya nakita noon pa. Wait, ano ba yung narinig ko kanina daughter?   "Ano po yung kanina na narinig ko about sa daughter? May nawalay po ba kayong anak?" minsan talaga hindi ko mapigilan patahimikin ang bibig ko. Mom glared at me dahil ayaw niya pag sumisingit kami sa usapan o kaya naman kung anu-ano ang pinagtatanong. Napatigil naman si Auntie Susan at tumingin kay mom na para bang nag d-dalawang isip pa kung sasagutin ba ang tanong ko.   "Camille" may pagbabanta sa boses ni mom kaya naman napanguso ako. "Hayaan mo na siya Victorina" sabi ni Auntie Susan muntikan na akong matawa dahil sa pagtawag niya sa pangalan ni mom ayaw kasi ni mom na tinatawag siyang Victorina dahil ang sagwa daw kaya ang gusto niyang itawag sa kanya Tori nakita ko naman ang pag simangot ni mommy. Teka bakit parang tiklop si mom? "Nawalay kasi ang kaisa-isang anak ko sa akin kaya naman gusto ko siyang makita at makasama kaya lang madaming humahadlang" malungkot na sagot niya makikita mo din sa mga mata niya ang pangungulila. "Bakit ano po bang nangyari? Nasaan po ba ang anak niyo?" tanong ko pero bago pa siya sumagot dumating na si Ate Clarie as usual sobrang ingay na naman. "Mommy, Oh my god! Nakita ko ang ex ko kanina sa mall, hindi ka maniniwala pero totoo pala ang kumakalat na chismis isa s-- wait, who is she?" napatigil siya sa pagsasalita at naguguluhang tinuro niya si Auntie Susan na gaya ko kanina nagtataka kung sino siya dahil hindi pa naman namin siya na m-meet noon.   "She's my old friend, Her name is Susan" sagot ni mom napatango naman si Ate Clarie "Anyway mom, Uuwi si Clarent next week nakausap ko siya kanina sa skype" sabi niya at kumuha ng tasa para magtimpla ng coffee napangiti ako dahil uuwi na si kuya madami na naman akong pasalubong sa kanya. Kaya lang isasama na naman niya ako sa pambabae niya kaya lagi siyang pinagsasabihan ni mom. Samantalang itong si Ate Clarie puro kaki-kayan ang tinuturo sa akin alam naman niyang noon pa damit lalaki na ang sinusuot ko.   "Good, dahil sobrang nami-miss ko na si Clarent pero ayokong isasama niya sa bar itong si Cami dahil ayokong malasing siya at hindi niya alam may naka one night stand na pala siya" pinangunahan na ni mom natawa naman si ate clarie "Yan pa mom eh may makalapit nga lang babae eh maiihi na yan" pang-aasar ni ate at humigop ng kape. "Funny" naiinis kong sabi dahil inuumpisahan na naman akong asarin ni Ate Clarie "Tumigil na kayong dalawa" saway ni mom kaya napatahimik na lang kami.   "Victorina, mauuna na ako" paalam ni auntie susan "Malayo pa kasi ang uuwian ko" dagdag niya napatigil naman si mom "Dito kana maghapunan at matulog sa guest room" sabi ni mom at tinignan niya ito na para bang sila lang dalawa ang nagkaka-intindihan "Okay" tipid na sagot niya.   Habang kumakain kami naalala ko na may sasabihin pala ako kay mom "Mom, i have something to tell you" kinakabahang sabi ko napatigil naman siya at lahat sila sa akin nakatingin. "Nakabuntis ka?" singit ni ate clarie napairap naman ako minsan  hindi nawawala na may kapatid ka ding epal   "What is it?" Tanong ni mom na medyo naiinis dahil ayaw niya ng nabibitin. Siguro pagdating sa kama pag binitin mo siya baka ibaon ka niya ng buhay.   "Gusto ko sana mag part time job" nakangiwing sabi ko dahil balak ko din mag dorm gusto ko kasi maranasan ang simpleng pamumuhay lang. "No, hindi ka mag p-part time alam mo namang may asthma ka at bawal sayong mapagod" matigas nitong sabi "M-may asthma ka?" Pang-uulit ni Auntie Susan na para bang may lungkot sa mukha nito. "Yeah" walang ganang sagot ko dahil ang gusto kong gawin hindi ko kaya dahil sa sakit ko alam kong nag aalala lang si mom dahil saksi siya kung paano ako minsan umatake ang asthma ko.   Pagkatapos ng dinner namin nagpaalam na ako sa kanila na aakyat na sa room ko dahil inaantok na ako nakareceived naman ako ng message.   Goodevening Camille Dela Cruz , I'm Blaire Suarez  from Suarez Coffee Shop, whom have just spoken to you. Your interview is set for tomorrow 9am. Thank you! What to do?                      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD