"Hindi ba anak 'yan ng groom?" "Is that Elton Cristobal? Is he her stepbrother, right?" "Yeah. Bakit siya sumali?" "They are not related by blood. And they look good together so I don't think it's a problem if they will be together." Kahit malayo at nasa stage ay rinig na rinig ko pa rin ang mga bulungan galing sa mga bisita. Iba't ibang opinyon at ideya ang nanggagaling sa iba't ibang tao. Halata rin ang kaguluhan at gulat sa mga mukha nila na para bang litong-lito sila sa nangyayari. Napakagat ako ng labi bago yumuko at mariing pumikit dahil sa kahihiyan. Parang ako ang nahihiya sa sitwasyong kinalalagyan ko. Sino ba naman kasing hindi magugulat kung sa dinami-rami ng lalaki ay kami pa talagang mag-stepsiblings ang nagka partner sa ganitong tradisyon ng kasal kung saan kung sino ang

