Nagising ako sa malakas na katok sa pinto ng bagong kuwarto ko.
"Ma'am. Ready na po ang pagkain. Hinihintay po kayo ng Mama niyo sa baba. Sumabay na raw po kayo sa kanila," narinig kong sabi ng maid mula sa kabilang pinto.
I groaned because of frustration. "Sandali lang," malakas na sabi ko bago bumangon.
Dumiretso ako sa banyo at naghilamos. Pagbukas ko ng pinto ay wala na ang maid na gumising sa akin kung kaya dumiretso na ako sa baba. Kabisado ko naman ang daan pababa kaya hindi na ako nahirapan at naligaw sa kabila ng malawak na bahay at pasikot-sikot na mga hallway.
Naabutan ko si Mom at ang kapatid ko na kumakain sa kusina.
"Vivian, you're awake," wika ni Mama nang makita ako.
I walked towards her and gave her a peck on her cheeks. "Good morning, Mom," I said before I sat beside her.
Kumuha ako ng itlog at gulay bago nagsimulang kumain.
"Where's Elton, Mom?" my sister asked Mom, who was busy eating.
"Nauna na siya kanina kasama ang Daddy niya. Maaga silang umalis dahil may mahalagang aasikasuhin pa sila," Mom response as she lift up her hand to drink water.
"Ow." Bumagsak ang balikat ng kapatid ko sa pagkadismaya.
Napailing na lamang ako bago pinagpatuloy ang pagkain. Nang matapos ay tumayo na ako at nagpaalam na mauuna na ako sa taas para maligo at magbihis.
It just took me half an hour before I finished. I wear a black slacks and white button up together with black three inches heels. I took my bag and went down.
Naabutan ko si Mama na kakalabas lang ng kusina.
"I got to go, Mom. I have a lot of business to do," I said goodbye before kissing her on the cheek.
Nakita ko si Violet sa likod niya na nakahalukipkip at nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. Tinanguan ko lamang ito at umalis na.
Nagtungo ako sa parking lot at sumakay sa kotse ko. I drove my way to the restaurant. It just took me 30 minutes before I arrived unlike sa dati naming bahay na aabutin ng isang oras bago ako makarating sa pinagtatrabahuhan ko. I guess moving in that house has also benefited me. Convenient though. Kibit-balikat ko.
Hininto ko ang kotse sa harap ng restaurant kung saan may nakasulat sa itaas na 'Avery's Restaurant'. I smiled and walked inside the restaurant.
Agad na sumalubong sa akin ang abala kong mga empleyado. The ambiance is nice here at maganda rin ang lightings ng paligid. Dagdag pa ang masasarap at mababangong amoy ng pagkain.
"Good morning, Ma'am," bati sa akin ni Jey, isa sa mga server ng restaurant.
He is working here for the past 3 years. 19 years old siya nang mag-umpisa siyang magtrabaho rito bilang part time job pantustos sa mga bayarin niya sa paaralan. Mula sa pagiging part time ay naging full time siya. Kung tutuusin ay graduate na siya but he still choose to work here dahil sa mataas na suweldo at sa maayos na pagtrato sa empleyado. But maybe aalis din siya kapag nakahanap na siya ng permanenteng trabaho.
Ngumiti ako pabalik sa kaniya.
"Good morning din. How's everything?" I asked in my casual voice.
"Okay lang, Ma'am. Medyo busy lang po pero maayos naman po ang lahat."
"Good. Just call me if there is a problem. Nasa office lang ako," sabi ko.
Nakangiting tumango naman siya.
Dumiretso ako sa kusina kung saan abala ang lahat sa pagluluto.
"Good morning, Ma'am Vivian," bati sa akin ni Gerald, isa sa ka batch ko noong college at ngayon ay katrabaho ko na.
"Good morning. Ilang beses ko bang sasabihin na tawagin mo na lang akong Vivian? It's not like we are not batchmates, you know." I shrugged.
He smiled cutely before he shook his head. "Well, boss na kita ngayon. Ikaw ang may ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko. It would be a shame if I didn't call you ma'am."
Napailing naman ako sa naging tugon niya. Ka batchmate ko siya mula noong 1st year hanggang 4th year college sa culinary arts. Well, hindi naman kami gaano ka close dati although nagkakausap kami paminsan-minsan. I was so busy studying both culinary and business management that I didn't have time to make friends. That's why nagulat na lang ako nang pagka graduate namin at sinabi ko na gusto kong magtayo ng restaurant, he immediately apply to be my chef. Simula no'n ay naging tapat na chef ko na siya.
Dahil walang ginagawa ay nagpalit ako ng double breasted coat at apron. Nagsuot na rin ako ng hair net bago ako tumulong sa pagluluto ng mga pagkain. Medyo marami kasi ang tao tuwing umaga. Dito ang puntahan ng mga taong tamad o wala ng oras magluto ng agahan nila o hindi kaya naman ay na stuck sa traffic kung kaya naisipan na huminto rito para kumain.
I was doing this for the past 3 years kung kaya sanay na ako.
Nang medyo humupa na ang customer ay dumiretso na ako sa opisina ko para asikasuhin ang mga papeles. I was multi-tasking. I was managing my own restaurant, fixing these papers and at the same time, I was helping my mom in her company. My mom is a great businesswoman. Sobrang successful at sikat niya sa Pilipinas at kilala rin siya bilang isa sa pinakamayaman sa bansa. Dahil doon ay sobrang naging busy niya that's why I am helping her out. Kaya kahit gusto kong tumambay sa kusina ay hindi ko magawa. It was tiring but it also relieved me knowing that my father would be happy because I fulfilled my promise to take care and help my mom before he died.
I sighed and focused on my work. Mabilis na dumaan ang mga oras at hindi ko namalayan na maggagabi na pala kung hindi lang kumatok ang isa sa mga waiter ko
"Ma'am, mauuna na po kami," paalam niya habang nakadungaw sa pintuan.
"Okay. Ingat kayo. Ako nang bahalang magsara ng restaurant," sabi ko bago tumayo.
"Sige po. Thank you, Ma'am."
I nodded. Umalis na siya habang naiwan naman akong inaayos ang mga gamit ko. Lumabas na rin ako at isinara ang resto.
I opened my car and hopped in. Habang nagmamaneho ay naisipan kong dumaan muna sa drive thru para mag-order ng pagkain na puwede kong kainin sa bahay. Masiyado na kasing gabi at baka wala ng natirang ulam sa lamesa. Ayaw ko namang makadisturbo ng tulog para lang magluto lalo na at medyo maingay talaga akong gumalaw sa kusina. At isa pa, pagod na rin ako at kailangan ko ng pahinga.
Pagdating sa bahay ay nakapatay na ang lahat ng ilaw na siyang binuksan ko. Naisip ko na baka tulog na ang lahat kung kaya dumiretso ako sa kusina at hinanda ang pagkain ko.
Umupo ako at nagsimulang kumain. I was eating silently. Mabilis akong kumain ngunit sinigurado ko na walang ingay ang bawat pagnguya at pagtama ng kutsara sa plato ko. Ngayon lang ako nararamdaman ng gutom. I didn't eat lunch kaya naman sobra ang gutom na nararamdaman ko.
Sa sobrang focus ko sa pagkain ay hindi ko namalayan na naubos ko na pala ito.
Uminom ako ng tubig at ng matapos ay malakas na napa-dighay ako.
Napatakip ako ng bibig bago nagpasalamat.
"Thank you, Lord," usal ko.
Ngunit gano'n na lamang ang pagkatuod ng katawan ko nang may marinig akong malalim na humalakhak.
I turned around and saw Elton who was leaning his back on the wall while looking at me with a hint of amusement in his eyes.
Agad na nag-init ang pisngi ko sa hiya bago dali-daling tumayo at hinarap siya.
"Uhm.. kanina ka pa ba riyan?" malakas ang t***k ng puso na tanong ko sa kaniya.
"Yes," walang pagdadalawang-isip na sagot niya.
"Ah okay." Tango ko bago napakagat sa ibabang labi ko. "Gusto mong kumain?" aya ko.
Umiling siya. "No, I'm good."
Tumango ako bago iniligpit ang pinagkainan ko. Dumiretso ako sa lababo dala-dala ang plato at baso na ginamit ko.
Binuksan ko ang gripo at akmang huhugasan na sana ang mga gamit nang magsalita siya.
"Just leave it there, there are maids that will wash that tomorrow," pigil niya.
Hinarap ko siya. Agad na sumalubong sa akin ang kulay asul na mga mata niya. Muntik na akong mapatulala dahil sa angking kaguwapuhan niya. Oh god. How can he be so handsome?! Bakit may ganito kaguwapong lalaki sa mundo? Nakakapanghina tuloy.
Umiling ako sa kaniya.
"Hindi, ako na. Kaya ko naman at madali lang ito."
Tumahimik siya kaya akala ko ay umalis na siya hanggang sa napakislot na lamang ako nang may malapad at mainit na kamay na humawak sa siko ko.
"Just leave it there."
Nanindig ang balahibo ko sa lamig ng boses nito.
"S-sige," nauutal na wika ko.
Binitawan ko ang mga platong hawak bago naghugas ng kamay.
"Matutulog na ako. Good night," sabi ko nang hindi tumitingin sa kaniya.
Akmang tatalikuran ko na siya nang magulat ako sa sunod na ginawa niya.
Nanlalaki ang mata ko nang ipinaharap niya ako sa kaniya at isinandal sa lababo.
Napatulala ako nang makita ang mukha niya sa malapitan. Ang guwapo! Shuta!
Paanong napunta sa planetang Earth ang ganito ka guwapong alien? Hindi pangkaraniwan ang kaguwapuhan niya. Ito 'yong tipong hindi mo lang masasabi na guwapo kun'di sobrang guwapo talaga! Walang kapantay. Paano kaya siya hinulma ng Diyos? Paniguradong pinaglaanan siya ng matagal na oras para makagawa ng ganito ka perpektong mukha. Kung tutuusin ay mas guwapo pa siya sa mga artista rito sa Pilipinas. Kung naging artista lang siguro siya ay pasok na siya sa Hollywood actors. Mukhang may lahi rin kasi siyang Italian base sa itsura at accent niya.
"A-anong-"
Hindi ko natuloy ang sasabihin nang ilapit niya ang mukha sa akin hanggang sa maramdaman ko ang mainit at mabango niyang hininga na tumatama sa mukha ko.
Napasinghap ako at tiningnan ang mukha niya na unti-unting lumalapit sa akin.
Nang ilang pulgada na lang ang pagitan ng mukha namin sa isa't isa ay pinikit ko ang mga mata ko at hinintay na dumapo ang labi niya sa akin ngunit ilang minuto pa ay wala akong naramdamang kakaiba.
Dumilat ako at sinalubong ang asul na mata ng lalaki na siyang may bakas ng ngisi ang labi.
"Goodnight."
Iyon lang at tumalikod na siya at naglakad palayo, ni hindi man lang lumingon sa gawi ko.
Napatulala ako habang nakatingin sa papalayo niyang pigura at hindi nagtagal ay naramdaman ko ang unti-unting pag-iinit ng mukha ko sa kahihiyan.
Nakakahiya!