Maaga pa lamang ay gumayak na ako at umalis ng bahay upang magtungo sa Restaurant. Wala namang masiyadong ginagawa sa kusina kung kaya naman inasikaso ko muna ang mga papeles sa opisina para kahit papaano ay may pagkaabalahan ako. Dumating ang tanghali at saktong nag-text sa akin si Mama na kailangan naming pumunta sa boutique para pumili at magpasukat para sa gown na susuotin ko sa kasal ni Mama. Masiyadong busy ang restaurant at wala na sana akong balak na pumunta kung hindi lang tumawag si Mama. "Hello, Mom?" bati ko habang nakatingin sa mga empleyado ko na sobrang abala sa pag-aasikaso ng customer. Abala ako sa pag-iikot upang tanungin ang mga customer tungkol sa experience nila rito sa restaurant at kung may kailangan ba sila nang biglang tumawag si Mama. "Where are you?" malam

