Chapter 53 Jesirey’s Pov NAGISING AKO dahil sa ingay ng paligid ko. Para bang may kumakanta. Hindi din ako sigurado kung kumakanta ba nga talaga o umuungol na aso. Dahan-dahan kong idinilat ang sarili ko at puting kisame agad ang bumungad sa ‘kin. Inilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng kwarto ay napansin ang kwarto namin ni Demetrius sa bahay ni Love. Doon ko lang napagtanto ang nangyari. Bumalik sa isipan ko ang sinapit ko mula kay Mavros at ang pagtakas namin ni Zeref at Gray. Napasapo na lamang ako sa noo ko sa mga naalala ko. Bumalik din sa isipan ko ang nangyari kay Mayumi. Pinutol ko lang naman ang katawan niya kaya nag rest in peace na ang gaga. Kulang pa nga ang ginawa ko sa kanya. Masyado kong pinadali ang buhay niya. Kung hindi lang ako nanghihina nong araw na yun ay b

