Pagkatapos ng kasal ay agad kaming dumiretso sa reception area. The wedding reception is held at one of the famous hotels in Manila. Nauna nang pumunta ang mga bisita sa hotel. Pagkarating namin doon ay agad kaming sinalubong ng mga server para alalayan patungo sa kaniya-kaniya naming pwesto. Bawat grupo ng mga tao o pamilya ay may iisang lamesa. Tansyado na rin kasi ang mga tao na dadalo kung kaya may nakahanda na na mga lamesa at saktong upuan para rito. Isa itong sikat at marangyang hotel kung kaya masiyadong mahigpit ang seguridad at tanging ang mga taong may imbitasyon lamang ang makakapasok sa importanteng event na idinaraos ngayon. Naupo na kami sa lamesa kung saan kami dinala ng server. Sa mahabang lamesa ay nakaupo ako kasama sina Elton, Violet, Jeydon at iba pang mga pinsan ni E

