Kinabukasan ay tahimik na bahay ang naabutan ko nang makalabas ako sa kuwarto. Tanghali na nang magising ako kakaisip sa sinabi ng Mayordoma kagabi. Sinubukan kong huwag isipin ngunit may kung ano sa sinabi niya ang nagpakaba sa akin. Paulit-ulit kong iniisip kung ano ang maaaring kahulugan no'n ngunit kahit isa ay walang pumapasok sa isip ko. Naisip ko na direktang tanungin na lamang ang matanda tungkol doon ngunit sa huli ay ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon dahil baka nagsasayang lang ako ng oras. Baka naman sinabi niya lang iyon para takutin ako kaya hinayaan ko na lang. Hindi ko nga alam kung anong motibo niya at sinabi niya iyon. Ngunit naisip ko rin na mas okay siguro na na kausapin siya upang magkaliwanagan kami kung sakaling trip niya lang iyon kaya niya sinabi iyon o ba

