"What do you think you are doing?" Natulos ako sa kinatatayuan nang marinig ang sobrang lamig at pamilyar na boses na iyon. Mababakas ang pagkadisgusto sa tono ng pananalita nito na para bang hindi nito nagustuhan ang ginagawa ko. Nahigit ko ang hininga ko nang maramdaman ang pamilyar na presensya ng tao sa likod ko. Napalunok ako habang ramdam ko ang unti-unting panlalamig ng buong katawan ko at ang pagbilis ng t***k ng puso ko. "U-uhm." Wala akong mabuo na kahit isang salita sa sobrang kaba. Nagsimula na akong pagpawisan ng malamig. Rinig ko ang bawat yapak niya na papalapit sa akin. Nanatili ako sa kinatatayuan sa sobrang gulat at takot lalo na nang makita ang anino niya na papalapit. Napasinghap ako sa kaba bago tumalikod upang harapin siya. Pagharap ko sa kaniya ay agad akong tuma

